Chapter 2: In trouble

111 6 0
                                    

In front of these four stupid, ugly, worst mans, they're struggling on how to beat those crazy mans. They don't know what was they are fighting for. Basta na lamang silang hinamon sa isang suntukan. Hindi sila handa. Hindi rin nila alam kung bakit sila inaaway ng mga ito.

Isa sa kalaban nila ay may dinudukot na patalim sa kaniyang likuran na agad naman nilang ikinabahala.

"Kyle may kutsilyo." Paalala ni Jade.

Bagamat sanay na sila sa mga ganitong aksyon ay umiiwas na sila sa anumang gulo dahil ayaw nilang marumihan ang kanilang imahe sa iba.

"Madaya, tatlo lang tayo apat sila."

"Mayayabang lang yan kasi may armas." Maangas na sabi ni Ezikiel.

"Bahala na nga!"

"Sugod na!" sigaw ni Kyle.

*argggh* *pok*

Suntok dito. Hampas don. Patuloy ang gulo hanggang sa bumagsak na ang tatlo sa kanilang kalaban at isa nalang ang natira.

"Ano? Laban ka pa?" matapang na tanong ni Jade at nilapitan ito.

Kita sa mukha nito ang takot at kaba na baka matulad din ito sa kanyang mga kasama.

"TAKBO!" sigaw ni Jade.

At ayon sa sinabi nito, kumaripas naman ng takbo ang lalaki.

"BWAHAHAHAHAHA!" nagtawanan na lamang silang tatlo.

"Lagot na naman tayo nito kay Kuya Marco. Haha." Natatawang sabi ni Ezikiel.

"Katatapos lang ng isang issue panibago na naman. Sigurado nito panibagong topic 'to bukas. Tsk. Tsk."

"Kelan ba tayo lulubayan ng lintik na gulo---"

*prrrrrrrrrrrrrtttttttttt*

"Hoy! Tigil!" sigaw ng isang tanod.

Patuloy silang naghahabulan sa daanan ng isang street.

"Hiwa-hiwalay tayo. Jade kanan. Ezikiel kaliwa. Ililigaw ko 'tong isang 'to. Kita-kits sa STUDIO!" sigaw ni Kyle at nag-hiwalay na nga sila ng daan.

Takbo lamang ng takbo ang tatlo. Nang mapansin ni Kyle na bahagya nang bumabagal ang mga barangay tanod na humahabol sa kaniya ay lumiko siya sa isang iskinita at inakyat ang bakod. Tagos ang iskinita na ito sa kabilang street. Nang makitang nakaliko na ang binata ay napatigil na ang mga tanod dahil na rin sa kawalan ng pag-asang mahabol pa ang binata. Napasuntok nalang sa kawalan ang isang tanod dahil sa inis nito. Samantalang ang binata ay nakangiting naglalakad at papunta na sa kanilang studio.

***

"Ano na naman bang gulo 'tong pinasok niyo ha? Hindi pa ba kayo nadala? Katatapos lang ng isang issue panibago na naman?" inis na inis na sabi ni Manager Marco sa kaniyang mga bata.

Kasalukuyang ginagamot nila ang mga natamo nilang sugat. Tahimik lamang ang mga ito at wala ni isa ang gustong magsalita.

"walang magsasalita?" bulalas pa nito.

"hindi naman kami ang nauna eh. Sila ang naghamon!" paliwanag ni Jade.

"e bakit niyo pinatulan"

"nakakainis sila! Iisipin nilang duwag kami kung hindi kami lumaban!"

"Think more wisely guys! Grow up! What do you guys think will happen after this issue?" pilit na kinakalma nito ang kanyang sarili.

"Sorry kuya" paumanhin ni Ezikiel.

Hindi na malaman ni Marco ang dapat gawin para muling takpan at piliting wala nang makaalam pa ng nagawa nilang gulo. Napailing nalang ito na may kasamang buntong hininga.

"Don't be sorry, it already happened"

"So, hindi ka na galit Kuya Marco?" nakangiting tanong ni Jade

siniko naman ito ni Kyle na hindi natuwa sa itinanong nito.

"bakit?" bulong na tanong nito

"GUSTO MO BANG MAGALIT AKO ?"

"oh oh!" gulat na wika nito

"a-ayaw ko p-po" nauutal sa wika muli nito

"OK! Then what's next after all ? Hmf! Sawang-sawa na ako sa mga issue na 'to! Pwede bang umayos nga kayo" inis na bulalas nito sa mga bata nito

Natahimik naman ang lahat ng tao sa studio. Wala ni isa ang gustong mag salita dahil sa inakto ng nakataas sa kanila.

Samantala , halos mamaluktot na sa sakit si Ezikiel dahil si Marco ang nanggagamot sa sugat nito na ngayon ay pinanggigigilan nito.

Hindi nito magawang mag reklamo dahil alam nitong wala itong karapatan. Marahang natawa nang bahagya ang ilan pa nilang kabanda sa kalagayan nito. Napansin naman ito ni Kuya Marco.

"ANONG NAKAKATAWA!"

"AAARRRRAAAAAYYYYY!!"

Stupid ThingWhere stories live. Discover now