Chapter 10: Party

32 2 0
                                    


Chloe's POV

It's already 5:45 at katatapos lang naming mag-ayos na tatlo. Around 5pm pa ako nakapili ng damit. Hehe. Pero heto lang ang masasabi ko, ang gaganda namin. Hindi sa nagyayabang pero ipagyayabang ko na.

Sa dami na ng party na pinuntahan namin ngayon lang kami nag-ayos ng ganito. Last time na nag-ayos kami ng ganto, birthday pa ni... Liam. Napangiti na lang ako sa naalala ko. 'Yung mga panahong... masaya pa kami, ako. Pero nevermind na nga, hindi na natin dapat pang balikan ang nakaraan , diba ? 

"Hoy! Chloe, ano na ? Daydreaming again ?" sigaw nito sa akin.

"Eto na nga. Sabi ko nga eh. Alis na tayo."

Sumilip muli ako sa salamin para i-make sure na maganda pa rin. Hindi ako ng make-up ng todo. Slight lang, simple in short.

Bag, check. Car and house's key, check. Myself, of course check. Lumabas na ako ng kwarto at ni-lock ito. Nakatayo lang si Jho sa labas at nananatiling tahimik. Hayst. 

"Ako ang magda-drive today, ikaw mamayang pauwi." hinagis ko nalang sa kanya ang susi at sumakay na kaming tatlo.

Sa buong biyahe ay tahimik ang lahat. Sinulyapan ko si Jhoanna, nakatitig ito sa kawalan. Gustong-gusto namin itong tanungin ni Sam tungkol sa sobrang pananahimik nito, pero mag kukusa din yan, hindi niya rin kami matitiis. Bibigyan na lang namin siya ng space.


Nakarating na kami sa venue ng party, pero teka? Parang... bakit ? Bakit parang walang tao ? Dadalawa lang ang nakaparadang sasakyan? Oh c'mon, is this really part of the party ? 

"Ma'am dito niyo nalang po i-park." itinuro naman ni manong guard sa may bandang kanan.

"Guys, dito ba talaga ang venue ?" nagtatakang tanong ni Sam.

Naiisip niya rin ang naiisip ko.

"Tanong mo nga kay manong kung may party ba sa loob!" tinawag naman niya ito at kinausap.

Nananatili pa ring tahimik itong katabi ko. HIndi ko na talaga matiis.

"Jho ? Are you okay?" tumango lamang ito bilang tugon, nginitian ko ito at hinawakan sa kamay.

"Meron daw sa taas, tayo pa lang daw ang nauna kaya wala pang ibang mga sasakyan."

"6:15 na ah, tapos tayo ang nauna? Weird. Ang dami kaya nilang early bird."

Lumabas na kami ng sasakyan at dumiretso na sa loob ng building.
Nakakapagtaka lang kasi ang tahimik ng hallway. Teka, malayo pa naman ang undas ah bakit ganto ? Horror ba ang theme ng party ? Tapos naka semi-formal ? 

"Naiisip niyo ba ang naiisip ko ?" tanong ko sa mga ito.

"Ganito ba talaga ang party sa kanila ?" tugon din ni Jho, kahit pala tahimik ito kanina pa nakakaramdam pa rin siya, akala hindi na eh.

"Katukin mo na." pagtutulak sa akin ni Sam.

"Oo na, eto na."

*tok*   *tok* *tok*

"Wala naman atang tao eh. Baka tama naman si manong guard. Tayo palang ang nauna."

Lumapit si Sam sa pinto at pinihit ang door knob.

"Bukas naman kasi, katok ka ng katok diyan."

"Ikaw ang nag-utos diba?"

Binuksan nito ang pinto ng dahan-dahan, madilim kasi walang ilaw. Parang walang tao---

"WELCOMEE TO THE FAMILYYYY!"

Biglang nagliwanag ang buong paligid. Nagsilabasan ang mga taong may bakas ng mga ngiti sa labi. Sabay-sabay na sumigaw at naghagis pa ng mga confetti.
Kumpleto ang banda, ang gaganda ng pagkakadecorate ng kwarto.

Stupid ThingWhere stories live. Discover now