Kabanata 13

202 8 0
                                    

Hindi alam nina Jenni at Mary at gagawin nila ng sobra sobra ang iyak ko sa harap nila.

"Cha..." awang awa na tawag nila sa akin.

"Inintindi ko siya. Pero hanggang sa kasal ba naman iintindihin ko pa rin? Parang sobra naman ata." naiiyak kong sabi. Niyakap naman nilang akong dalawa.

How dare him came to condo earlier and smiled at me like that and afterwards broke my heart like this?

"Cha, tumatawag si Kodi." pakita ni Jenni sa akin ng phone niya. Tinawagan ko siya kanina ng lumabas ako ng condo. Pumunta ako sa kanila at tinawagan niya rin si Mary pumunta kasi hindi na daw niya alam ang gagawin niya. I am crying for almost 2 hours. Walang tigil. Sobrang sakit.

Umiling-iling naman ako. "Hindi ako uuwi... Hindi...."

"Cha naman... Pag-usapan niyo na lang ni Kodi 'to. Hindi nakakatulong ang pag-iwas eh. Let him explain his side." sabi ni Jenni.

"Jenni, alam niyo! Alam niyo ang nangyayari sa loob ng ilang linggo sa preparation ng kasal namin! Lagi siyang wala! Counted lang ang mga araw na pumunta siya. At kapag pupunta siya ay aalis kaagad ito!" nangigigil kong saad.

Ikaw ba? Kapag sinabihan kang i-move ang kasal niyo, magagawa mo bang magsaya? Diba hindi?! Kasi masakit iyon. Masakit iyon especially kapag sobrang handa at excited ka sa araw na ito. It's breaking my heart into zillion pieces.

Since naka leave ako sa trabaho, hindi ko alam kung paano ko maiiwasan si Kodi. Hindi naman hanggang Sunday ay dito ako kay Jenni hanggang sa pumunta ito sa Dubai.

Hapon ng lunes ay bumalik ako sa condo. Andito pa rin ang inis at sakit sa puso ko pero hindi ko na lang iniintindi. Ayaw ko ng ganitong pakiramdam kasi nakakapanibago. Kodi never made me feel this way.

Parang lutang akong lumalakad sa lobby. Pinindot ko naman ang elevator. I can't even smile at the employees na naging kakilala ko na rin.

Ng tumunog ang elevator ay napatingin ako dito. Hindi ko kayang humakbang papasok ng andoon si Kodi. Diretso ang titig, nakapamulsa ito at ayos na ayos. Pupunta na siguro sa kompanya nila. Sobrang maga ng mga mata ko and he looks so fresh! Parang walang problema! Parang wala lang nangyari!

"Charis..." he called. He hurriedly went out to the elevator and reached me for a hug. I was stuck. I can't move.

I hate him because he can do this! He can act like nothing happened! He can act that everything is fine! He is so fucking damn unfair! And I hate it more because I always see myself falling for my own trap.

Hindi ko talaga naiintindihan ang sarili ko. Kapag magagalit ako kay Kodi ay sobrang dali lang. Yung kahit galit man ako gusto ko nilalambing niya ako o gumagawa siya ng paraan para maging okay kami. Sana nga tampo lang 'to na pwede akong bumigay agad. Pero hindi eh, kailangan malaman niya na sobrang nasaktan ako. Na sobrang na disappoint ako.

"Bitawan mo ako. I need to charge my phone and call all the people we invited. I need to tell them that the wedding is cancelled." sabi ko. Hindi siya sumagot. Nanatili siyang nakayakap sa akin.

"Babe, I am sorry. Understand this please. Please." he pleaded.

I didn't answer. Hihintayin ko na lang kung kailan siya bibitaw kasi kapag nagsasalita pa ako ay mas lalo lang akong nasasaktan. 

Nakaupo lang si Kodi sa couch habang nakatingin sa akin na tinatawagan ang mga inimbita namin sa kasal. This is so fucking damn embarrassing. Putol putol ang tawag ko kasi naiiyak ako. Halos lahat ay nagtanong kung bakit daw eh wala namang kaming problema ni Kodi.

"WHAT?! ATE CHA, ANONG NANGYARI?!" hysterical ni Karissa. I sighed.

"Your Kuya Kodi needs this Kar. Our wedding is least of his priority." sabi ko. Matalim kong tiningnan si Kodi habang sinasabi iyon. Tiningnan niya rin ako. 

"But...."

"Just tell it kina Maeve and others, Kar. Wala na akong lakas magsabi pa sa iba. Thank you." I know Karissa is so against with this but what can I do? Wala akong laban sa Kuya niya and most importantly- wala akong laban sa daddy nila.

Binato ko naman sa center table ang phone ko at pinikit ang mga mata ko. Kung na stress ako noon sa preparation mas na stress ako ngayon plus nasasaktan.

"Babe..." Kodi called me.

Nakaluhod ito sa harap ko at hinahawakan ang kamay ko. Alam kong naawa siya sa akin. Hindi ko lang kasi talaga alam ang dapat kong i-react. 

"Kodi... Wedding is the most important event for a woman. Do you think I should be happy because we cancelled it?" I asked. He shunned his gaze.

"You can't expect me to act normal because I am so fucking damn hurt, Kodi. I am so disappointed. I am very very torn." I said and stood up. He called me and held my hand but I took it away.

I have the rights to get mad.

Hindi ako lumalabas ng kwarto. Same with Kodi. Hindi siya umalis ng condo. Gusto ko ngang matawa dahil nag absent siya sa trabaho niya para suyuin ako dito. Hindi madadala ng pa chocolates, pa flowers, at kung ano ano pa diyan ang disappointment at sakit sa puso ko.

"Cha, let's eat." aya niya. Hindi ako sumagot. Tumayo lang ako at nilagpasan siya sa pintuan. 

It's Thursday and I can't even find peace. Walang nagsasalita habang kumakain kami. I can't even sit at the couch because of what I feel.

"Uhh... Aalis ako mga 10am. May kailangan lang akong taposin." sabi niya. I still didn't respond.

"Cha, kailan mo ba ma iintindihan 'to?" tanong  niya at nilapag ang kubyertso. Tumaas naman ang kilay kong tiningnan siya.

"I am going to dad and tell him I can't go. The wedding will happen on Sunday. Matutuloy---" natigil siya ng malakas kong nilapag ang kubyertos ko.

"Ano yan Kodi? Sa tingin mo laro lang na ganun kadali lahat sabihin na matutuloy na?! We all cancelled it! From the church, venue, guests, and everything! Wala na akong panahon ngayon para i-contact ulit iyon! Umalis ka papuntang Dubai! You gave up the wedding date for Dubai tapos hindi ka rin naman aalis? The fuck was that?" I stood up.

He called my name pero patuloy lang ang lakad ko. Alam kong galit na rin siya. Ilang araw niyang tiniis ang ugali ko. Ilang araw niyang inintindi. He is now losing his temper. Edi magalit siya! Kasi galit rin naman ako eh! Hindi ako aatras kapag magalit siya.

"CHARIS ANO BA!" hinigit niya naman ako kaya napaharap ako sa kanya.

"I DON'T GET YOU NOW! ANO BA NANGYAYARI SA'YO?!" sigaw niya. Uminit naman ang sulok ng mga mata ko.

Why people like this? Ba't nila tinatanong kung bakit ka nagbabago? Simple, nasasaktan ako kaya ganito.

"YOU'RE NOT LIKE THIS BEFORE, CHA! WE ALSO CANCELLED OUR DATES BEFORE BUT YOU DIDN'T GET MAD! TAPOS NGAYON MAGAGALIT KA NA PARA BANG ANG LAKI NG GINAWA KONG KASALANAN SA'YO!" tumaas na ang boses nito. Nanatili ang paghawak ng kamay niya sa pulupulsuhan ko. 

"SABI KO SA'YO IMO-MOVE LANG NATIN ANG DATE! HINDI KO NAMAN SINABI NA HINDI NA TAYO MAGPAPAKASAL!" I want to slap him because he is acting jerk but I want to hug him too because I am tired.

"Kodi.... You can't expect a very blissful and excited woman to remain bliss and excited after hearing that news. Wedding... Wedding day is my awaited day. You didn't know how excited I was. You didn't know how grateful I was. Siyempre paano mo naman malaman eh sa mga oras na nag pre-prepare ay wala ka naman diba?" I tried to smile.

"Give me some time Kodi. Give me that space. Kasi galit na galit talaga ako sa'yo." I said and walked out in front of him.

Goodness. We are better than this Kodi. But this is very different. Sobrang masakit lang kasi talaga.

#WPMissC (IG and FB only)

'Til InfinityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon