Kabanata 4

217 6 0
                                    

"Uuwi na talaga kayo?" nakangusong sabi ni Mary.

"Oo, may kailangan pang taposin si Kodi." sabi ko. Na sa bewang ko ang kamay ni Kodi habang siya ay kausap ang isang kaibigan sa gilid.

Ilan pang pagpipilit sinabi ng dalawa kong kaibigan bago kami pinakawalan doon. Hinanap naman namin ang mesa ng mga pinsan ni Kodi para magpaalam na rin.

"We're going." sabi ni Kodi doon.

"KJ talaga Kuya! Ate Cha, come! Let's dance!" sigaw ni Karissa at tumayo. Muntik pa ito ma out balance, inalalayan naman siya ni Braeden- ang fiance niya.

Tumawa si Maeve. "I want to dance too!" sigaw rin niya.

"Pauwiin niyo na yan mamaya." sabi ni Kodi sa kanila.

"KJ talaga nito." bulong ni Karissa at inirapan ang kuya niya. Humalik na lang ako sa pisngi nila ni Maeve. Umalis naman kaagad silang dalawa para sumayaw. Braeden groaned at sinundan na lang rin ang girlfriend.

Magkahawak lang ang kamay namin ni Kodi habang lumalakad palabas.

"How's the meeting?"

"We need to plan more, babe. Siguro starting next week I will surely be very busy.  I can't sleep at condo." sabi niya. Tumango na lang rin ako.

Nag drive thru naman si Kodi dahil daw nagugutom na siya.

"Ba't hindi mo sinagot tawag ko kanina?" tanong niya habang naghihintay kami ng order.

"Hindi ko naramdaman nung una... Sana hinintay mo na lang ako sa condo." sabi ko.

"And what? Sino maghahatid sa'yo pauwi?"

"Si Jenni." masama niya naman akong tiningnan, ngumiti naman ako sa kanya.

"I don't like staying alone at the condo while you are away... You know it is very cold when I am alone, Cha... Ibang iba ang pakiramdaman kapag andiyan ka lagi." uminit naman ang pisngi ko sa sinabi niya.

"Cheesy mo ah?" sabi ko pero hindi pa rin nawawala ang ngit sa labi ko. He chuckled.

"Nagsasabi ako ng totoo." same feeling Kodi. Ganyan na ganyan rin ang pakiramdama ko kapag ako lang mag-isa. Kaya kapag hindi kami magkasama sa condo ay tumatawag talaga ako sa kanya para at least ramdam ko ang presence niya. Hindi kasi ako sanay na wala si Kodi sa condo tuwing gabi.

"Okay lang ba kay Tito Jack na huwag ka umuwi muna? Andito siya diba?" tumango naman siya. Sinubo ko naman sa kanya ang fries kasi nag da-drive ito.

"Yeah. It doesn't matter to him though."

Kodi's father is strict. Alam kong grabe kung magalit si Tito Jack at alam ko rin na ayaw ni Kodi ma disappoint ang daddy niya. Kaya ginagawa niya ang lahat para sa company nila na isang araw ay ibibigay na sa kanya.

Kahit late na ay may mga babae pa rin sa lobby. Halos mabali na ang mga leeg nito sa kakatingin sa boyfriend ko. I don't care though, I love it when they are drooling at my boyfriend and I love it more when they envy me because I am the girlfriend. :P

Maaga akong nagising. Hinalikan ko naman si Kodi sa labi at bumangon na. Dinampot ko naman ang t-shirt niya sa gilid at sinuot ito, just wearing panty under.

Kapag talaga weekend ay nagaganahan akong gumalaw kasi andito si Kodi. Yung tuwing umuga na e-energized ako kasi magkasama kami hanggang Monday ng umaga.

Habang nag-aayos ng plato sa mesa ay naramdaman ko naman ang mga braso niya na pumulupot sa bewang ko.

"Good morning, beautiful." he greeted with his husky voice. So sexy!

'Til InfinityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon