Kabanata 23

236 8 0
                                    

His words can't stop me. His rejection can't neither.

"Sobrang sarap naman nung cake na binake mo kahapon!" masayang sabi ni Ate Fe.

"Talaga? Yung mga janitors kaya? Nasarapan rin?" tanong ko kay Ate Fe. Kahit alam ko na hindi naman pala kumakain si Kodi nun ay patuloy pa rin ako. Dinadalhan ko pa rin siya.

"Siguro? Ano naman ngayon ang dala mo?" sabi ni Ate Fe. Natawa naman ako.

Maraming ulam ang dinala ko at marami ring kanin. Kasi kung totoo ang sinasabi ni Kodi na sa mga maintenance niya binibigay edi mas marami ang makakakain.

"Sana matikman ni Sir Kodi mga luto mo! Ang sarap kaya!" sabi ni Ate Fe.

I told her one time about Kodi and I. Siyempre hindi lahat lahat. Ang alam niya lang ay naging ex ko si Kodi at naghiwalay lang kami. Ganoon lang.

May tumikhim naman sa likod namin. Binati naman ni Ate Fe is Kodi pero diretso lang ang titig ni Kodi sa akin.

"Get inside my office." he said with authority and walked inside. Kinuha ko naman ang dala kong pagkain at sumunod sa kanya.

Nakatayo si Kodi sa harap ng mesa niya at nakatayo ako sa harap niya.

"Pa-Para sa'yo." sabay lahad ko ng dala ko. Kumunot lang ang noo niyang tiningnan ako.

"I told you already kung kanino ko binibigay yan." sabi niya. Naiwan sa ere ang kamay kong nakalahad ng pagkain. Dahan dahan ko na lang binaba iyon. Lumakad ako papunta sa center table niya para ilapag iyon doon.

"Pwede na ba akong lumabas?" nakangiti kong tanong. I should now break down here in front of him. Kasi parang ang walang hiya ko naman kung iiyak ako ngayon dito pagkatapos ng iwan ko siya. Lagpas isang buwan na akong bumalik dito tapos obvious na rin na parang ayaw na ni Kodi sa akin pero pilit pa rin ako ng pilit sa kanya.

I have high hope for our relationship that's why I am hurt so much.

"Don't bring food again tomorrow." he said. I still smiled but deep inside I am hurt. Tumango na rin ako.

"O-Okay... Hindi na."

"And when there is employees around, don't call me KODI alone because I am not your boyfriend... nor your FRIEND. I am your BOSS and you are my employee." I pressed my both lips and nodded.

Hindi ko inakala na madadaanan ko to. Noon, akala ko hindi na talaga kami maghihiwalay ni Kodi. Sobrang mahal namin ang isa't isa and that shit came... Now, he hates me to death.

"Kodi, can I ask you a favor?" I asked.

"And who are you to ask me a favor?" supladong sabi niya.

"For this time. Kainin mo naman iyong iluto ko. All of them are your favorites. I even baked chocolate brownies for you." sabi ko.

Hindi siya sumagot. Nanatili lang matigas ang binibigay niyang expression sa akin. Pinunasan ko naman ang luha na tumulo sa mga mata ko.

"La-Labas na ako..." sabi ko at tumalikod na.

8pm out ko. Pagkalabas ko ng kompanya ay malakas na ang ulan. Wala pa si Mary sa bahay kasi mag o-overtime daw siya. I don't even have a spare key for her apartment.

Maghanap na kaya ako bukas ng malilipatan? Pero ayaw kasi ni Mary kasi okay pa naman na andoon lang ako kasi may kasama pa siya. 

"Why is it raining? Paano ba 'to? Maghihintay pa ako ng dalawang oras kay Mary... Mababasa ako nito sa labas ng apartment niya." mahinang sabi ko. Napanguso naman ako ng mas lalong lumakas ang ulan.

'Til InfinityOù les histoires vivent. Découvrez maintenant