Chapter 1: Music is Life

226 6 9
                                    

Sa isang garden dito sa may Village ay may tatlong magkakaibigan na masayang nagkakantahan.
Hindi nila alintana ang mga taong nagdaraan sa kanilang harapan.
"Why can't I hold you in the street
Why can't I kiss you on the dance floor." panimula ni chloe.

"I wish that it could be like that why can't it be like that? 'cause im yours..." pagpapatuloy ni Jho. Ang vocalist kunno nila na di mapagkakailang maganda naman talaga ang boses.

Habang ang isa naman na si Samantha ay patuloy lang sa pag-gitara.
Patuloy lang sila sa pag-awit hanggang sa matapos nila ang kanta.

"Okay. Next Song!" sabi ni Chloe.
"Hindi pa ba kayo nagugutom? Anong oras na oh?" tanong ni Jho.

Sa pagdaan ng isang napakagandang lalaki sa kanilang harapan ay tila tumigil ang mundo ng ilang sandali.

"Busog na ako..." nakatulalang sambit ni Sam.
"Ako din..." sang-ayon ni Chloe.
"Hi girls!" bati ng isang lalaling nag jojogging na tila ba taga ibang planeta ang dating.

Sa labis na kilig at nag-uumapaw na kaligayahan ay kumawala sa mundong ito ang napakalakas na tilian sa universe.

"WAAAAAAAAAHHHHHHHH!" sigawan ng sigawan ang magkakaibigan na parang wala ng bukas.
"Whoooohhooooo! Tara na magsiligo na tayo!" pilit nilang kinakalma ang kanilanh mga sarili dahil baka tuluyan na silang mawala sa katinuan.

"ayaw niyo pa munang kumain? Ligo agad?" muling tanong ni Jho sa kalmadong pakiramdam.

"Alam mo Jho, kung gusto mo kumain, kumain ka na diyan dahil ako mamaya na di pa ako makakain ng maayos. Haha. Baka si Sam gusto kumain!"

"Sam!" sigaw ni Jho.

"Sam!" tawag ulit nito. Kasalukuyang tulala pa rin si Sam na hindi pa rin makamove-on.

"SAMANTHA KANE DELA CRUZ LI!" malakas na sigaw ni Jho sa buong pangalan nito kasama pa middle initial na nakapagpabalik sa katinuan nito.

Napatawa nang bahagya si Chloe sa inasal ng kaniyang kaibigan.

"Kakain ka ba o hindi ?" pasigaw na tanong nito.

"siya lang sapat na Jho." May lipbite pang kasama.

"HAHAHAHAHAHAHA!" nagtawanan ang tatlong magkakaibigan.

Sa gitna ng tawanan ay nakaisip ng isang magandang kanta si Jho na sinabayan ng kaniyang mga baliw na kaibigan.

"Ikaw lamang ang aking minamahal" panimula nito.

"ikaw lamang ang tangi kong inaasam" pagpapatuloy ni Chloe na may birit factor pa.

"makapiling ka habang buhay ikaw lamang sinta, wala na 'kong hihingin pa" pagpapatuloy ni Sam.

"walaa na aaahhaa. Hmmm. Hmmm." sabay-sabay na kanta ng tatlo na pilit pinataas ang tono at nagawa naman nila. Nagtawanan na lamang sila.

***
Tatlo silang magkakaibigan sa iisang tirahan. Iisa ang pinapasukang paaralan. Marami rin silang mga pagkakapareho kaya naman sila ay nagkakasundo. Lagi silang nagdadamayan, kilala na siguro nila ang isa't- isa. Pare-parehong mahilig sa musika hindi rin maipagkakaila sa kanila na may taglay din silang kagandahan in and out. Madali silang pakisamahan pero hindi maiiwasan na marami ang mainsecuresa kanila. Lahat naman siguro tayo mabait sa taong mabait at terror sa terror diba? Ganyan sila kung ipapakilala sa iba.

"Sam! Hindi ka pa ba tapos siyan?" sigaw ni Chloe.

"Sandali"

"Bilisan mo! Double time! Kahit kelan talaga oh." Napailing nalang ito sa inasta ng kaibigan.

"Chloe." Tawag ni Jho.

"Nakita mo na yung sa facebook?"

"Ang alin? Maraming lumalabas sa newsfeed ko."

"ito oh." Pinakita naman nito ang cellphone kay Chloe.

"SHOCKS!"

"ano yan ano yan ?" mabilis na tanong ni Sam na kanina lang ay busy sa kakaayos sa sarili.


Nilayo naman ni Jho ang cellphone nito dito na kinainis ng kabigan nito.

"kapag sa tsismis ang bilis nito, pero kapag sa ibang gawain parang pagong! Nako nako Sam!"

Tinaasan lang nito ng kilay ang kaibigan.

"Tama na nga yan!" awat ni Chloe.

"Kj naman nitong mga 'to"

"Tara na nga."

"Patingin na kasi ako!" pangungulit nito.

"Bahala ka sa buhay mo." mabilis na lumabas ng bahay ito.

"Psh."

"Baguhin mo na kasi ugali mo. Hahaha. Nang matalo mo naman siya." sumunod naman ang mga ito sa sasakyan at dismayadong umalis.

Stupid ThingWhere stories live. Discover now