Chapter 16-I Won't Give Up

Start from the beginning
                                    

Bigla akong nagulat ng hinawakan ni Kuya VJ ang mga kamay ko at hinila na.Tumakbo kami kaagad na walang paalam sa mga pamilya namin habang busy pa sila sa tawanan.

Nang makalayo na kami sa kanila,tumawa lang kami ng tumawa.

Pakiramdam ko tuloy,nasa cloud nine ako.Huwag munang heaven kasi hindi pa kami level up ni Kuya ng bongga.Level one pa lang kasi kami.Iyong pagiging mabait niya sa akin ngayon.

Pag-uwi kaya namin sa Manila ay ganito pa rin ang trato niya sa akin?Iyon bang parang ako ang prinsesa niya at siya ang prinsipe ko.Tapos magkakaroon kami ng happily ever after.

Lihim akong huminga ng malalim.Ano ba kasi itong naiisip ko?

Nilingon ko si Kuya na nakatitig na pala sa akin.Iyong titig na halos lunukin na ako.Kaya agad akong umiwas ng tingin.Sigurado kasi akong,pinamulahan na naman ako.

Bigla ding sumagi sa isipan ko iyong muntikan nang may mangyari sa amin kaya lalong uminit ang mukha ko.

"K-kuya..." nauutal kong sambit.Bigla naman siyang napakurap na para bang natauhan.

"Let's go?" yakag niya sa akin at muling hinawakan ang kamay ko.Pero hindi pa ako nakuntento.Inalis ko ang pagkakahawak niya at ikinawit ang aking braso sa kanyang braso.Kaya syempre,kilig na naman ako.

Dinala niya ako sa lugar na hindi pa namin napasyalan.Medyo malayo-layo na ito sa resort kaya wala gaanong tao na nadayo dito.

Bigla akong napatingala sa malalaking bato na nasa harapan namin.

"Come!Hold my hand." agad niyang inilahad ang kanyang kamay nang maka-akyat siya sa kabatuhan.

'Di na ako nag-dalawang isip pa.Ako pa ba pagdating kay kuya VJ?

Agad kung inabot ang nakalahad niyang kamay. At dahil mas mataas pa ang ibang bato,maingat niya akong inalalayan papunta sa pinakamataas na bato.

"Maupo tayo." anito.Inalalayan na naman niya ako sa pag-upo.Sinigurado niya munang naka-upo ako ng maayos bago siya naupo sa tabi ko.

Parang dinuduyan tuloy ako sa kilig.Gusto kong magtitili pero pigil na pigil ko.Baka pa maudlot ang sweetness nito.Mahirap na.Nanamnamin ko muna ito.

"Ang ganda pala dito." pabulong niyang saad na para bang ninanamnam ang kagandahan ng tanawin.Mula kasi dito sa kinaroroonan namin ay kitang-kita ang buong resort.Ang mapuputing buhangin na akala mo ay polbo sa sobrang puti.Ang mga taong namamangka,ang mga Isla na malalayo at ang paghampas ng alon na malakas sa malalaking bato na ito.

Dinig na dinig din ang ingay na gawa ng alon.Iyong ihip ng hangin at ang simoy ay napakasarap sa pakiramdam.At syempre,lalong gumanda ang pakiramdam ko dahil katabi ko ang gwapong Kuya ko.Ah pwede ko ba siyang tawaging VJ na lang?Sana allowed akong tawagin siya sa ganong pangalan.

"Bernice." pukaw niya sa paglalakbay ng diwa ko.

"Yes Kuya." medyo napakislot pa ako kasabay ng pagtugon ko sa kanya.

"Sabi ko ang ganda dito." ulit niya.

Naman Kuya.Lalo na't 'kaw ang kasama ko.

Isinaisip ko na lamang iyon.Tumango na lang ako sa kanya at ngumiti.

"Kuya?" nang may bigla along naalala.

"Hmm." tanging sagot niya habang naka-focus pa rin sa karagatan ang paningin niya.

"May ibibigay ako sa 'yo." excited na saad ko at may dinukot ako sa bulsa ng aking short.

Noong isang araw ko 'to pinagawa.Gusto kong bigyan siya nito para kapag nakita niya ang bagay na ito ay maalala niya ako.

"Ano ito?" kunot-noong tanong niya sa akin habang inaabot ito. "Photo?" sumalubong ang kilay niya.

"Yes Kuya." nakangiti pa rin ako.Picture kasi ang binigay ko sa kanya na laminated.

"Para saan 'to?Bakit ka may ganitong picture natin?" sunod-sunod na tanong niya habang tinitigan ang larawan naming dalawa.Nalungkot naman ako dahil hindi niya ito maalala kung saan ko na-capture.

"Para maalala mo ako Kuya.Remember that?Nasa car tayo niyan.Iyong inihatid mo ako sa school.Tapos bigla kong pinatugtog ang stereo ng kotse mo at 'yong kanta ni Ed Sheeran na photograph ang bungad na music?Kaya nagka-idea ako niyan na nakawan ka ng picture with me." mahaba at kinakabahang paliwanag ko.Kabado ako baka kasi magalit siya sa akin.Ewan ko ba,pero gustong-gusto ko talaga ang picture naming dalawa na 'yan. Hindi naman 'yan lang ang photo namin.Marami kami niya.'Yon nga lang.Together with our family.

"I don't remember." napahilot siya sa noo niya na para bang inaalala ito.Kaya biglang bumagsak ang balikat ko.

Ganon na ba ako kawalang-halaga sa kanya para makalimutan iyon.

"Okay.So bakit mo 'to binibigay sa akin Bernice?" dugtong pa niya na naguguluhan.

"P-para a-ano k-kuya..." shit!Hindi ko alam kong ano ang isasagot ko.Para saan nga ba?Para maalala niya ako kahit saan man siya magpunta?

Nakakunot-noo pa rin siya habang hinihintay ang sagot ko.

"Okay,I got it Bernice." napatingala ako sa kanya ng tumayo na siya. "Itatago ko ito,pero huwag kang umasa ng kung ano sa akin." dugtong pa niya. "Bernice,listen." anito.Kaya tumayo na rin ako para magpantay ang aming mukha.Iniwas ko ang tingin sa kanya dahil sinisigurado kong,masasaktan na naman ako.
"Itatago ko ito,dahil mahalaga ka sa akin." patuloy niya. "Mahalaga ka sa akin bilang kapatid.Nakakabatang kapatid." na diniinan pa ang mga huling kataga.

Sabi ko na nga ba eh.

Pasimple akong nagbuga ng hangin.Para kasing sinasakal ako dahil sa pagpigil ng aking iyak.

"Iyong pagtulong ko sa 'yo dito,iyong pagsama-sama ko sa 'yo lagi at iyong pagbabantay ko sa 'yo,walang ibig sabihing iba iyon.Nag-aalala lang kasi ako na mapano ka dahil kapatid na ang turing ko sa 'yo." paliwanag niya.

Kailangang paulit-ulit na sabihin na kapatid lang ang turing sa akin?

"Huwag kang umasa nang higit pa don,okay?" tinapik pa niya ako sa balikat na para bang hindi niya alam na nasasaktan ako.

Alam kong alam niya na nasasaktan na ako dahil unang-una,alam niyang mahal ko siya,hindi bilang kapatid.

Gusto kong sumigaw sa sakit na nararamdaman.Pero mabuti na iyong pigilan ko habang nandito pa siya.Ayokong umiyak kahit na ang sakit-sakit na sa dibdib ko.Kahit na,nahihirapan na akong huminga.

Hindi pa rin ako susuko.Alam ko,mamahalin pa rin ako ni Kuya VJ.

Itinatak ko kasi sa isipan ko iyong sinabi ng daddy ko sa akin.Iyong ' Wag mong bitawan ang taong alam mong siya na ang makakasama mo habang buhay...Wag kang matakot sumugal anak.'

At panghahawakan ko iyon dahil sigurado na akong si Kuya VJ ang magiging kasama ko habang buhay.

---------------------------

Unedited
No Reviews

Cover Photo credits to miss jennelynamase.Salamat ng marami sa paggawa ng mga covers ko Ayeaahhh! Heart heart!Ganda!

Unlucky PrincessWhere stories live. Discover now