† Kabanata 24 †

Magsimula sa umpisa
                                    

 

Itinukod niya ang mga tuhod niya sa damuhan upang makaupo sa tapat ko at inilapit n'ya sa kanya ang nagdudugo kong tuhod.

"Ang lampa mo talaga!"Sigaw niya sa'kin. Iyak lang ako ng iyak sa sobrang sakit. "Sabi mo ikaw ang Superman ko! Pero ako pa ata ang magliligtas sa'yo sa sobrang kalampahan mo."Sabi niya pa at itinapal na niya ang puting panyo niya sa tuhod ko at itinali ito. Napaiyak lalo ako.

"Halika na, wag ka ng umiyak."Tumayo na siya at inilahad n'ya ang maliliit niyang kamay sa'kin upang tulungan akong makatayo. "Ano ? Pwede na ba 'kong maging Doktor?"Pinunasan ko ang sipon at luha ko gamit ang kamay ko at tumango sa kanya bilang sagot. Nginitian n'ya 'ko. Napatitig ako sa mukha n'ya.*

 

 

 

 

Yun naba ang una't huling ngiti...huh, Yui?

 

 

*"Haha! Yeey! Edi ako na ang magiging doktor ni Superman!"Masaya n'yang sabi habang naglalakad kami papunta sa Mansyon.*

 

 

 

 

Natatakot ako...

Natatakot ako para sayo...

 

* 1 year ago. (A 16 y.o Yui and Zuren.)

 

"Anata wa, amaoto watashi o azamuku koto wa dekimasen!" (You can't fool me, Amane!)

 

 Napasinghap ako at nanlaki ang mga mata ko ng madatnan ko ang Ojou sa silid ng mag-asawang si Mrs. Amane at ng pinuno naming si Shiba. May mga talsik ng dugo ang mukha n'ya.

 

Di ako makapaniwalang  ang babaeng akala ko ay matagal ko ng kilala ay magagawa ang ganitong bagay.  "Ojou..."Tawag ko sa kanya pero di ito nag-abalang lingunin ako.

 

 "Yu...yui...anak...ba..bakit?.."Naghihingalong sabi ni Mrs. Amane na nakabulagta sa sahig. Duguan ito dahil sa daming saksak na tinamo nito. Samantalang si Ginoong Shiba ay naliligo na sa sarili nitong dugo sa kama, nakatirik ang mga mata at may saksak sa leeg. 

 

"Tss. Anak?"Ngumisi ito.

 

"Heh, hindi tayo magkadugo kaya 'wag mo 'kong tawaging anak."Seryoso nitong sabi at sinaksak niya sa braso si Mrs. Amane. "AAAA!!!"Napayukom ako. Gusto kong pigilan si Yui sa ginagawa n'ya pero di ko magawa.

TROUBLE HIGH - UNDER REVISIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon