Chapter 6: Meeting

51 3 0
                                    

Jades's POV

"Dito ko nalang muna 'to ipapark. Titignan ko lang sila Chloe kung andun pa sila."

Napatingin ako sa relo ko. Sheez! Quarter na, sana lang talaga.

Tumakbo na ako papuntang coffee shop nang may mapansin akong lalaking kalalabas lang ng shop.

"KYLE!"

Grrrrhh! Ikaw talagang lalaki ka!

Pagkatawag ko sa pangalan niya ay tumalikod agad ito. Aha! Lagot ka sakin.

Hindi ko lang maintindihan kung bakit ba kasi ang lakas ng tama nitong lalaking ito at wala nang nagawang tama para sa banda namin. Hayst.

Kung sinabi niya lang na dito ang punta niya edi sana hindi ako nagagahol sa oras ngayon!

"HOY KYLE!" kunwari hindi narinig "KYLE! KYLE!" aba't nagawa pang mag bingi bingihan. "HO---"

"ANO?" agad na na sigaw nito. 

Aba naman talaga 'to oh.

Ako na ang lumapit dito. Nakakahiyan naman sa kaniya.

"Bakit 'di mo sinabing dito ka pupunta ? Eh dito ang meeting place para makipag-meet sa bago nating re-recruitin, tapos ikaw pa ang nauna dito. Nako naman oh!" mahabang paliwanag 'ko.

Napakamot ito sa ulo, tila wala siyang alam sa mundo kundi sarili niya lang. hayst.

"Di naman kasi kayo nagtanong eh!" 

Tinitigan ko lang siya ng masama. And he got it what I mean to say. 

"Mianhae (i'm sorry)" hindi ko alam kung bakit ba may mga words siyang hindi sinasabi in tagalog. Ayaw maibaba ang pride, naku naman.

"Diyan ka na nga.  Tabi!" sana lang talaga andito pa sila.

Pagbukas ko ng pinto, nilibot ko ang mata ko sa buong shop.

Sheeez.

"Wala na..."  walang emosyon kong sabi.

"TABII!" 

"Aray." may biglang sumulpot na babae at madaling madali.

Nasagi pa ako, 'di man lang nag-sorry.

"Kuya, kuya, may nakita po ba kayong bag dito ? Yung kulay blue na shoulder bag?" natataranta niyang sabi sa isang staff sa may counter.

Ganun ba talaga kapag nagmamadali? Nakakalimot na ng manners ?

"Sorry sa pananagi miss ah ? Sorry." inis na sabi ko dito.

Hindi niya yata ito narinig kaya nilapitan ko ito.

Hinawakan ko ang braso nito at hinarap sa akin.

"Hindi ka ba mag---"

"What do you want ?!" 

Hindi ko matuloy ang sasabihin ko nang mapaharap siya sakin. 

Siyete. Si...

"Chloe?" kumunot ang noo nito nang magbanggit ako ng pangalan.

Siya nga! Hala. Ako pa ata ang hindi nagpakita ng manners. Nakakahiya.

"Excuse me?"

"Jade. Mark Jade Fajardo."


Chloe's POV

Naisipan naming maglakad nalang kesa mag sasakyan. Habang naglalakad, ang mga kasama kong ito ay kinikilig pa rin hanggang ngayon. Kaunti pa parang mahihimatay na 'tong mga to. 

Stupid ThingTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang