Chapter 8: First Jamming

49 3 0
                                    

Jade's POV

Excited na 'kong makasama ang bagong member ng banda. I am so thankful na pumayag sila. Hindi sa nag-aassume pero magpapaka-assuming na 'ko, feeling ko napogian yung dalawang kasama ni Chloe sa 'kin. Hahaha.

Andito kami ngayon sa studio para nga ipakilala sila. Sila na rin ang nag presinta na gusto rin nilang sumali, hindi naman ako makatanggi kasi nga kulang din kami. Sayang din yun, malapit na ang contest wala ng atrasan 'to.

"Okay guys! Let's all welcome, the new member of the Band. Can you introduce yourselves ?"

Napansin kong nag sisikuhan pa silang tatlo.

Bakit ? Nahihiya ba sila ?

"Ooookay." napapalakpak ako ng hindi pa sila makapag pakilala. Tumabi ako sa gilid nila.

"She is ..." tinapat ko ang aking kamay sa kanya.

"S-Samantha. Samantha Kane Li... Annyeong." nice name huh.

"and you...?" nakatulala pa ito. Parang may ibang tinitignan sa malayo. Hmmm. Tinignan ko naman ang diretsong iyon.

Napangisi ako sa napansin ko, si Ezikiel pala huh. Nang mapansin nito ang kamay ko na malapit sa kaniya ay nabalik ito sa realidad.

"H-hmm. G-good M-morning... i'm Jhoanna Kate Cruz. Nice to meet you all." yumuko pa ito para sa paggalang.

Teka, mga koreana ba itong mga 'to?

"Good morning! I'm Chloe Isabel Lazaro. Nice to meet you. Annyeonghaseyo." nag korean na naman.

"Wait lang, mga koreana ba kayo?" tanong ko.

Parang kasi eh.

"H-hmm. Actually, si Jho lang ang may lahi sa amin then kaming dalawa pure filipina." pagpapaliwanag naman nito.

Ah. Ganun pala.

Matapos nila magpakilala ay kami naman ang sumunod. Tapos nang magpakilala ang lahat pero... binilang ko lahat pero kulang. Nako naman oh! Kelan ba matututong pumunta ng maaga sa practice yon?

"Where's Kyle?" hindi nito ipinahalatang naiinis na ito sa mga bagong miyembro.

Asan ka na bang bata ka ?

"I'M HERE!"

"Buti naman may balak ka pang pumunta?"

"Naman! I'm still a member of this."
Hay nako. Kung hindi lang ito magaling maggitara matagal ko na 'tong pinaalis eh.

"T-teka lang po... makakasama po natin y-yan?" sabay turo nito kay Kyle.

"Yes. Why?" nagtataka kong tanong. Ano meron?

"Oo bakit ? Ayaw mo ?" sarkastikong sagot nito.

"Hi-hindi naman po." sabay iwas ng tingin.

Magkakilala na ba 'tong dalawang to?

"M-mag sisimula na po ba tayo?" nahihiyang tanong ni Sam kung hindi ako nagkakamali.

"Sabi ko nga."



Chloe's POV

Ang ganda ng studio nila. Hindi ganun kalaki sakto lang, almost perfect na bilang venue ng mga gustong mag practice. May malaking salamin AS IN. Nakapalibot sa buong kwarto. Isang pagkakamali mo lang, huli ka agad. Astig talaga.

"We always sing a love song na may halong rock kung walang halong rock ang theme, senti-mode pero lalagyan ng buhay siyempre. We always do warm up in every instrument. Ezikiel sample!"nilaro nman nito ang drums nito. "I like that! Then after na makapag warm-up ang lahat ng instruments, vocalist naman ang next na magpapakitang gilas. The vocalist will sing in a capella" napapalakpak naman ito matapos sabihin ang lahat.

Stupid ThingWhere stories live. Discover now