Chapter 12: Please

28 2 0
                                    

Samantha's POV

Hindi kami natuwa ni Jho sa ginawang prank ni Chloe sa amin kahit alam naming male-late na kami. Sa kabilang banda, thankful din naman kasi hindi kami na late. Haha.

Para ganti sa ginawa niyang kalokohan, pinagsarhan namin siya ng pinto, hindi namin ito ni-lock pinihit lang namin ng sabay para hindi niya mabuksan dahil alam naming malakas ang braso niyan kasi nga volleyball player yan.

Nang makarting kami sa studio, nagtanong agad si Jade tungkol kay Chloe. What's the matter ? Psh. Makalipas ang 30mins. Wala pa rin siya, nagsisimula na kami kahit kulang. 

Pinapayagan nilang magsimula kahit may kulang pa ? 

Nakaramdam ako ng guilt at sinabi ko yung kay Jho. Ganun din naman daw siya. 

Lagot.

Narinig kong may kumakatok. Nabuhayan ako. Sana si Chloe.

Pang-ilang katok na pero bakit hindi pa nila binubuksan ?

Tatawagin ko na sana si Jade pero saktong tumayo na ito at dumiretso sa pinto.

Ngumiti muna ito bako pihitin ang door knob.

What's that smile for ? Weird. Nakakahalata na ako. 

Pagkabukas na pagkabukas nito ng pinto ay kasabay ng pagtumba nito sa sahig.

Bigla akong napatayo. Si Chloe. Nasapak si Jade. Aray. 

Kasabay nito si Kyle na agad pumasok, nasagi pa ang kaibigan ko. Walang modo.

Nagulat ako nang hawakan nito ang pisngi ni Jade. Geez.

Pero diba dapat, masaya na ako? Panatag na loob ko kasi andito na si Chloe? Ba't ganun? Bakit iba yata 'tong nararamdaman ko?  

Tinapik ako ni Jho. What a relief. Thanks bes. You saved me fom my hell mind.

"'Yang mata mo."

"H-huh?"

"Sabi ko, 'yang mata mo."

"Anong meron sa mata ko?"

"Nanlilisik."  hindi ko ma-explain ang nararamdaman ko.

Ugh! What the hair is this!?

Nabalik ako sa reyalidad nang marinig ko na nag-sorry si Chloe sa harap ng lahat, pero pinagtawanan lang nila. Natawa nalang din ako para maitago ang hindi ko maipaliwanag na pakiramdam. 

Nahagip ng aking tingin ang lalaking tinutukoy ko... lalaking ngumingiti dahil sa kaibigan ko... si Jade.

***

Chloe's POV 

I don't have any idea  kung bakit nila ako pinagtawanan. I asked Jho and Sam why they laughed at me, they say they don't know. Impossible! Nandun sila bago ako makapasok tapos hindi nila alam? Napakabuting kaibigan.

Buong gabi yan lang ang nasa-isip ko. Kung tutuusin simpleng bagay lang naman 'yon, pinapalaki ko lang. Eh sa curious ang ate mo ? Who cares.

Tumayo nalang ako at dirediretso papunta sa kusina. Hindi na ako nag-abala pang tignan ang mga nakatalukbong kong mga kaibigan.

Kumuha ako ng tubig sa ref at ininom ito. At dahil ayaw pa akong dalawin ng antok, kumuha ako ng dalawang balot ng chocolate at naglakad na papunta sa terrace.

Habang naglalakad sa may sala, napansin kong bukas ang pinto, siyempre dahil ako ay isa sa may-ari ng bahay na 'to, nilapitan ko.

Nang malapit na ako sa pinto, may naririnig akong nagkausap sa telepono.

Stupid ThingWhere stories live. Discover now