Kabanata 28

234 8 0
                                    

We went to a cakes and pastry shop. He ordered food like we used to order before. Napangiti naman ako kasi hindi niya kinalimutan ang mga pagkain na iyon. We still love those food. Hindi talaga magbabago iyon.

"Uh, Kodi..." tawag ko.

"Hmm?"

"P-Pwede bang wag mo na akong bigyan ng bulaklak? Naiintriga kasi mga kasama ko sa trabaho eh. Lagi silang nagtatanong at nag-iingay. Baka  makarating sa daddy mo. Ayaw kong magalit siya sa'yo at kunin ang kom---"

"Why do you care for his feeling than mine?" my jaw dropped.

"Ano naman iyon sa'yo kung ano maramdaman ni daddy? You should only care for what I feel Charis. From now on, sa akin...." hindi niya natapos ang sasabihin niya ng tumaas ang kilay ko sa kanya.

"We are just still FRIENDS." sabi ko. Diniin ko talaga ang word na friends.

Nagtiim bagang naman ito.

"Friends my ass. Ni hindi nga tayo nag break." sabi niya.

"Ko---"

"On your letter. Ang sabi mo 'til we meet again lang. Wala kang sinulat na break na tayo. Sa loob ng dalawang taon wala akong narinig na break na tayo galing sa'yo.. So..." nakangiting sabi niya. Humagalpak naman ako sa tawa sa sinabi niya.

I kennat!

"What?" supladong tanong niya.

Tawang tawa ako habang umiiling.

"Wala lang." sabi ko.

"Ano nga?" ulit niyang tanong.

"Sabing wala nga eh!" tumigil naman siya ng pinandilatan ko siya.

God! He is so wise! No wonder kung bakit naging businessman talaga siya. So impressive, Kodi. Hindi ko kinaya ang logic mo.

Tahimik naman kaming kumakain na dalawa. At ng may tumunog na kanta ay automatic kaming napatingin sa isa't isa. Ilang beses sa isang araw ko ba dapat 'to marinig?

♪ I'm like a statue, stuck staring right at you,
Got me frozen in my tracks.
So amazed how you take me back,
Each and every time our love collapsed.
Statue, stuck staring right at you,
So when I'm lost for words
Every time I disappoint you,
It's just 'cause I can't believe,
That you're so beautiful. (Stuck like a statue)
Don't wanna lose you, no. (Stuck like a statue)♪

Uminit naman ang pisngi ko, I saw his face turned red too. Iniwas niya naman ang tingin niya kaya natawa ako.

"Kung kailan nag 26 ay parang bata." bulong ko.

"Ansabi mo?" baling niya sa akin.

"You act like a child. Ganyan ka na kiligin ngayon? Umiiwas?" hamon ko dito.

"ANO? YOU WANT 5 CHILDREN? BABE NAMAN!" malakas niyang sabi. Napatingin naman ako sa paligid at ang iba ay tumingin sa akin. Nahihiya naman akong yumuko at bumalik sa pagkain ko. Inapakan ko naman ang paa niya at napadaing naman ito.

Nangigigil akong kinurot at hinampas si Kodi paglabas doon. Tawang tawa naman ito. Binuksan niya naman ako ng pinto ng sasakyan niya, pagkapasok niya at  hinampas ko ulit siya.

"Nakakainis ka! Nakakahiya iyon, Kodi!" sigaw ko dito.

"Anong nakakahiya doon?"

"Iyon! Siyempre!"

"Anong iyon?" sinuntok ko naman siya sa braso kaya napa aww ito.

"Ewan ko sa'yo!" galit kong sabi at hindi siya pinansin.

'Til InfinityWhere stories live. Discover now