Chapter 17: Fighting

17 1 0
                                    

"And now, the last performer, The Nobody!"

Nagsiakyatan na ang lahat ng miyembro ng banda sa stage. Sinalubong sila ng malalakas na hiyawan at palakpakan ng audience.

Common na sa isang laban ang kabahan, hindi 'yon mawawala.

"Goodluck guys!"

"Let's do this."

Nagsimula nang i-play ang electric guitar na gamit ni Kyle. Sinundan naman ito ng drum at sibayan na ng lahat ng instruments.

Damang-dama ng lahat ang ritmo ng kanta. Hindi sila nagpapadistract sa sigawan ng ibang tao Ang tanging nasa-isip lang nang mga ito ay ang kani-kanilang tungkulin na marapat na gampanan.

Nang matapos na ang pangalawang verse ng kanta, halos hindi na maipinta ang hitsura ng isang babae sa upuan sa harap ng stage.

"Akala naman nila kina-sexy nila 'yan." iritang bulong nito.

"Woooooh! Ang galing niyo." sigaw ni Marco. "Teka, may sinasabi ka ba Autumn?"

"H-ha? Wala, sabi ko ang galing nila. Wooooh! Cheeeer!" sumigaw ito ng pilit sabay bumusangot.

Your voice was the soundtrack of my summer
Do you know you're unlike any other?
You'll always be my thunder, and I said

Your eyes are the brightest of all the colors

I don't wanna ever love another

So bring on the rain

And bring on the thunder


Sobrang lamig ng boses ni Jhoanna, sabayan pa ng suot nito na nagpasexy pa lalo sa appeal nito. Black t-shirt na pinunit-punit na nagsilbing disenyo na bumagay sa black na fitted na jeans nito. Ganoon din naman ang suot ng mga kaibigan pa nito.

Maraming kalalakihan ang napatayo matapos ang performance ng mga ito, pero mas marami ang kababaihan ang napapatili. Hindi mapagkakailang sikat ang 'The Nobody' sapagkat pinagpala sa kapogian o kagandahan ang mga dati at ngayong miyembro nito. Maganda rin ang pag-aalaga sa kanila ng kanilang manager  na si Marco.

"Thank you. Gamsahambnida." pagpapasalamat nito.

Lumapit ang lahat sa harapan at magkakahawak ang kamay at nagvow.

"I LOVE YOU JADE FAJARDO!" sigaw ng isang babae sa may audience.

"I LOVE YOU TOO!" 

Napasigaw ang ilan pang mga kababaihan sa sigaw nito. Masasabing sikat ngang talaga sila.

Umakyat ang kanilang manager at sponsor  sa backstage upang salubungin sila.

"Good job guys! Sobrang galing niyo."

"Congrats!" isa-isa nitong kinamayan ang lahat at nakipagbeso.

"Welco---"  aabutin na sana ni Jho ang kamay nito sa kanya.

"I don't care." inirapan niya lamang ang mga ito.

"Don't. 'Wag dito, pigilan mo muna sarili mo." paalala ni Chloe kay Sam.

"Hmpf! Makakabawi din ako sa'yo."

"Congrats Jho! Sabi ko sa'yo hindi ka kakabahan o magkakamali eh!" masiglang tugon ni Ezikiel dito at nakipag-apir. 

"Ah. Hehe. Thank you po." dinikit nito ang palad nito dito.

Nananatiling nakatitig si Jade kay Chloe na kinailang naman nito. Magkatabi si Autumn at Kyle, tila tuko na hindi mahiwalay sa isa't-isa, tho si Autumn lang naman talaga ang kapit ng kapit dito.

Stupid ThingWhere stories live. Discover now