Chapter 3: Permission

98 3 0
                                    

Malamig ang simoy ng hangin, tahimik at napaka ganda ng tanawin, ganyan angn lugar na kinauupuan ng tatlong dalagita. Maaliwalas, masarap na pakiramdam at presko. Rooftop. Favorite place. Comfort place. Dito sila namamalagi sa tuwing wala silang ginagawa, dito rin sila naglalabas ng kanilang mga saloobin at siyempre dito rin sila nagjajaming.

"Ang sarap talaga dito no? Sana dito nalang tayo forever" nakangiting wika ni Sam.

"Kaso walang ganon" mapait na sabi ni Chloe.

""Ang bitter bitter mo naman lagi nalang." natatawang sabi ni Sam.

"Palibhasa ang shunga shunga, di ka naman mahal non pero pinagsisikisikan mo pa rin yang sarili mo"

Napatingin na lamang ito ng masama dito, Pkiramdam nito ay tumagos sa kanyang puso ang sinabi ng kabigan. Agad na hinablot nito ang pillow sa tabi at binato sa kaibigan sabay takbo at pumunta sa pinto at lumabas.

" Hoy! San ka pupunta! Nagsasabi lang ako ng totoo!" pasigaw pero sincere na sabi ni Jho.

Mas lalo nang napabilis ang lakad ni Chloe sa pahabol sabi sa kanya ng kaibigan.

Sa kabilang banda, naiwang nagtatawanan ang dalawang naiwang magkaibigan.

"Masyado ka kasing honest eh! HAHAHA!" tuwang-tuwang sabi ni Sam.

* * *

Hanggang ngayon nasasaktan pa rin si Chloe sa bawat pang-aasar ng kaibigan nito. Alam niyang matagal na panahon na ang nakalipas ngunit nananatili pa rin siyang nasasaktan. Ilang beses na niyang sinubukan itong kalimuatan ngunit kahit anong pilit nito ay may natitira pa ring pagmamahal ito. Maging siya ay pinag-sasabihan na rin ang sarili na tumigil ngunit ayaw pa rin. Lagi nitong sinasabi na, hindi naman naging tayo pero bakit ako nasasaktan ng ganito?

Muli niyang naramdman na nagngingilid na ang kaniyang mga munting luha. Agad naman niya itong pinahid ng paulit-ulit.

"Bakit ba hindi kita makalimutan!? Stupid! " inis na saad nito sa kanyang sarili.

"Matagal na dapat kitang binaon sa limot eh!"

Tila nag-uunahan na sa pagbuhos ang kaniyang mga luha. Naiinis siya sa kaniyang sarili kung bakit ba hindi niya na lubos na malimutan. Hinayaan niya na lang ang kaniyang emosyon hanggang sa kumalma na ulit ito.

Napalingon ito sa salamin at nakita ang sariling repleksyon na halatang galing lamang sa pag-iyak.

"Umiiyak ka na naman Chloe! Pang-ilang beses mo na yan ? Di na mabilang sa daliri no?"

ngayon ay kinkausap naman nito ang kaniyang sarili.

Sa pagtitig sa salamin ay napukaw ang atensyon nito sa nakasabit na gitara sa may dingding. Agad naman niya ito kinuha at pinaglaruan.

Unang strum. Pangalawang strum hanggang sa makapa na nito ang tono.

"Oo nga pala, hindi nga pala tayo

Hanggang dito nalang ako mangangarap na mapasayo

Hindi sinasadya, na hanapin ang lugar ko

Nasan nga ba ako?

damang-dama nito ang himig ng kanta na sapul sa nararamdaman niya.

Nahihilo , Nalilito

Asan ba 'ko sayo ?

Aasa na lang sayo!

Nang matapos ang first stanza ng kanta ay biglang nag-vibrate ang cellphone sa tabi nito. Agad naman niya itong binuksan.

Mark Jade updated his status

Hindi ito mahilig tumingin ng status ng ibang tao, maliban nalang kung close ka niya or kapag bored o kaya naman curious. Binasa nito ang nakalagay sa status ng nasabing nilalang.

Hey Guys! Who among you wants to join us ? In our band. Guitarist is available. Thank you for participating. Good day!

Guitarist ? sabi nito sa sarili.

Wala siyang balak sumali dito kaya't hindi na ito nag-comment bagkus ni-like niya nalang ito.

Pinindot nito ang home button at nag status ng sa sarili.

'Bored' then click the post button

Nasimulan na nito na mag facebook dahil nahawakan na nito ang kanyang cellphone. Itinabi niya muna ang kaniyang gitara saka humiga sa kanyang kama.

*brrrpppppp*

Biglang nag-vibrate ang cellphone nito dahil sa natanggap na notification.

Mark Jade Fajardo commented on your status.

'You're bored huh? Please join us pretty please!'

Nag-reply ako sa nag-comment. Kilala ko naman 'to, si Jade. Siraulo, basagulero, pero gwapo at ang galing mag basketball tsaka marunong mag violin! Sayang lang kung sisirain niya buhay niya.

Chloe Isabel: Yeah i'm bored, but I don't need a part time job!

Hindi ko naman talaga kailangan ng part time ngayon eh. Bored lang talaga ako this week.

*vibrate* *vibrate*

1 notification: Jade replied to your comment on your status.

Bilis ah!

Jade: It's not part time! You're just gonna play guitar. Kung gusto mo pwede ka na rin kumanta. We need a lead guitarist right now. Malapit na kasi yung sasalihan namin na contest. 2 weeks nalang. Pretty please ? :)

'2 weeks na lang?' antagal kaya mag prepare nun lalo na banda, pwera nalang kung magaling sila!

Chloe: Pag-iisipan ko. 'Wag muna umasa.

Jade: Pwede bang ngayon na po?

Chloe: Aba! nagmamadali ka? 'wag na nga lang

Jade: NOOO! OK! OK! i'm just kidding. So, please join us. :)

Chloe: K.

Stupid ThingWhere stories live. Discover now