Chapter 13: Sponsor

27 2 0
                                    

  Chloe's POV

Maaga kaming nagising dahil may importanteng  sasabihin daw si Kuya Marco, I don't have any idea kung tungkol saan.
Bago ako lumabas ng kwarto, tinignan ko muna ang sarili kong repleksiyon sa salamin. I look worst.

You're too pretty to be stressed for nothing, baby.

Naalala ko si Mommy.

"Bumalik ka na mom, I miss you so much." ngayon, nagsasalita na ako mag-isa.

"CHLOE! KAKAIN NA!" sigaw ni Sam.

"ANDIYAN NA!" niligpit ko na ang mga gamit ko at bumaba na.

Habang pababa ng hagdan, napansin ko ang walang emosyong mukha ni Jho.

"Good morning." masayang bati nito.

"Good morning. Sino nagluto?"

"Si Jhoanna Kate Cruz!"

"Hmm. Mukhang masarap ah!"

Kinuha ko ang tinidor para kumuha ng tocino, pero ang dapat na akin ay inagaw ni Jho.

Napangiti naman ako sa ginawa nito, pero ganun pa rin ang ekspresiyon niya tulad kanina.

"Hoy! Ang takaw nito. Kay Chloe yun bakit mo inagaw."

"Paki mo ba."

Kukuha na dapat ulit ako pero kinuha niya ulit. Haha.
I'm enjoying this, our Jhoanna is back.

"Hey! Hey! Naglalaro na kayo." suway ni Sam, pero hindi namin ito pinansin.

Nang siya naman ang kukuha ako naman ang umagaw.
Napangiti naman ito. Weeeh!

Sa isang iglap, nawala ang ngiti sa labi ko nang maalala ang nangyari kagabi.

Napatigil ako sa pagkain at tuluyang nawalan na ng gana kumain.

"C. R. lang ako." palusot ko.

"Hoy! Bakit? Wala namang sinabing masam---"

"I'm not leaving." 
Napatigil ako sa narinig ko. Ngayon, ang malungkot kong pakiramdam ay biglang napalitan ng tuwa't galak.

Sana totoo...

"H-huh ? Anong 'you're not leaving' ang pinagsasasabi mo diyan?" nagtatakang tanong nito.

Oo nga pala, hindi pa alam ni Sam. Mas okay na ring hindi niya alam, ayoko ko ring malungkot at mag-alala pa siya.

Hindi na ako tumuloy sa C. R. dahil hindi naman talaga ako na C.-C.-R.. Palusot ko nga lang diba.

Bumalik ako sa table at tumabi kay Jho. Tinitigan ko muna itong kumain sandali bago ko niyakap ng sooobraaangg higggpiiiitt!

"A-ahe-hem! Ahh! Argh! Ahem! Ah!" pinakawalan ko na ito sa yakap ko ng mabulunan na dahil sa ginawa ko. Hahaha.

Hinalikan ko ito sa pisngi bilang sorry sa ginawa ko. 

"Haaaaaaay. Nagseselos na ako." nakanguso pa nitong sabi.

Kinuha ko 'yung tinidor at tumuhog ng tocino.

"Say aaaaaaah!" ngumuso muna ito bago ngumanga.

"Aaaaaaaah!" 

"Good dog." pang-aasar ko. Mabilis akong binatukan nito. "Aray ko naman. Ikaw na nga 'tong sinusubuan eh."

"Kainis ka. Psh." 

"Sarap?" singit ni Jho.

Tumango nalang ito kahit nakasimangot. Hahahaha. So cuuuuute!

"I love you bes!" ngumiti ito sa akin. Inilapit nito ang mukha sa akin at...

Stupid ThingWhere stories live. Discover now