Kabanata 7

207 5 0
                                    

Ginaganahan talaga ako araw araw. Sobrang gaan ng pakiramdam ko.

"Naks. Blooming si Ma'am." bola sa akin ng isang kasama ko sa trabaho.

"Wala ah." sabi ko.

"Asus! Ganyan na ganyan rin ako noon Ma'am ng malapit na ang kasal namin ng asawa ko. Sarap sa pakiramdam noh?" ngumiti ako at tumango kasi totoo. Ang sarap sarap sa pakiramdam.

Sa lahat ng ginagawa ko ay ganado ako. Yung kahit matipalok na ako sa kakalakad ko ay ngumiti pa rin ako.

Sinundo ako ni Kodi sa trabaho at umuwi kami kaagad sa condo. Like the usual, after the making love session we shared together, nakahiga ulit kami sa couch at nakatingin sa labas ng bintana. Nagiging habit na talaga namin 'to.

"Kodi..." tawag ko.

"Hmm..."

"Gusto ko kapag kinasal tayo dito pa rin tayo." sabi ko. He chuckled and bit my ear. Siniko ko naman siya.

"Bakit naman?"

"Wala lang. Gusto ko lang dito tayo hanggang tumanda. Ayaw mo ba nun?" tanong ko at bumaling sa kanya. Na sa labas pa rin ng bintana ang mga mata niya pero nakangiti ito.

"Kakasya kaya tayo dito?" nakangising tanong niya. I know that grin!

"Bubuo tayo ng basketball team ko, Cha. Hindi tayo kakasya lahat dito." uminit naman ang pisngi ko sa sinabi niya.

"Heh." I rolled my eyes at him. His hug got tighter.

"I love you so much, Charis. "

Kodi asked me to file a leave and he will do it too.

"But Kodi..." reklamo ko. Kumunot ang noo niya sa akin habang nakaupo sa couch. Nakatayo ako sa harap niya.

"Anong but Kodi? You don't like it, Cha? Matagal na tayong hindi naka out of town na dalawa." sabi niya.

"Of course I'd love to! But can I just use my leave if we will prepare for the wedding?" tanong ko. Gusto niya kasi agad agad mag leave. Eh sa kanya pwede lang rin naman kasi sa kanila naman ang kompanyang iyon.

"Just 1 week Cha. Please?" sabi niya.

"Absent?"

"Fine. I'll tell Dave." sabi nito referring to my boss. Wala akong nagawa dahil when it comes to that decision hindi mo mapipilit si Kodi na huwag ituloy. Excited naman ako sa out of town naming dalawa pero ang hindi ko lang maintindihan kung bakit sa gitna ng hectic sched niya ay lalabas pa ito.

Habang inaayos ko ang dadalhin namin sa out of town namin ay tumawag si Kodi.

"Hello?"

"I'm on my way now."

"Ngayon na? Tapos ka na sa pinapapagwa ng daddy mo?" tanong ko. Niloudspeak ko naman iyon at nilagay sa kama para matapos kong ligpitin lahat 'to. Sobrang kalat kasi ng kwarto dahil parang nilabas ko lahat ng gamit ko. I remember something that made me smile.

Pagod na pagod akong umuwi sa condo. 2 months pa lang ako nakatira dito at minsan hindi ko na magawang magligpit dahil sa trabaho. Yung pag makauwi ka ay saktong hihiga ka na lang. Minsan ay hindi na ako kumakain ng haponan.

Kinapa ko naman ang phone ko ng tumawag si Kodi.

"Babe, are you home?" tanong niya.

"Yeah. Ikaw? Saan ka na?"

"Paalis pa lang ng company. I'll take out dinner. What do you want?" sinabi ko naman sa kanya ang gusto kong kainin. Actually, I am so fucking tired because Mary asked me to shopping with her! That's her stress reliever. Lagi kasing stress sa trabaho.

Ng nakapahinga ako ng five minutes ay dinampot ko lahat ng pinamili ko at tiningnan. Nilapag ko lang iyon lahat sa kama. At may mga nilabas naman akong mga gamit dahil sa may mga tataposin ako. Hinayaan ko na lang muna ang kalat ko sa kwarto at lumabas ng nag doorbell si Kodi doon.

Hinalikan niya naman ako kaagad pagkapasok niya.

"You look tired." sabi niya.

"Oo. Gusto ko na nga matulog." sabi ko.

"I'll prepare. Just sit there, babe." sabi niya.

"Pagod ka rin. Galing ka rin trabaho." sabi ko at sumunod sa kanya. Kumuha na ako ng mga plato para tulungan na rin siya.

"Stubborn girlfriend." sabi niya. Ng natapos kaming kumain, he insisted to wash the plates. I get inside the room and took a half bath. I just want to sleep now!

Sakto naman paglabas ko ng banyo ng kwarto ay pagpasok ni Kodi sa kwarto. Kumunot naman ang noo niya sa kalat sa kwarto. Tiningnan niya naman ako.

"Ba't ang kalat kalat?" tanong niya.

"May nililigpit ako." sabi ko at umupo sa kama.

"And? Hindi mo lilinisin?" tanong niya. Napatingin naman ako sa kanya.

"The bed is free. We can still sleep. Bukas ko na lang liligpitin." sabi ko. Na sa sahig lang naman kasi sa gilid ang mga kalat at ang iba ay na sa upuan sa vanity table.

"Charis." tawag niya. He sound like a father now!

"What?"

"I can't sleep with mess."

"Edi linisin mo." sabi ko. I am so tired and I just want to sleep now. Ayaw ko ng may kabangayan ngayong gabi.

Nakahiga na ako at hindi ko pa rin maramdaman si Kodi sa gilid. Tiningnan ko naman siya at kumunot ang noo ko ng nililinis niya ang mga kalat.

"Kodi." tawag ko. He came from work too! Pagod rin siya!

"What? Next time you litter, please make sure to tidy up, Cha. I don't want to see mess in this condo. I don't want to have a wife who do littering." part of me was guilty. Babae ako tapos burara ako.

"But Kodi, ngayon lang naman. Sobrang pagod lang talaga ako." tamad kong sabi. Hindi naman siya sumagot.

"Kodi." tawag ko. Hindi pa rin siya bumaling sa akin.

"Kainis naman eh." sabi ko at tumayo. Kinuha ko naman sa kanya ang mga damit at nilapag sa kama. Tinupi ko naman iyon lahat. 

"I'll take a shower. I am so damn serious Charis Blaire." he said. I know he is annoyed as fuck. He just called my whole name! Tiningnan ko siya.

"Hinding-hindi talaga kita papakasalan kapag ganyan ka kakalat sa kwarto." WHAT?! IS HE SO FUCKING SERIOUS?!

Kinabahan ako sa banta niya kaya simula ng araw na iyon ay hindi na ako naging makalat sa condo. Yung kahit tuwing umaga kapag magising ako ay nag va-vacuum ako. Yung kahit walang alikabok ay pinupunasan ko. I know Kodi! Isang salita lang yan palagi eh! GRR! Makakabawi rin ako sa'yo!

Ng dumating si Kodi ay sobrang ligpit na ng kwarto. Natapos na ako sa pag-iimpake.

"Ano oras tayo bukas?" tanong ko.

"6am. 4:30 dapat gising ka na. Tagal mo pa naman maligo." hinampas ko naman siya.

"Hiyang hiya naman ako sa'yo na mahirap gisingin!" tinawanan niya naman ako at niyakap.

Marami akong natutunan kay Kodi simula noon at ganoon rin siya sa akin. Hindi ko talaga inakala na hahantong kaming dalawa sa ganito. I am really beyond grateful for having Kodi Farrell. Couldn't ask for more.


'Til Infinityحيث تعيش القصص. اكتشف الآن