Chapter 22: Coffee

16 1 0
                                    

Jade's POV

Nang sabihin ni Sam na hindi pa bumabalik hanggang ngayon si Chloe ay agad akong lumabas at tumakbo.

Nakita kong nagmamadaling bumababa ng hagdanan si Kyle. San pupunta 'yun? Hindi kaya...

Kumaripas ako ng takbo at pumunta sa kung saan man siya maaaring nagsuot. Naikot ko na ang halos buong resort pero wala pa rin akong nakikitang Chloe.

Tumakbo ako sa may parang park, pero wala.

Sa may mga kainan, wala din.

Sa tabing dagat, wala pa din.

Pagod na ako... napahawak na ako sa tuhod ko sa sobrang pagod.

Palinga-linga lang ako, nagbabakasakaling makita ko ang hinahanap ko.

Halos 360 degree na ang ikot ng ulo ko pero hindi ko pa rin siya makita.

"Nasaan ka na ba---" napatigil ako ng may mamukhaan ako. Sa 'di kalayuan sa kinatatayuan ko. "... Chloe---"

Lalapitan ko na sana ito nang may lumapit na isang lalaki dito at may dalang dalawang ice cream...

Nanatili lang akong nakatungo sa kinatatayuan ko, tinititigan siya sa malayo kasama ang iba. Naramdaman ko ang likidong galing sa mata ko na tumulo. Pinunasan ko ito. Pero pauli-ulit lang ang pagtulo nito kaya't hinayaan ko na ito.

Bumalik na ako sa resort pero hindi muna ako pumasok sa kwarto. Nag-stay ako sa may bench, sa labas.

"Aaaaaaaaaaah!" gusto kong sumigaw. Sumigaw hanggang sa mawalan ako ng boses. How it turned like this ? 

Napatigil ako sa ginagawa ko ng may tumambad na shake sa harap ko. Tumingala ako para tignan kung sino ang nag-abot nito.

Si Sam.

"Kunin mo na." kinuha ko naman ito. Baka mamaya umiyak pa ito eh.

"Thanks."

"You're welcome." ang taas ng energy nito, parang walang problema. Tumabi ito sa akin.

Tinititigan ko lang ang inumin na hawak ko. Wala akong balak inumin ito.

"Inumin mo na 'yan, sayang. Hindi naman mauubos 'yan kung tititigan mo lang ." nagkibit balikat lang ako sa sinabi nito. Wala ako sa mood makipag biruan ngayon. "Huy." pinindot nito ang braso ko.

Nilingon ko lang ito pero hindi ako nagsasalita.

"Y-yung s-shake mo..." tinuro niya ang hawak ko.

Halos mayupi na ang lalagyan nito, umaapaw na ito. Kinalma ko ang kamay ko na kanina lang ay nanginginig at pinanggigigilan ang hawak ko. 

Napatingin ako dito ng hawakan niya ang kamay ko.

"Anoman 'yang problema mo... kung bakit ka malungkot tsaka kung bakit nanggigigil 'yang kamay mo... nandito lang ako." ngumiti ito. "Hindi pa tayo sobrang close pero magkaibigan naman tayo diba?"

Tinanggal ko ang kamay ko sa pagkakahwak nito. Tumango lang ako sa sinabi niya. Hindi ko alam ang sasabihin sa kanya. Kalalaki kong tao pero nakikita ng isang babae ang kadramahan ko ngayon.

Bakit ba lagi siyang andiyan para pagaanin ang loob ko? Bakit hindi si... Chloe?

"Haha. Tara na nga! Pahangin tayo. Sobrang nagpapaka-emo ka diyan eh. Isigaw mo lang lahat ng nararamdaman mo, sigurado akong gagaan 'yan." tumayo ito at inilahad ang kamay niya.

"Psh. Kulit mo." tumayo na rin ako at nilagpasan ito.

"Wait lang! Kain tayo ah."

"Basta libre mo."

Stupid ThingWhere stories live. Discover now