Kabanata 34

243 9 0
                                    

Kung noon ay next year kami ikakasal, Kodi wanted to do it within December. 

All of them were happy for me and happy. Kinulit pa nila ang kambal nila Karissa na sobrang lapit kay Kodi na hindi na daw sila bibilhan ni Kodi ng mga gusto nila. Ayun nagalit.

Sinamahan ko naman si Kodi bumili sa susuotin niya for the charity ball na kung saan ay imbitado siya. I didn't even bother to ask him if he needs date kasi kapag kailangan alam ko isasama niya ako pero siguro kailangan siya lang mag-isa muna.

Hindi naman ganoon ka kitid ang pag-iisip ko para i-big deal iyon.

"Kailan nga ulit  yun, Kodi?" tanong ko.

"Sunday na." gusto niya ako pumili ng  susuotin niya. Kahit naman noon ay ganyan siya. Gusto niya lahat ay iyong mga gusto ko.

"What do you want to eat babe?" Kodi asked while we went to an Italian restaurant. Gusto kong kumain ng kumain pero hindi ko alam kung ano ang kakainin ko. Struggle is real.

"Kodi Farrell..." napatingin naman kami pareho sa babaeng tumigil sa mesa namin. Maiksi ang buhok nito. She is wearing a black tube short dress. I am not being judgmental here pero kasi parang isang yuko niya lang ay makikita ang tinatago niya.

I still smiled at him baka kasi kaibigan siya ni Kodi.

"Margaret..." Kodi called her. Tumayo si Kodi para masalubong siya. Humalik siya sa pisngi ni Kodi leaving a her lipstick stain on my boyfriend's cheek. Tumaas naman ang kilay ko na tiningnan silang dalawa.

Humagikhik naman ang Margaret at malanding pinunasan ang pisngi ni Kodi. Inalis naman ni Kodi ang kamay niya.

May ngisi ang Margaret na iyon ng tiningnan niya ako. Mas lalo lang tumaas ang kilay ko. I don't have a problem to Kodi's friends. Kahit mapa babae man yan noon ay wala akong pakialam. In fact, naging close pa nga ako sa kanila.

"See you on Sunday, Kodi." sabi nito at kumindat pa sa boyfriend. Parang aabot na sa kalangitan ang pagtaas ng kilay ko. Matalim ko namang tiningnan si Kodi ng napatingin siya sa akin. He smiled.

"She's Margaret. Anak ng isang investor." who cares?

I shrugged it off. Ayaw kong mag-away kami ni Kodi sa mga nonsense na mga rason. We're too old for that. Like what I've said, hindi pwede ang petty fights sa amin na dalawa ni Kodi.

Parang isarap ipukpok ang ulo ko ng bumabagabag talaga sa akin iyon! Bakit see you on Sunday? Bakit humalik siya sa pisngi ni Kodi? 

"Kodi..." I can't take it anymore! Hindi ako makakatulog kapag hindi ko man lang matanong. 

"Hmm?" he looked at me for seconds and put his eyes  back at the road.

"Ma-Magkasama kayo sa Sunday?" tanong ko. I want to ask Jenni about this too pero wala naman siyang updates tungkol sa nangyayari kay Kodi. Hindi naman kasi iyon nangingialam.

"We-We will be attending the same charity ball, babe." sabi nito.

I pressed my both lips. Parang gusto kong itanong sa kanya kung makakasama ba ako pero para kasi ang walang hiya ko naman kapag ganoon. Kaya pinili ko na lang ang manahimik at tumango.

Kinabukasan. Habang na sa banyo si Kodi ay may kung ano ang tumtulak sa akin na i-check ang phone niya. Napangiti naman ako sa wallpaper niya. Ang wallpaper niya ay iyong natutulog ako at puno ng drawing ang mukha ko. Ganoon rin ang wallpaper ko sa phone eh, iyong may make up siya.

Tiningnan ko naman ang messages niya, wala namang ibang text doon. Puros kina Zephyr at iba lang iyon. Mga lalaki. Tapos akin lang. I went to his contacts too at ni Margaret ay wala akong nakita.  Napangiti naman ako. My Kodi...

Ilalapag ko na sana ang cellphone niya ng may nag text dito. Unknown ito. Hindi ko alam pero uminit bigla ang ulo ko sa nabasa ko.

Hi Kodi. You free today? Coffee? -Margaret. I got your number from your secretary. Ayaw mo naman kasi ibigay eh.

Hindi ako nangingialam kay Kodi noon. Wala akong nakaaway na mga babae na nagkakagusto sa kanya kasi they know their limitations. Pero may mga babae lang talaga na kahit alam nila na may FIANCEE na ang lalaki, tinutulak pa rin na tinutulak ang sarili nila. 

This is Kodi's fiancee. Busy si Kodi, pero ako hindi. Pwede tayo mag coffee kung gusto mo.

"Ughh!!" nangigil kong sabi at binato sa kama ang cellphone ni Kodi. Lumabas naman siya na nakakunot ang noo.

"Hey..."

"Gusto ka ba niyang Margaret na yan? Di ba niya alam na may fiancee ka na Kodi? Magkaka-anak ka na?" dire-diretso kong sabi. Lumapit naman siya sa akin. Umupo naman siya sa kama at iginaya ako paupo. Pinakandong niya naman ako sa kanya pero busangot pa rin ang mukha ko.

"Babe. She is just an investor's daughter for me." nilagay niya naman ang hibla ng buhok ko sa likod ng tenga ko.

Napatingin naman ako sa cellphone niya ng umilaw ito at may panibagong message. Inabot ko naman iyon at tinitingnan lang ako ni Kodi.

Selosa mo naman pala.

"What the fuck?" 

"Babe, stop it." kinuha niya naman ang cellphone niya sa kamay ko.

Kodi kissed me on my cheek. "I love you Cha."

I sighed. Come on Charis. Wag mo na lang pansinin ang mga immature na iyon. She likes Kodi at wag mo ng patulan iyon.

"Pagupit ka na. Para ka ng jejemon." pag-iiba ko.

Kodi chuckled. "Ayaw mo nun? Ikaw lang sapat na?" tumawa rin ako sa sinagot niya sa akin.

Binisita ako ni Mary at Jenni sa kompanya ni Kodi. Sabi ko kay Kodi mag le-leave lang ako kapag lumaki na ang tiyan ko at okay na man iyon sa kanya. Mababantayan niya rin naman ako kasi sa kompanya niya naman ako nagta-trabaho.

"Snday Cha ah? Ma O-OP kasi ako eh. Sabay tayong dalawa dun." sabi ni Jenni.

"Hindi naman ako sasama." sabi ko.

"Huh? Anong hindi? Your fiance is the CEO!" 

Hindi naman ako sinabihan ni Kodi at hindi naman ako nagtanong. 

"Hindi naman nagsabi si Kodi at hindi niya ako niyaya. Namili na kami ng isang araw ng susuotin niya."

"Hindi ka bumili?"

"Bakit naman ako bibili?" tanong ko dito.

"Hay nako Jenni. Baka naisip lang rin ni Kodi si Cha kaya hindi na lang isasama. Ikaw ba pag may choice ka sasama ka? Diba hindi rin naman?" depensa ni Mary.

Jenni rolled her eyes. "Fine. Nakakapanibago naman kasi. Noon hindi siya CEO sinasama ka niya. Ngayon na CEO na siya di ka man lang isasama?"

Ayaw ko namang isipin ang sinabi ni Jenni. I don't want to ruin my mood. May rason lang si Kodi at hindi naman siguro life to death ang okasyon na iyon para i-big deal ko ang hindi pagasama ni Kodi sa akin.


'Til InfinityWhere stories live. Discover now