Kabanata 9

189 5 0
                                    

The one week vacation of Kodi and I was really priceless. Pagkatapos ng ilang buwan ay nakalabas rin ulit kami na dalawa. Pagkatapos ng ilang buwan nagkasama rin kami straight.

Pagkahatid sakin ni Kodi sa condo, akala ko ay doon na siya matutulog.

"I need to go, Cha. Kailangan ko muna puntahan si daddy, I am not sure if I can go home here tonight." siguro dahil pagod na rin naman ako sa biyahe namin kaya napatango na lang ako at hindi na masyado nagtanong kay Kodi. 

3am ng nagising ako. Ramdam ko naman ang presensya ni Kodi sa gilid ko. Anong oras kaya siya dumating dito? Humarap naman ako sa kanya at ginantihan ang yakap niya. Tulog na tulog ito, siguro pagod siya sa ginawa niya plus pa yung biyahe naming dalawa.

Sabi ni Kodi sa akin, we need to plan for our wedding. Hindi naman sa binibilisan namin but why wait longer?

Iisang wedding organizer lang ang kinuha namin na katulad sa mga pinsan niya at kapatid. Maganda naman kasi at magaling talaga. Gustong gusto ko iyon especially Karissa's wedding na sobrang fairytale. Binonggahan at ginastosan talaga ni Braeden iyon to make Karissa's dream wedding come true.

Gusto ko yung simpleng kasal lang naman. The important thing for me in that wedding day is that Kodi Farrell will be there. Siya lang ang highlight ng kasal para sa akin.

Nag-uusap lang kami ni Mikay, ang wedding oraganizer. 

I excuse myself when my phone rang.

"Hi!" masayang bati ko kay Kodi sa kabilang linya.

"Babe..." tawag niya.

"Why? May problema ba?" tanong ko.

"Sorry, I can't go now. May kailangan akong tataposin para ipasa sa board members sa meeting." I understand Kodi and there is no big deal. Ilang beses rin naman nangyari 'to pero iniintindi ko kasi trabaho naman iyon. I am not an immature-spoiled-brat fiancee.

"Talaga? Oh sige, re-sched ko na lang? O pwede ring magbibigay ako ng ideas then papakita na lang sa'yo next meeting natin kay Mikay?" tanong ko.

"Yes please? I love you, Cha. Thanks for understanding."

"I love you too, Kodi."

Sa isang relasyon kailangan talaga nag pag-uunawa sa isa't isa. Hindi pwedeng sa relasyon niyo lang iikot ang mga mundo niyo. Kodi and I just know what the real priorities are. Hindi naman sa hindi namin priority ang kasal namin but work is a work. Paano kami mabubuhay na dalawa kung pabaya kami sa trabaho namin? Paano namin mabibigay ang lahat na kailangan sa kasal kung hindi namin pinagkikitaan ito? I know others might think Kodi Farrell doesn't need to work because he already has the money. No, Kodi not depending on his father's money. Ang gusto ni Kodi ay yung pagtrabahuan niya ang lahat lahat. Kaya ginagawa niya ang lahat para mabigay na ng daddy niya sa kanya ang kompanya. Not because he is the first son of Mr. Jack Farrell ay sa kanya na talaga ipagmamana ito. He needs to work hard and to prove to his father that he is worthy of the company.

"Girl, 1 month na lang kasal niyo na ni Kodi." na e-excite na sabi ni Jenni. It was Thursday night ng pumunta sila sa condo. They came 10pm kaya ng nag out  ako sa trabaho ay umuwi kaagad ako para makapagluto sa kakainin  naming tatlo ni Mary.

"Oo nga! Excited ako sa wedding gown mo!" sabi ni Mary.

I already fit it. Kahit ako ay na e-excite gamitin iyon. Sa isang kilala at malaking simbahan kami ikakasal ni Kodi at reception ay sa isang hotel. Sobrang dami ng kinuha niyang ninong at ninang namin sa kasal. Kodi and I decided that the wedding day should be our anniversary day at next month na nga iyon. Marami pa rin hindi nagagawa pero minor na lang rin naman. Katulad ng invitation, food testing, at designs sa simbahan at sa hotel. Sabi ni Mikay ay madali na rin naman iyon. Ayaw ko namang ako lang ang mag desisyon, I want Kodi to be there too.

"Saturday pa kayo mag pa-plano ng decorations, Cha?" tanong ni Jenni.

"Oo para free na si Kodi. Ayaw ko kasing ako lang." sabi ko. Tumango naman sila.

Pinag-usapan lang namin ang mga magagandang pwedeng ilagay.  Kahit sa honeymoon at isinali pa nila.

"Europe trip sabi ni Kodi." sabi ko.

Tumili naman silang dalawa at sobrang excited nila!

"Excited na ako sa mga magiging anak niyo talaga, Cha! Makuha niya sana ang mga mata mo! Tapos ang ilong kay Kodi! Ah basta! Sobrang ganda talaga kapag pinaghalo ang genes niyong dalawa!" sabi ni Jenni.

I am excited for that too! I want to see a mini Kodi!

"Nakahanap na ba kayo ng bahay na lilipatan?" tanong ni Mary.

Umiling naman ako. "Dito kami hanggang sa tumanda kami." I sounded cheesy but dang! Ang sarap pakinggan pala ng ganoon!

Jenni rolled her eyes. "Che! Wag mo kaming inggitin!" tinawanan ko naman siya.

"Pero seryoso Cha? Hindi talaga kayo lilipat?" umiling ulit ako. "Bakit naman?" dagdag niya.

"Para kasing hindi ko kayang iwan ang lugar na 'to. Ups and downs. Alam niyo yun. All the memories are here. Sa bawat sulok ng condo na 'to ay may mga alala. Hindi basta basta iniiwan." sabi ko. Ngumiti naman ang dalawa.

"Mahal na mahal mo talaga si Kodi noh?" tanong ni Mary.

Ngumiti ako ng matamis sa kanilang dalawa at tumango. "Sa apat na taon---"

"Mag li-limang taon na gurl!" sabi ni Jenni.

I giggled and nodded. "Fine. For almost 5 years. I never felt like a trash. Sobrang alagang alaga talaga ako kay Kodi. Yung bang kahit matapilok ako sa hagdan ay parang aalisin niya ang hagdan doon." tumili naman silang dalawa at nagyakapan.

"Yan ang mga dapat hindi binibitawan! Wag mo ng awayin si Kodi kapag PMS ka! Haba haba ng pasensya ng lalaki na yun sa'yo." sabi ni Jenni.

"Well, matured relationship really lasts forever. Mabuhay kayo ni Kodi!" sigaw pa ni Mary at tinaas pa ang dalawang kamay. Tumawa na lang ako. Niyakap naman nila ako.

"Ano ba yan. Ikakasal ka na. May mga responsibilities ka na. Hindi ka na namin mayayaya pumunta ng bar at maglasing." 

"Makakalabas rin naman ako Jen." sabi ko.

"Hayyy! Parang kailan lang sunod ng sunod si Kodi sa'yo ngayon itatali ka na niya. 1 month to go magiging Mrs. Charis Blaire F. Farell ka na!" when I felt something towards Kodi, being Farrell was one of my dream. Yung bang iniisip ko na minsan na idugtong iyan sa pangalan ko and now one month na lang magkakatotoo na talaga.

"You are really both lucky for having each other...." Mary said.


'Til InfinityDove le storie prendono vita. Scoprilo ora