Kabanata 35

231 7 0
                                    

Nakatingin ako kay Kodi habang nag-aayos ito.

"I'll be home early, babe." sabi niya. Ngumiti naman ako at tumango.

Lumapit naman ako sa kanya at tinulungan siya sa polo niya. Kapag naka 3-piece all black suit si Kodi ay parang ayaw kong lumabas siya ng condo! Ilang babae naman kaya ang maglalaway nito? Tsk.

"May napapansin ka ba sa itsura mo, Cha?" tanong ni Kodi sa akin. Humarap naman ako sa salamin. Niyakap niya naman ako galing sa likod. I am seeing ourselves in a full size mirror. Nakaulon ang baba ni Kodi sa balikat ko at magkahawak ang kamay namin sa tiyan ko.

"Bakit?" tanong ko dito.

"You're blooming everyday... Gusto mo buntisin kita taon taon?" siniko ko naman siya kaya tawang tawa ito.

"Sabi nila kapag daw gumaganda ang buntis, babae daw ang anak nito."

"Really? So kailangan isa pa para may junior ako." ewan ko ba sa isang 'to. Gustong gusto talaga magkaroon ng Kodi Ashur Farrell Jr. Sabi pa niya hanggang daw sa mga magiging apo sa tuhod niya ay dapat meron. Gwapong gwapo sa pangalan.

7:30 ng umalis si Kodi ng condo. The charity event will start at 8pm. Iyon ang sabi niya. 

"Kumain ka na. Okay?" paalala niya. Hinalikan niya naman ako sa labi. Hinatid ko naman siya pinto. Ilang beses na halik pa ang binigay niya bago umalis.

Hindi ko maiintindihan ang iba. Bakit kaya nagkakasawaan sila? Sa amin ni Kodi ay hindi nangyari iyon. Kahit araw araw sweet naman siya ay parang wala ngan problema sa akin iyon. Siguro kapag totoong pag-ibig talaga kahit oras oras man kayo magkita at magsama hindi talaga nakakasawa. 

"Naiwan niya." bulong ko ng nakita ko ang cellphone nito sa kama. Baka kailngan niya ito.

Alam ko naman kung nasaan ang venue. Ipapabigay ko na lang ito mamaya. Ayaw kong pumasok doon. Ano ako gate crasher?

Nagsuot ako ng simpleng itim na dress para somehow ay presentable rin ako. Nag flats lang ako na doll shoes.

Pumara naman ako ng taxi pagkalabas ko ng building. Binigay ko naman ang address at mabilis naman na bumiyahe si kuya. Traffic kaya siguro wala pa si Kodi doon.

Tinawagan ko naman si Jenni. Kay Jenni ko na lang ipapakuha mamaya. Sinagot niya naman ito.

"Charis..."

"Jen! Andiyan ka na ba? Papakuha ko sana phone ni Kodi sa labas. Papunta na ako. Naiwan niya eh."

"Malapit pa lang kami ni Leo eh. Sige, tawagin mo ako kapag malapit ka na. Lalabas lang ako mamaya."

"Sige! Salamat! Enjoy kayo!"

Ng malapit na ako ay tinawagan ko ulit si Jenni at tinanong kung nakita niya na ba doon si Kodi.

"Wala pa naman siya. Hintayin na kita sa labas ah."

After 10 minutes ay dumating ako. Maraming mabibigat na pumunta doon. I can see familiar faces too. Iyong mga pinakilala rin ni Kodi sa akin noon hanggang ngayon. This is his  world. Bagay na bagay talaga si Kodi dito. Worth it lahat ng pasakit na nangyari noon sa akin. Iyon talaga ang desisyon na sobrang hirap na nilabanan ko para mabigay lang ang para kay Kodi.

May mga dalaga rin nandoon. Anak siguro ng mga businessmen. May mga kakilala rin ba si Kodi sa mga anak ng mga katrabaho niya? May mga nirereto rin kaya na nagaganap?

"Cha!" tawag ni Jenni. Katabi nito si Leo. 

Mas lalong pumuti si Jenni sa pulang long gown na suot niya. Si Leo naman ay naka itim na coat at itim na polo. Pula rin ang tie nito.

Bumeso naman ako sa kanilang dalawa.

"Wala pa si Kodi?" tanong ko.

"Wala pa. Hintayin mo na lang. Ba't ba kasi hindi ka nun sinama?" nagkibit na lang ako ng balikat sa tanong ni Jenni. Gaya nga ng sabi ko hindi iyon big deal.

May mga kakilala si Leo na nilalapitan at hindi sumasama si Jenni para samahan ito. Nag-uusap lang kaming dalawa sa gilid. Meron na ring pumapasok.

"Cha!" tawag ni Dixie sa akin. Lumapit naman siya at bumeso sa akin. Ganoon rin si Cove. 

"Si Kodi?" tanong ni Cove.

"Papunta na siguro. Hindi naman ako sasama sa kanya. Pumarito lang ako dahil naiwan niya phone niya." sabi ko. Tumango naman si Cove.

"Saan mga anak niyo?" tanong ko.

"Na sa bahay lang." sagot ni Dixie.

"Ayan na siguro si Kodi." napatingin naman kami sa sasakyan nandoon. Tumayo sa gilid ko sina Dixie at Cove at kitang kita ko nga dun si Kodi. Bumaba siya ng sasakyan nito at maraming flash ng camera kaagad. He is so damn hot wearing that 3-piece black suit! Damn Kodi. Parang umaapoy ka talaga sa suot na yan.

May mga babae pang nakatingin sa kanya. Ang sarap lapitan at angkinin! Sheettt.

Binuksan naman ni Kodi ang front seat at may mataas na stilettos na bumaba naman doon. Malakas naman na tumibok ang puso ko.

Jenni and Dixie gasped when there was a girl. Not just an unknown girl but Margaret. Naka high ponytail ang buhok nito. Itim ang long gown niya at may slit sa gilid. Sobrang pula ng labi niya. Pinulupot niya naman ang braso niya sa braso ni Kodi and I swear! Sa mga oras na yun ay paulit-ulit akong sinasaksak.

"Cha..." mahinang tawag ni Jenni sa akin. Hindi maalis ang tingin ko doon. Maraming kumukuha ng litrato sa kanila. Malapad ang ngiti ni Margaret doon. Uminit naman ang sulok ng mga mata ko.

Kaya pala hindi ako isasama kasi may kasama siyang iba. And it's Margaret. Kaya pala na late siya ng dating dahil sinundo pa niya. Pinunasan ko naman ang luha na tumulo sa mga mata ko.

"Paki-Pakibigay na lang kay Kodi." sabi ko at nilahad ang cellphone niya kung saan ako ang wallpaper niya!

Ilang beses na pinunit ang puso ko. Parang hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Puntahan siya doon sa gitna? But no! I am matured enough for that kind of move! At alam ko ayaw na ayaw ni Kodi ng ganyang klasing eskandalo!

"Charis..." sabay na tawag ni Dixie sa akin at ni Jenni.

Is Kodi cheating on me? Hindi ko alam! Magkaka-anak na kami! Ikakasal na kami!

I saw how Margaret kissed Kodi on his lips. FUCK IT! Mabilis akong tumalikod at bahagyang tinakbo iyon makaalis lang sa lugar na iyon.

"Charis!" tawag ni Jenni sa akin pero patuloy lang ang pagtakbo ko. Pumara naman ako ng taxi at sumakay doon.

I don't get him! Sobrang tagal na naming dalawa at ngayon lang nangyari 'to! Ganoon pa kahaba ang dalawang taon na malayo ako sa kanya para magbago siya ng ganito? Naintindihan ko ang araw na nakita ko siya sa condo na may ibang babae. Walang akong karapatan nun dahil hindi pa naman kami nagkabalikan na dalawa. But now! We are having a child and we will get married. Is he taking a revenge on me? Sasaktan niya ako para quits na kaming dalawa sa pag-iwan ko sa kanya?

Napatitingin ako sa labas ng bintana. Napahawak naman ako sa dibdib ko. Sumasakit ka na naman ulit, bumibigat na naman ulit. 

I wiped my tears. Just what the fuck Kodi. We're better than this! You're better than this! Ano nangyari sa'yo?

Tiningnan ko naman ang cellphone ko ng mag ring ito. Aaminin ko, nag expect ako na tatawag si Kodi pero bakit hindi? Bakit walang tawag?

"Cha..." nag-aalalang tawag ni Jenni sa akin. Hindi naman ako sumagot.

"Ayaw kong malaman ni Kodi na pumunta ka dito---"

"Ibigay mo na sa kanya ang phone niya, Jen. I don't care if he will know I went there. Eh for sure wala rin namang pakialam yan eh." hindi naman sumagot si Jenni sa kabilang linya.

Ng nakita ko na ang gusali ng condo ay nagpaalam na ako kay Jenni.

I just need rest now. Itutulog ko 'to at alam ko bukas mawawala rin ito. Ano ba, Charis! Sobrang laki talaga ng tiwala mo kay Kodi noh? Mahal na mahal na mahal mo talaga noh?

'Til InfinityWhere stories live. Discover now