Napatiim-bagang ako.Hindi ko siya maintindihan kung bakit pinagpipilitan niya ang isang bagay na kailanman ay hindi ko naisip.

"Bullshit Eunice!" I cursed.Hindi ko na kasi mapigilan.

"Accept it Vincent." sa nanghahamon pa nitong tono. "You love her,right?"

"No!" matigas na tugon ko.

"Yes you are." pagsalungat nito sa sinabi ko.

"Wala kang ebidensiya para patunayan ang mga sinabi mo Eunice." kahit nagagalit na ako ay pinipigilan ko pa rin.Pagkakataon ko na kasi na makausap siya ngayon.

"Meron...h-habang..." huminga siya ng malalim na ang boses ay hinang-hina na.

Napaawang at napakunot-noo ako habang hinihintay ko ang pagpapatuloy sa pinutol niyang sasabihin.

"...h-habang iniiwasan kita,masaya ka naman sa piling niya 'di ba?Habang tinataguan kita,siya naman ang kasama mo 'di ba?So paanong hindi ko sasabihin ang mga bagay na siya ang mahal mo?" patuloy niya.

Nanlaki ang mga mata ko.

"Kuya,let's go." si Bernice na hinawakan na ang braso ko.

"Shut up Bernice!" binalingan ko siya. "Why don't you go home,alone?" diniinan ko ang huling kataga.Kaya napapitlag siya.

"Vincent!" agad namang saway sa akin ni Eunice.

Naiinis at nagagalit lang kasi talaga ako kay Bernice.Kaya hindi ko mapigilan ang hindi siya masigawan.

"Now Eunice,paano mo nasabi ang mga bagay na iyan?" tanong ko.

"Kailangan mo pa bang malaman Vincent?Alam ko na alam mo sa sarili mo ang tinutukoy ko." inis na sagot nito sa akin.

"No.Look Eunice,I don't understand you." naguguluhan kong wika.Pero ang totoo niyan,may idea na ako kung ano ang tinutukoy niya.

Napansin kong may kinuha siya bigla sa kanyang dalang sling bag.

"These...tingnan mo 'yan." may mga inabot siya sa akin.

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa.Agad kong kinuha ang binibigay niya sa akin.

Pictures

Sinimulan kong tingnan ito.Napatiim ako at napatingin kay Eunice na nagtatanong ang mga mata.Pagkatapos, ibinaling ko ang masasamang tingin kay Bernice pero umiwas kaagad siya ng tingin sa akin.

"Where did you get these pictures?" pinigilan ko ang sarili na huwag mapasigaw.

"I-i'm sorry Vince—"

"I said,saan mo 'to nakuha?! Damn it!" sa galit ko,natuluyan na akong napasigaw.

"S-sa akin...k-kuya." bigla akong napalingon kay Bernice nang sumingit siya.

"No Vincent.A-ako,ako ang kumuha ng mga 'yan.Believe me.Walang kinalaman si Bernice." Eunice.

"'Di ba Eunice,b-binigay ko talaga sa iyo 'yan para maga—"

"Huwag mong akuin Bernice please." tiningnan niya ng makahulugan si Bernice.Samantalang ako, palipat-lipat ang tingin sa kanila.

"Eh kasi..."

"Ginagago niyo ba ako?" putol ko sa sasabihin ni Bernice.Umigting ang panga ko sa galit.Pakiramdam ko kasi may hindi ako nalalaman na ginawa ng dalawang ito.

Muli kong tiningnan ang pictures.May kuha dito na naghahalikan kami ni Bernice.At ang isang kuha dito,ay iyong sa Bohol.Mas maraming na-capture doon.Lalo na n'ong nalunod si Bernice.Parang sinadya itong kuhanan iyong magkapalapat talaga ang mga labi namin.At ang iba pa,ay magkaka-holding hands kami habang naglalakad sa dalampasigan.Sinasaad dito sa litrato na kung gaano kami kasaya.Daig pa namin ang mag-karelasyon.Para bang,sinadya talaga ang lahat.

Sa galit ko,pinunit ko ang litrato at saka nilamukos at itinapon.

"Now tell me, what's the truth?Anong plano niyo?" galit pa rin na tanong ko.

"K-kuya,I-i'm sorry.Ako talaga ang sadyang nagpakuha niyan para ibigay kay Eunice." nanginginig na amin niya.Sa galit ko,bigla kong hinablot ang braso niya.

"Bakit.Bernice?Bakit mo nagawa ito sa akin?!" sinigawan ko siya kaya halos mapalundag siya sa gulat.

"Vincent,bitawan mo si Ber—"

"Isa ka pa Eunice!" binitawan ko si Bernice at hinarap siya. "Minahal kita ng sobra." ngumisi ako sa sobrang galit. "Pero anong ginawa mo?Nakipag-hiwalay ka sa akin ng hindi ko alam ang dahilan mo." sa ginagawa nila kasi ngayon sa akin, pakiramdam ko,pinagkaisahan nila ako.Kaya ang galit ko ay unti-unting nadagdagan.

"Dahil nga hindi na kita mahal Vincent.Mahirap bang unawain iyon?Si Bernice na lang ang mahalin mo.Sigurado akong hindi ka niya sasaktan." saad niya.

"Bakit ba,palagi mo akong tinutulak sa babaing ito Eunice?" tinuro ko si Bernice. "Ano ang ginawa niya sa iyo?Tinakot ka ba niya,huh?!" hindi ko maintindihan ang sarili.Bigla ko na lang kasi naisip ang mga bagay na ito.

"Siya lang kasi ang nararapat sa iyo.Hindi ako.Kaya huwag mo nang i-deny pa sa sarili Vincent.Matagal na tayong tapos at sapat na sa akin ang mga patunay na mahal mo siya.Goodbye Vincent.We're done." pagkasabi niya ng mga bagay na ito,ay agad siyang humakbang palayo sa kinaroroonan namin.Hanggang sa patakbo na siya.

"Eunice wait,huwag mong gawin ito sa akin babe!" sigaw ko sa kanya ng matauhan ako.Mga ilang segundo din pala akong tulala sa mga sinabi niya.

Agad na hinabol ko siya. "Eunice!"

"Kuya, let her." pinigilan ako ni Bernice na humahabol na pala sa akin.

"Bernice!" akma ko siyang sasampalin pero napatigil sa ere ang palad ko dahil nakita ko ang takot sa mukha niya.Hindi ko na kasi mapigilan ang aking sarili.Galit ako.Galit ako at nasasaktan sa hindi ko alam na dahilan.Siguro,dahil pakiramdam ko,niloko nila akong dalawa.O dahil sa tuluyan nang lumayo sa akin si Eunice dahil lang sa babaing ito.

"Bullshit!" pagmumura ko.Napansin ko kasi ang unti-unting pagtulo ng mga luha niya.

Hindi ko intensyon na pagbubuhatan sana siya ng kamay.Natangay lang talaga ako ng galit.Gusto ko lang kasi na may sisihin sa pag-iwan ulit ni Eunice sa akin.Gusto kong may mabuntunan ng galit.

"I-i'm sorry Kuya." yumuko siya.Dinig ko pa ang paghikbi niya pero binalewala ko ito.

"Ayoko ng makita ka Bernice simula sa araw na ito." madiin kong sabi at saka tinalikuran na siya.

"K-kuya p-please... don't do this to me..." dinig kong pagmamakaawa niya pero 'di ko pinansin at tuluyan siyang iniwan.

Sa ngayon,ayoko na siyang makita dahil kung tutuusin,siya ang may kagagawan ng lahat para hiwalayan ako ni Eunice.At siguro,siya din ang gumawa noon ng paraan para iwanan ako ng babaing minahal ko.

Kaya habang binabalikan ko ang mga nakaraan,iyong mga panahon na sa tuwing may lakad o date kami ni Eunice,ay nauudlot dahil siya ang dahilan.Gumagawa siya noon ng dahilan para hindi lang matuloy.

At ngayon, naiintindihan ko na.Kagagawan lahat ni Bernice.Kaya aasahan niyang,lalong madadagdagan ang galit ko sa kanya.

******************

Unedited
No Reviews

Unlucky PrincessWhere stories live. Discover now