MBT 5 ♥ Choose 1:2

Magsimula sa umpisa
                                    

“Ngayong Linggo? Ng alas-sais ng ng umaga? Mahiya ka naman sa alarm clock mo.”-ako

“Hindi na kailangan dahil ako mismo ang alarm clock. Anyways, ayon kasi sa aking source may photoshoot ngayon si Arthur-twh. Hindi pwedeng palagpasin ang araw na ito. Kaya gorabels ka na.”

“Chinee huwag mo ng aksayahin ang panahon mo diyan kay Arthur at…..”

“Oh my Arthur-twh. You’re so handsome talaga.”

“Handsama ng mukha.”

“Hmp!”

Hahaha

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Sunday 8am

The Magnifi-scent Building

“We’re finally arrived.”-Chinee

Lumabas na kami ng kotse at pumunta doon sa building na pagshoshootingan ni Arthur (twh).

Pinaalis na ni Chinee ang mga bodyguards namin. Para daw walang istorbo. Kahit hindi pwede sumunod nalang ang mga ito dahil takot iyan kay Chinee.

Nga pala, model si Arthur (twh) ng isang napakasikat na brand ng pabango dito sa pilipinas. Ang The Magnifi-scent. Hindi lang siya sikat sa school namin maging sa buong Pilipinas.

*Yawn* -ako

“Allie, stop that.”-Chinee

“E sa inaantok ako e.”-Ako

Ang daming tao at lahat puros babae at bakla.

“Aaaaaaahhhh!!! Mr Arthur(twh)”

“Ayan na siya. Hold this and this and this also.”

“Ay? Gawin daw ba akong alalay?”-ako

“Pagpinahawak alalay agad? Hindi ba pwedeng alipin muna?”

“Alipin pala e kung ihagis ko ito ngayon?”

“Joke lang, eto naming si Bestfriend hindi na mabiro.”

Dumami lalo ang tao at nasisiksik na kami ni Chinee. Hindi makapasok ang bodyguards namin para alalayan kami sa dami ng tagahanga ni Arthur.

“Ouch! Huwag nga kayong manulak.”-girl1

“Ano ba umurong nga kayo sa likod”-girl2

Si Chinee hindi papigil oh, parang susugod at makikipagbakbakan sa mga tulisan.

“Excuse me! Makikidaan.”-ako

Hinila na kasi ako ni Chinee ng hindi manlang nag-eexcuse hanggang makalapit kami sa unahan

“Ano ba Miss? Huwag nga kayong sumingit kami ang nauna dito.”-isang babeng morena

“Hindi naman kami sumisingit ha? Walang nakapwesto dito.”-Chinee

Nagsimula ng kuhaan ni Chinee ng picture si Arthur(twh)

“Ang gwapo mo Arthur (twh). Akin ka na lang.”-bakla1

“Yaaaaaaahhhhh!!! ARTHUR WE LOVE YOU!!!”-bakla2

“Echosera itong mga baklang to! Ang lalandi.”Chinee

*Sigh* Chinee naiipit na ko. T.T, pag ako napipi lagot ka sa akin.-ako

Palapit na ng palapit si Arthur (twh) kaya lalong napapaurong ang mga babae. May harang sa harapan namin at malapit na kaming lumagpas doon kakatulak ng ibang babae sa likod namin.

Aray!

“Ano ba umurong nga kayo.”-girl3

Tinulak niya si Chinee at muntik ng bumagsak buti nahawakan ko.

“Hoy babaeng bakla. Bakit ka ba nanununlak?”-Chinee, napakatapang talaga.

“FYI lang Miss, I’m not gay baka ikaw???”sabay tulak kay Chinee

“Abat sumusobra ka na ha?”sinugod na ni Chinee iyong babae.

Nagsabunutan sila. NAGSASABUNUTAN SILA!!!! MYGAD!!!

Inaawat ko sila pero mukhang madaming kasama itong babae na kasabunutan ni Chinee at pinagtulungan siya.

*Whistle Blow*

Hindi maawat. Nagkagulo na.

“Tama na iyan.”-ako

“Huwag ka ngang maki-alam dito. Teka nga kasama niya ito.”

Teka, ako din ba sasabunutan nila???

NOOOOOO!!!! Not my Hair!

Hindi na nakaiwas ang buhok ko sa mga kamay ng kaaway ni Chinee. Pati ako sinabunutan narin nila. Hindi ako makalaban at dalawa silang sumasabunot sa akin. T.T

Help!!!! T.T

May lumapit sa amin at inawat ang mga babaeng sumasabunot sa amin ni Chinee.

“Tama na iyan.”

Pagkarinig ko noon biglang nag-alisan ang mga kamay na nakakapit sa buhok ko!

Sino ba iyon?

Si Arthur (twh) naman pala e. Teka sino ba itong kasama niya? Si Arthur (tdh)? Oo nga pala, si Arthur (tdh) nga pala ang anak ng may-ari ng sikat na brand ng pabango.

Nilapitan ni Arthur (twh) si Chinee na nakaluhod na at magulo ang buhok. Mapula na ang balat ni Chinee sa dami ng kalmot ng mga babae. Medyo basa na din ng luha ang mukha ni Chinee na ay dugo sa bandang gilid ng labi.

“Ayos ka lang ba?”-Arthur (twh)

“Chinee?!?”-Arthur (tdh) “Chinee ayos ka lang ba?”lumuhod na ito at inayos ang buhok ni Chinee.

Nilahad ng dalawang Arthur ang kamay kay Chinee. Ng sabay!

Teka sino kayang pipiliin ni Chinee na tumulong sa kaniya????

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

okay putulin ko dito. Tom ko update. kapag may nagvote.

need all your suport. tnx

VOTE. COMMENT BE MY FUN

-ADJ ♥

My BIG Transformation (another ending)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon