Chapter 11: Happy

28 3 0
                                    

Chloe's POV

After nang kainan, ininform kami ni Kuya Marco na mag peperform daw kami para sa entertainment. Mabuti nalang at comfortable ako sa nasuot kong dress. Galing talaga mamili ng damit ni Sam kaya idol ko 'yun eh. Yuckk.

Matapos naming mag perform, onting entertainment pa ng emcee at nag message pa ang iba.

Pagkauwing-pagkauwi sa bahay ay hinagis ko ang bag ko at nahiga. Pagod na pagod ako sa araw na 'to. Haaaayy. Iidlip muna dapat ako pero mukhang nagtuloy-tuloy na ito hanggang umaga.

Nararamdaman kong may nag vavivibrate, hinanap ko ito saan man ito naroon. Nang maabot ko ang phone, tinignan ko ang oras, 8:45am. Maaga pa pala. Sinubsob ko muli ang ulo ko ng makita ang o---

Napabalikwas ako ng tayo nang mag sink-in sa akin ang nakita kong oras. OhMy! Quarter to 9 na! Late na kami, bakit hindi man lang kami ginising ni Jho ?

Tinignan ko ang dalawang kama sa harap ko, 'yung usual na taga-gising ay... tulog pa din!

Nakita ko 'yung pito sa may study table ko.

*prrrrrrrrrrrrrrtt*

Parehas lamang nilang tinakpan ang ulo nila ng unan.
Aba't nagawa pang! Nako naman oh. Hmmm...

"MAYY SUUUNNOOOOGG!" sigaw ako ng sigaw ng sunog para lang magising itong dalawang ito at hindi naman ako nabigo.

"NASAAN ? TABO! KUMUHA KA!"

"Magsaboy ka ng tubig! Bilis!"

"HAHAHAHAHA!"

Tuwang-tuwa ako sa reaksiyon nilang dalawa. Napahawak na ako sa tiyan ko sa sobrang tuwa. Hahaha. Halatang may hang-over pa silang dalawa kagabi. Parang baliw silang dalawa na palinga-linga sa paligid na hinahanap ang nasabing sunog.

Nang makuha na nila na wala ngang sunog at tawa pa rin ako ng tawa, sabay nilang hinagis ang dalawang malaking unan.

"ARAY!" nauntog pa ako sa pader. Ang sakit ah.

"Karma 'yan bes. Tss."

"Hindi nakakatuwa." lalabas na sila ng pintuan.

Teka, iiwan nila ako mag-isa dito ? Sinarado na nila ang pinto. Siyempre ako sumunod na palabas pero... ayaw bumukas ng pinto. Siyete otso diyes.

"Hoy. Buksan niyo 'to." kalmado pa ako.

Pinipilit kong buksan ang pinto pero ayaw. Narinig ko pang may humahagikgik, si Sam 'yon panigurado. Sama nila!

"HOOOY! BUKSAN NIYO NA 'TO! LATE NA TAYO HOY!"

"IKAW LANGGG!"


Jade's POV

Ako ang nauna dito sa venue hindi ko alam kung bakit ang aga ko ngayon. 10 am ang practice pero 9:15 palang. Siguro kasi, siguro k-kasi... may gusto akong makita. Unang beses ko siyang nakita, nagandahan talaga ako sa kaniya. Sa isang iglap lang napangiti ako sa hindi malamang dahilan.

"Bakit ka nakangiti ?"

Nabigla ako sa taong nagsalita. Si Ezikiel, isa ring early bird.

Haysssst. Siya pa ang nakakita ng ngiti ko nakakainis. Mapang-asar pa naman 'to.

"A-ah. W-wala. May naisip lang ako."

"Ano naman 'yon? or should I say, sino?" in-emphasized pa talaga nito ang salitang 'sino'. Tsk. Tsk. Nako naman.

"Wala ka ng paki dun!"

Tumayo ako at kinuha 'yung violin. Tahimik pa ang venue dahil dalawa palang kami.

Stupid ThingWhere stories live. Discover now