Kabanata 29

230 6 0
                                    

Ng gumising ako ay wala na akong katabi. Ang naging katabi ko na lang ay ang bouquet ng bulaklak at iba't ibang chocolates. Kinapa ko naman ang cellphone ko sa gilid at tiningnan ang mga messages ni Kodi at para na rin ma text ito.

Kodi:

Went out early. Di na kita nagising, sobrang pagod mo kasi eh. *smirks*

I cooked breakfast for you. Eat before going to work.

I love you so much, Charis. Don't even think about escaping again.

Nag text naman ako sa kanya na gising na ako at maghahanda na para mag trabaho. Dinampot ko naman ang damit ko para suotin ito at makakain. Kinuha ko naman ang bulaklak para mailagay ito sa vase sa labas at ilagay ang mga chocolates sa ref.

Parang naging sweet pa si Kodi sa dati! Nakakainlove lalo!

Nawala ang ngiti sa labi ko habang lumalakad sa hallway ng kompanya ni Kodi ng nasalubong ko ang daddy nito.

"Good morning po." bati ko.

"Can I have a talk with you?" pormal na tanong niya. I don't want to be rude right now pero kasi parang natatakot na ako kapag ganito na naman ang usapan eh.

"If it's about leaving Kodi, then sir, I am sorry coz I am not doing it again. Excuse me..." sabi ko at yumuko sa harap niya. Umalis naman ako doon.

Hindi na ako papayag ulit na iiwan si Kodi dito. Katulad ng mga napag-usapan naming dalawa, kailangan ngayon ay mas maging open kami lalo sa isa't isa. No secrets and no decisions na hindi dapat alam ng isa. We are one and we should act like one.

Sa gitna ng pagta-trabaho ko ay nakaramdam ako ng migraine. Hinilot ko naman ang sentido ko at napapikit na lang. Maraming nagsasabi na sobrang dali lang daw ang trabaho namin. Like seriously? Hindi biro humarap sa numbers araw araw, hindi biro mag balance, hindi biro mag trabaho sa opisina. 

"Charis, pwede mo ba ito ibigay muna kay Sir Kodi sa itaas? Kailan kasi niya 'to sa meeting niya mamaya." pakikisuyo ng isa sa akin.

Tumango naman ako sa kanya at kinuha iyon. Hindi naman kasi ako pwedeng mag reklamo na masakit ang ulo ko. Nothing is excuse if you're working. Kung maiinda mo lang naman ang sakit, then why reason out? Nagde-delay lang kasi ang trabaho mo kapag rason ka ng rason sa bawat binibigay sa'yo.

"Na sa loob po ba si Kodi, Ate Fe?" tanong ko sa secretary ni Kodi.

"Oo!" nakangiting sabi niya.

Kumatok naman ako pumasok, at bumungad sa akin ang seryosong mga titig ni Kodi. I smiled at him and showed him the folders.

"Pinapadala." sabi ko.

He smiled and stood up. Nanatili naman akong nakatayo doon at lumapit naman siya sa akin. Niyakap niya naman kaagad ako.

"Sabay tayong uuwi mamaya." sabi niya.

"Hmm. Okay..."

"Kumain ka na ng lunch?"

"Wala pa. Kakain na ngayon to take meds." sabi ko. His brows furrowed.

"Why? May masakit ba sa'yo?" dinampian niya naman ang noo ko ng likod ng palad niya.

"Masakit lang ang ulo ko." natatawang sabi ko at inalis ang kamay niya doon. I intertwined it. I still can't believe that after two years, Kodi and I will be together again. Ang sarap isipin.... Pitong taon na kaming magkakilala na dalawa at mahal na mahal pa rin ang isa't isa. 7 years. Wow.

He frowned. "Take a rest, babe." sabi niya. Dinala niya naman ako sa couch sa opisina niya. Umupo naman kaming dalawa doon. He hugged me from my waist and I did the same too. Hiniga ko ang ulo ko sa balikat niya.

"Nagkasalubong kami kanina ng daddy mo." pag-uumpisa ko.

Hindi naman siya sumagot.

"He wanted to talk to me but I refused. Natatakot ako kapag gusto akong kausapin ng daddy mo." his hug got tighter.

"And I am more frightened." I looked at him. He is just looking straight and not looking at me.

"Bakit naman?" tanong ko.

"Paano kung iwan mo ulit ako?" he then looked at me. Parang hinaplos naman nag puso ko. Ngumiti lang ako sa kanya at niyakap siya lalo. I closed my eyes. 

Dalawang taon ko rin hindi naramdaman 'to. Iyong may sasabihin ka ng mga nangyayari sa'yo, iyong maraming tumatakbo sa isip mo pero kapag niyakap mo lang siya ay naglalaho lahat ng mga negatibo.

Ayaw pa ako paalisin ni Kodi. Sobrang harot talaga ng lalaking iyon. Well, actually noon pa pero  mas lalong lumala yata ngayon? HAHA.

Hindi kami magkasama ni Kodi mag lunch. Marami kasi siyang lunch meeting. Pag-uwi lang kami sabay palagi at minsan ay pupunta. Like before, he is staying at the condo every weekend.

"Cha." Kodi called me lazily. Nakahiga ito sa couch at nanunuod ng football sa TV. It's Sunday afternoon at wala kaming ginagawa na dalawa. Na sa single couch lang ako at busy sa pagcha-chat kay Jenni.

"Hmmm?"

"Can you cook carbonora? Ang bitin kasi nung binigay mo last month eh. Iyong nililigawan mo pa ako." natatawang sabi niya.

Nakakunot naman ang noo kong tiningnan siya.

"Ansabi mo?"

"Yung nililigawan---" binato ko naman siya ng throw pillow. Tawang tawa naman ito.

"Please babe? I am starving."

"Akala ko ba janitor kumakain nun?" taas kilay kong tanong sa kanya. He frowned.

Tinawanan ko naman siya. Tumayo naman ako at lumapit sa kanya. Ha! He didn't threw  the food I gave. Kinakain niya pala! I though my effort was nothing! He still appreciated it  even though he was mad. My Kodi.

"Walang pasta. Bibili lang ako." sabi ko. Tumango naman siya. My jaw dropped.

"Himala! Hindi mo ako sasamahan!" I said with gritted teeth!

"Nililigawan mo ako---"

"Mag carbonara ka mag-isa mo!" sabi ko at bumalik na lang sa pwesto ko. Mas mabuti pang kausap ang nagse-senting si Jenni kesa sa lalaking to eh! Simula kahapon ay pinupush niya talaga na niligawan ko daw siya simula ng bumalik ako. Hindi ko alam pero natutuwa ako kay Kodi. He really forgotten what I did 2 years ago. Parang walang nangyari na nasaktan siya. 

Ng natapos ang pinanunuod niya ay inaya na niya ako bumili ng pasta.

"Malapit na lang rin ang supermarket. Let's just walk, Kodi." aya ko. Para kasing gusto kong mag lakad-lakad ngayon eh.

"Why? Para romantic?" tumawa naman ako sa sagot niya sa akin.

My friends telling me that I am back for being Chairs Blaire Francisco. Indeed I am. I can't see any dull days for me.

Ganito pala talaga kapag nakasanayan mo ang isang tao. Kodi and I were five years already when I left him. Siyempre sobrang naninibago ako noon. I remember the mornings that I cupped the bed beside me kasi akala ko andiyan pa rin siya sa tabi ko. Merong araw na nagluluto ako ng carbonara for Zoe ay napapangiti ako kasi naalala ko na paborito iyon ni Kodi, kahit sa pagpili ng pagkain ay dala ko ang mga pangangaral ni Kodi sa akin. Mahirap kapag ang taong parang buhay mo na ay mawala sa'yo. Hindi mo alam kung paano ka magsisimula ulit kasi halos lahat ay naka depende sa kanya at sa inyo.

But this is life. May mga umaalis, may mga bumabalik. May nagagalit, pero nagpapatawad rin. Sa lahat ng matured decisions namin nagawa ni Kodi simula noon, masasabi kong eto talaga ang pinaka matured sa lahat.

"Until infinity runs out, Charis." he said to me and kissed me. We're standing in the big window where the stars and city lights are our backdrop.

I am finally over the dull days and heavy feeling. This is really 'til infinity, Kodi. No more ending.


'Til Infinityजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें