Chapter 14: Phone

22 2 0
                                    


Chloe's POV

Hindi pa rin ako makapaniwala na magkakarooon ng sponsor ang bandang ito at ang mas nakakagulat pa nito, ang nakaatas dito ay si Autumn! Anong nakita ni Kuya Marco sa kanya para tanggapin siya? Cleavage ?

Pare-parehas kaming tatlo na hindi alam kung paano ba marapat ang i-react sa nasaksihan kahapon!

Pero, ano nga ba dapat ang dapat naming iakto? Masaya? Masaya kasi magkakaroon na ng sponsor at hindi na gaanong magkakaproblema? O inis? Inis kasi may makakasama kaming bruha? O kaya naman ay takot...? Takot na baka... may kung anong gawin siya sa amin, sa akin?

Bigla akong nakaramdam ng panandaliang kaba... sana naman, walang mangyaring masama diba. Naku, naku, hindi pa niya ako kilala. 'Wag niya nalang gustuhin pa akong kilalanin.

Narito kami ngayon sa studio. Tahimik lang ako dito sa pwesto ko at seryoso sa pagpapractice.

Napansin kong sobrang malapit nila Autumn at Kyle sa isa't-isa, malamang kasi mag-jowa sila. Tsk. Pero sila nga ba ? Buti hindi naiirita dito si Kyle.

"Gusto mo tubig?" alok nito. Nananatili namang tahimik at seryoso ang inaalok nito.

Nang mapansin nitong nakatitig ako da kaniya ay napatingin din ito sa akin, agad naman akong umiwas ng tingin. 'Wag mong subukang lumapit dito!

Sana may lumapit at kumausap sa akin.

Pero teka lang, wala naman akong ginagawang masama ah, bakit ba ako natatakot ? Erase! Erase!

Tumayo ito at aaktong lalapit sa pwesto ko.

"Chloe. Tubig oh!" napagitla ako nang may mag-abot sa akin ng tubig. Inabot ko naman ito agad at binuksan sabay inom.

Napansin kong napahinto sa paglalakad si Autumn. Whooo!

"Thanks Sam! You saved me. Whoo!"

"Save ?" napaisip pa ito. "Sabi na nga ba eh, natatakot ka sa kanya."

"A-ako? Natatakot? Never." uminom muna ako ng tubig. "Hindi lang ako handa na harapin siya ngayon, matapos ang nangyari."

"Sasabihan ko si Jho. No need to worry, isang maling galaw lang niya..." tumitig ito sa akin. "Patay siya."

Itinaas nito ang isang papel at dahan-dahang nilukot hanggang sa panggigilan niya ito.

Habang nilulukot niya niya ang papael ay may napansin akong music symbols, yun---

"Sam! Piece mo 'yan! Anong ginagawa mo!" bahagya rin akong nataranta para sa kaniya.

"H-ha?" bigla niyang tinigil ang paglukot dito. Dahan-dahan niya itong binuklat. "Aaaaah! Ha-hala!" natataranta na ito. Hindi niya alam ang gagawin niya.

"Ikaw kasi eh. Haha."

"'Wag ka ngang tumawa diyan. Tulungan mo ako dito."

"Ok guys! Break time muna." sigaw ni Kuya.

Nilapag ko na sa tabi ng bag ko ang gitara ko. Habang si Sam naman ay tarantang-taranta pa rin. Lumapit ako dito.

"Tara dun sa baba, paxerox natin 'yan." kumalma naman ito. Buti naman, akala ko iiyak na siya eh.

"Oo nga! Tara! Buti nalang break na, kung hindi lagot ako, wala akong copy ng piece ko. Hindi ko pa naman master 'yun." malapit na kami sa pinto ng tawagin kami ni Jho.

"Sam. Chloe! Wait lang." napatigil naman kaming dalawa.

"Iiwan niyo ko? Ganyan ba kayo?" 

Oo nga pala, may kaibigan pa kami. Sobrang seryoso kasi sa practice eh, 'yan tuloy nakalimutan na namin siya.

Stupid Thingحيث تعيش القصص. اكتشف الآن