Chapter 24: Guilt

22 1 0
                                    


Chloe's POV

Matapos naming maglaro, tahimik kaming bumalik sa kwarto. Hindi naman seryoso 'yung natamo ni Autumn eh, maarte lang talaga siya. 

Pagsapit ng mga alas-singko ng hapon nagpaalam ako na maglalakad-lakad lang ako mag-isa sa labas. Pampatanggal ng stress sa mga nangyayari. Hindi ko alam kung paano ko nakakayahang makipagplastikan sa isang bruha.

Naupo ako sa buhangin, gusto ko lang muna mapag-isa. Walang istorbo. Walang problema. Walang kahit anong babagabag sa isip mo. Sana ganito lagi. 

Ang sarap sa pakiramdam panuorin ang paglubog ng araw. Kinuha ko ang cellphone ko at picturan ito. 

Hindi ko alam kung bakit, kelan, paano ba nagsimula ang lahat, hindi  ko na matandaan. Hanggang ngayon hindi ko pa rin malaman kung ano bang dahilan nung bruhang 'yun para gawin to sa 'kin. 

Hanggang ngayon din, hindi ko pa alam kung sino 'yung hayop na naglagay nung cellphone ni Kuya sa bag ko. Matisod ka sana ngayon na.

"Bakit ka mag-isa ?" napatingin ako kung sino ang tumabi at umistorbo sa moment ko.

Si Jade.

"Gusto ko lang magisip-isp."

"Halata nga eh." umupo ito sa tabi ko. "Ang ganda ng sunset no?"

"Oo naman. Mas gusto ko ang sunset kesa sa sunrise."

"Bakit naman ?"

"Hindi ko alam, basta feeling ko lang."

"Ah." 

Nanaig ang katahimikan. 

Akala ko galit siya sa akin kasi ang lamig niya sa akin kahapon pa.

"Jade..."

"Hmmm..."

"Galit ka ba sa 'kin?"

Kumunot ang noo nito. "Anong pinagsasasabi mo diyan? Anong galit ? Haha."

"Eh kasi, parang ang cold mo sa akin eh. Kahapon pa."

"Ang praning mo naman. Hindi ako galit ano ka ba. Bakit ako magagalit sa 'yo?"

"W-wala. Kalimutan mo na lang." tumahimik na muli ako.

"Kung sana ganun ka lang kadali kalimutan eh." pabulong nitong sabi.

Sobrang hina kaya hindi ko rinig.

"Ano 'yon? May sinasabi ka?"

"Wala. Tara, kain nalang tayo." pinagpag na nito ang shorts nito at inalalayan akong tumayo.

Dumiretso kami sa may mga street foods. My favorite. Tuhog lang ako ng tuhog na masasarap na pagkain, total sabi niya libre niya naman eh.

"Yuuuuuumy!" puno pa ang bibig ko ng calamares. Ang saraaap! 

Sa mga sandaling 'yon, panandalian kong nakalimutan lahat ng problema ko. Simula sa pinakamaliit na problema hanggang sa pinakamalaking problema ko. Dinaan ko lang sa pagkain. 

Kung pwede lang iuwi lahat ng pagkain dito ginawa ko na eh. Hahaha!


Samantha's POV

 Araw-araw kong inaabangan ang paglubog ng araw kaya't lumabas ako para masilayan ito.

Pagdating ko sa may tabing dagat, hindi lang sunset ang nakikita ko, mga echoserang froglet na mga babaeng naka bikini na akala mo naman sexy. Kakapal, mema ang mga bruha.

Stupid ThingOnde histórias criam vida. Descubra agora