Kabanata 21

196 7 0
                                    

I shivered when I bumped to Mr. Jack Farrell. He had a devil grin plastered on his face.

"You're finally back..."

I greeted him not because he is the father of the CEO and the chairman of this company. I greeted him as a father of the love of my life and a father who protected his son. A father who did everything to give his son a better future. That was the bottom line. I don't hold grudges. I will never ever hold grudges to him because  he just wanted what's best for Kodi.

"Didn't know you will work here." he said.

"I didn't want to work here, sir. But I got no choice." sabi ko kasi iyon naman ang totoo.

Ngumisi naman siya at tumango. "Naubos na yung isang milyon?" tanong niya. Gustong kong matawa sa sinabi niya. I never ever  ever ever get that money for myself. I put it on Kodi's bank account kasi para sa kanya iyon. Hindi ko kailangan ng pera niya. Ayaw kong isipin niya na dahil sa pera ako umalis. Umalis ako at iniwan si Kodi para sa gusto ni Kodi. At iyon ay ang kompanya.

"If you need money tell me, Charis Francisco. I'll give you another million again layuan mo lang ulit ang anak ko." from that moment, I wanted to shout at him. Pero ayaw ko. I respect him. Mataas ang respeto ko sa kanya!

"Dad?" napako ako sa kinatayuan ko ng marinig ko ang boses na iyon. Parang gusto kong lamunin ng lupa ngayon.

"Kodi." Mr. Jack Farrell called his son.

"What did you say?" Kodi asked and went beside his father. Hindi ko alam kung bakit lumabas na ang luha sa mga mata ko. Tumingin lang si Mr. Farrell sa anak na sobrang tapang pa rin ang ekspresyon niya. Tumingin si Kodi sa akin na sobrang galit.

"Kodi..." mahinang tawag ko. Patuloy pa rin ang pag labas ng luha ko. 

Bakit ako naiiyak?! Bakit ako kinakabahan?! Bakit sobra sobra ang sakit na nararamdaman ko ngayon?! I don't want Kodi to accuse me such things. Hindi pwede iyon. Hindi ko kailan man magagawa sa kanya 'yun.

"Gonna leave it to you." boses ni Mr. Farrell at umalis. Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya.

Seriously? My fist clenched as I look at Kodi's father. No Cha, don't lose your respect to that man. He raised your love well. Ama siya ng mahal mo.

"WHAT THE FUCK CHARIS!" malakas na sigaw ni Kodi. That echoed in the floor on where we are now. May mga tumingin, may mga nagbulungan.

Lumapit si Kodi sa akin at madiin akong hinawakan sa magkabilang braso. Napapikit ako sa sakit nun. 

"FOR MILLION, CHARIS? THE FUCK! DIDN'T EXPECT YOU'LL BECOME THAT BITCH----" malakas na lumipad ang palad ko sa pisngi niya. Patuloy lang sa paglabas ng luha sa mga mata ko.

"ILANG MILYON CHARIS?" ulit niya at sinampal ko ulit siya. Nanatili ang mukha niya kung saan nasampal ko siya. His jaw clenched. I didn't answer him. Mabilis lang akong umalis doon na umiiyak.

Wala kang alam, Kodi. Hindi mo alam kung para saan iyong paglayo ko. Wala kang alam na nagdusa rin ako. Wala kang alam. How could you judge me that easily?

Sa limang taon naming magkasama noon, hindi ako nakarinig ng mura sa kanya. Kahit nga pangit ka ay hindi niya ako sinabihan noon! Now, he called me bitch!

"Cha? Hindi ka papasok?" tanong ni Mary.

Isang linggo na akong hindi pumasok sa trabaho at alam kong tambak na ang mga gawain ko doon. My system is not functioned well.

"Hindi." simpleng sagot ko.

Mary sighed. "Cha, just tell the truth to Kodi."

Tumingin naman ako sa kaibigan ko. "No, Mary. Mas mabuti iyong ganito. Ama niya iyon. Hindi pwedeng magtanim siya ng sama ng loob doon. Mas mabuti yung sa akin siya galit kesa sa ama niya." sabi ko.

"You're really matured... You  really grown up..."

"Noon pa---"

"Oo nga... But what I mean is... Mas sumobra na yata ngayon?" hindi na ako sumagot. Siyempre kapag naging independent ka ng ilang taon ay lalaki at lalaki ka talaga- phyically, emotionally and mentally.

Monday when I went back to work. Hindi pa nga ako naka-upo ng sinabihan na akong pinapatawag sa itaas. I prepared myself.

"P-Pinapatawag mo daw ako..." mahinang sabi ko ng nakapasok ako sa opisina ni Kodi. He is busy typing on his laptop. Maraming tambak rin sa mesa niya. Ganito ba siya araw araw? I want to help him. Siguro pagod na pagod siya araw araw? Sino kaya sinasabihan niya ng mga stress at frustrations niya ngayon? I pressed my both lips when I was about to cry.

"You were one week absent." malamig niyang sabi.

"I.. I got sick." sabi ko. Galing sa screen ng laptop niya ay tumingin ito sa akin. Parang tumatagos ang titig niya. Iniwas ko naman ang mga mata ko. I can't look at him because it aches my heart.

"Mag o-overtime na lang ako." sabi ko.

"Why are you working?" tanong niya.

Huh?

Hindi pa ako nakasagot ng dumugtong ulit siya.

"You are millionaire. You should build your own business. Para saan pa iyong pera na nakuha mo?" I want to tell him the truth but I can't even say a word. 

Nanlalamig na ako na parang iiyak na. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Gusto ko ring umalis na lang ulit sa harap niya at umiwas sa usapan na iyan pero wala akong lakas.

"What, Charis? Sobrang dali pala ng trabaho mo... Sobrang dali pala para sa'yo makakuha ng milyon milyon...."

"KODI!" tawag ko. Tumayo siya at malakas na hinampas ang mesa niya. I flinched.

Pumupula ang mga mata nito at bakas na ang pag-aalab ng galit sa kanyang mukha. Noon, kapag nagagalit siya sa ibang bagay kapag niyayakap ko siya at kumakalma siya. Pero ngayon, sa akin siya sobrang galit at nakakatakot yung yakapin siya kasi alam ko mas magagalit siya.

"WHAT HAPPENED TO YOU CHARIS?! I GAVE YOU EVERYTHING! AND FOR JUST A MILLION YOU LEFT ME WITHOUT NOTE AND WARNING! HOW COULD YOU DO THAT? HOW DARE YOU CHOOSE MONEY OVER ME?!" I can't help but cried hard. Kahit gusto ko ng magsalita ay hindi ko kaya.

"ALAM MO YUN, CHA? SOBRANG SAKIT NUN! SOBRA SOBRA! INIWAN MO AKO NA WALANG PAALAM! UMALIS KA NG WALANG PASABI! AND YOU KNOW WHAT? ALL THE PAIN I FELT BEFORE IS NOW FUCKING BACK! AT MAS DUMOBLE PA! YOU ARE SO FUCKING CRUEL, CHARIS BLAIRE! FUCKING CRUEL!" sobrang lakas na ng iyak ko na para bang bibigay na ako.

I gave him everything to. That at least I can do. Iyon lang ang kaya ko para maibigay rin sa kanya ang mga gusto niya! Sobrang gusto at mahal niya ang kompanya at ang trabaho niya! Iyon na lang ang paraan! Hindi naman kasi ako ganoon ka yaman para bilhin sa tatay niya at iregalo sa kanya! Kung meron pang paraan noon then I will choose the latter. I will not choose leaving him here suffering.

"Sana sinabihan mo ako na iiwan mo ako dahil binigyan ka ng tatay ko ng isang milyon para sana ay tinapatan ko iyon ng isang bilyon para manatili ka...." that was the last line he said and left me on his office.

On that day, on his office, facing his table with Kodi Ashur Farrell, CEO on it I got my knees down and cried harder.

This is the reason why Kodi... Kung hindi ako umalis hindi ka diyan malalagay sa pwesto na iyan. Hindi masusukat ng pera ang pagmamahal ko sa'yo... Pero pangarap mo ito na kailangan ko rin ibigay sa'yo. I am not selfish because you taught me.

'Til InfinityWhere stories live. Discover now