"Jho this is Nic Tiamzon one of the besties, and Nic this is Jho my. . .ahmm. ." sabi ni Bea but nya pinutol? Sabay kamot sa batok pa. Ang baduy mo Boss.

"My new found and special friend." pagpapatuloy ni Bea, Whuttt? Special friend ako? Nakss. Nakaka flattered naman po.

"Hi Nic, nice to meet you." sabi ko sabay lahad ng kamay ko for shake hands. Di nagtagal kinuha din nya yun at nag shake kami.

"Nice to finally meet you Jhoana, maganda ka nga talaga kaya pala ikaw ang bukang bibig ni Be--." sabi ni Nic pero hindi natuloy kasi tinakpan ni Bea ang bibig nya. Kaya napailing nalang ako sa kanilang dalawa. Sinabi nya na Finally meet you, edi ibig sabihin kinikwento ako ni Beatriz sa kanila? Hmmm. .

"Mature sya Jho pero madaldal din" sabi ni Bea kaya tumawa nalang kaming tatlo.

Nag uusap kaming tatlo about doon daw sa party na aattend-nan nila, kaya naman pala niyaya ako ni Beatriz, para may kasama at date na rin daw. Oo date. Inamin sakin ni Beatriz na Bi daw sya, hindi naman big deal sakin kung ano sya ang importante ang friendship namin na nag simula sa hindi magandang INDIRECT.

"Ano ba ang theme ng party?" tanong ko sa kanila. Kasama rin namin si Nic at ang tropa nya at ipapakilala daw nya ako sa mga yun. Nalaman ko din na mga anak din pala ng mga businessman ang mga tropa nya. Ang yayaman. Di ko keri Fam!

"So Jho, mauna na nako dumaan lang talaga ako dito kay Beatriz." sabi ni Nic sabay tingin sa wrist watch nya.

"Sige, nice to meet you again Nic. Ingat ka." sabi ko naman.

"Sige Jho ingat ka din . . . . Kay Bea" sabi ni Nic, Binato naman sya ng paper clip ni Bea at tumawa lang. Grabe mga Big Boss ba talaga tong kaharap ko? Para kasing mga barkada ko lang e.

Magsasalita pa sana ako ng may tumawag sakin. Siguro di nya nakita na may kausap ako, well si Bea kasi umupo na sa upuan ko samantalang ako naka sandal sa table ko na slightly upo na rin.

"Jho sama naman kami sa Barkada night nyo mamaya oh." sabi sakin ni Anton. Kaya pinanlakihan ko sya ng mata na may kausap ako at tinuro ang gawi Bea, nagulat din sya kaya binati nya nalang si Bea.

"Ah Good Afternoon po Miss Bea." bati sa kanya ni Anton pero itong si Beatriz tumango lang na parang walang gana.

Tumingin sakin si Anton at nag mouth na "sorry di ko nakita". Kaya tumango nalang ako, kaya ayoko na lumalapit si Anton pag nandito si Bea kasi naman kahit ilang months palang medyo may mga ugali na rin si Beatriz na medyo kilala ko na. Pag ito nagtampo Asistio. Wantan ka sakin.

Tumayo naman si Bea na parang nawalan ng gana, ito na naman po kami. Suyuan naman to. Ewan ko ba, minsan nagkakatampohan kami sa maliliit na bagay kaya niloloko ako nila Maki na daig pa namin ang mag jowa eh.

Flashback :

Hinatid kami ni Bea dito sa Apartment kasama na namin si Maki. Casual lang kami kumbaga barkada lang turingan pag nasa labas na ng opisina.

Friday ngayon at kinabukasan walang pasok baka mag puyat na naman kami ni Maki nito sa koreanovela na kina aadikan namin.

"were here. So? Ano gagawin nyo tonight?" tanong ni Bea habang pinagbubuksan ako ng pinto sa passenger seat.

"ah wala naman, siguro manonood lang kami ng movie." sabi ko at nag beso na. Well naka ugalian ko na din. Akala nga ni Maki na nanliligaw si Beatriz eh. Pero sabi ko naman friends lang talaga. Ayokong mag assume na may gusto sakin ang tao. Masakit kayang umasa. Choss.

"Okay, text me later. Or sleepover ka kaya sa condo, wala akong kasama eh." natatawa nyang sabi.

"Hindi pwede Beatriz, walang kasama si Maki, dont worry textmates tayo magdamag. Hahaha" sabi ko sa kanya. Kaya tumango naman sya.

 Indirect Kissed - JhoBea (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon