Chapter 19: Perfect shots

13 1 0
                                    


Jade's POV

Mahimbing ang pagkakatulog ng dalawa kong katabi. Kakagising ko lang din. Nilagay ko ang earphone ko para hindi ako mabored.

Tumitingin nalang ako sa labas, ang ganda talaga ng kalikasan.

Mahilig ako kumuha ng mga litrato, mas nakaka-akit kapag nature.

*click* 

Perfect! Sama mo pa ang sunrise. Manghang-mangha ko sa pagkakakuha ko pero, mas gumanda pa ito dahil... nasama sa litrato si Chloe.

Zi-noom ko ito at i-niscreenshot.

So pretty.

"Hey! What's that?" bigla kong tinago ang cellphone ko. "Are you hiding something?"

"No. It's just that... Hmm. Nothing."

"Okay. Sabi mo eh." ibinaling nalang nito ang tingin sa labas.

Nagulat ako ng biglang nagpreno si Kuya. Sinalo ko ang ulo ni Chloe para hindi siya mauntog pero ako naman ang nauntog.

"Siraulo 'tong driver na 'to ah." sigaw ni Kuya Marco sa isang tricycle driver sa labas. Nagsorry naman ito kaya nagpatuloy na kami sa biyahe.

Ibinaling kong muli ang atensyon sa babaeng tulog pa rin hanggang ngayon. Hawak-hawak ko ang ulo nito. Dahan-dahan ko siyang ihiniga sa hita ko.

"Aray ko. Magkakabukol ata ako ah." reklamo ng katabi ko.

Nagising na halos lahat dahil sa nangyari. 'Yung iba ay nauntog din. Haha.

Si Autumn na nasa harapan nasubsob ang mukha. Buti nga. Haha. Hindi ko alam kung anong pinainom ni Kyle diyan, kung bakit baliw na baliw 'yan sa kanya. Hindi naman sila, pero kung titignan  mo kulang nalang maghalikan para masabing sila na talaga. Sobrang dami ng kaartehan sa katawan kung ikukumpara sa ibang girls sa banda.

"Okay lang ba kayo diyan?" 

"Opo! Mukhang magkakabukol lang po." sigaw ni Jho.

Nagtawanan ang lahat.

Naramdaman ko ang paggalaw ni Chloe. Nag-kukusot pa ito ng mata at nag-uunat. She's so cute. 

"Good morning!"

"Hmmm. Dapat ginising mo ako. Nakakahiya tuloy."

"Ngayon ka pa nahiya? Matapos mong malawayan 'tong pants ko?" pagbibiro ko dito. Pero okay lang kung laway mo, 'wag lang ng iba.

Namula ito sa sinabi ko. Haha.

"Haha. Joke lang. Humilik ka lang ng malakas." gusto kong tumawa ng sobrang lakas. Paniwalang-paniwala siya. Haha.

"Psh." inirapan ako nito at ibinaling nalang ang tingin sa labas.

Tinitigan ko ito...


Hinawakan ko ang kamay niya, pampalakas ng loob. Alam kong awkward sa kanya ang ginawa ko pero hinayaan ko lang. Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para gawin 'yun.

Nakita kong hinawakan din ni Kyle ang kamay niya, tinatanggal niya ito pero mahigpit ang pagkakahawak din dito. Hindi ko alam kung ano ang motibo ni Kyle, pero ako, sigurado na ako sa nararamdaman ko. Wala nang atrasan 'to.

Nang i-announce na ng emcee kung sino ang nanalo sa 2nd place, tuwang-tuwa ako siyempre dahil kami 'yun. Kami, nanalo kami. Nagbunga ang lahat ng hardwork ng lahat. Pero sa isang iglap lang, nawala lahat ng kasiyahan sa katawan ko.

Stupid ThingWhere stories live. Discover now