Kabanata 33

267 7 0
                                    

Kodi was busy. Hindi ko na lang siya kinukulit na umuwi at magsama kami para matapos niya kaagad ang mga trabaho niya. Sabi ko mas lalo ko siyang iintindihin ngayon.

"So naka plano na kayo sa kasal? Kelan ang date?" tanong ni Mary.

Mary, Jenni and I went out. Na miss ko rin naman sila. 

"Wala pa. Siguro next year na lang? Malapit na rin naman ang December. Busy pa rin kasi si  Kodi eh. Ayaw ko ng magalit at i-pressure siya sa kasal." sabi ko. That's a real talk. Kung noon ay sobrang naging atat ako ngayon ay iintindihin ko. Ayaw ko na maging ganoon ulit at baka sabihin na naman ng daddy ni Kodi ay hindrance ako. Oo tanggap ko na ganoon ang tingin niya sa akin pero siyempre may part sa akin na nasasaktan na ganoon pala akala niya. Like seriously? Hindi niya alam kung ano ang kaya ko isakripisyo pa rin sa pangarap ni Kodi.

"May bibilhin pala ako. Ikaw Cha? Hindi ka bibili for a charity event next week?" tanong ni Jenni sa akin.

"Huh?"

"Hello! Businessman boyfriend mo! Siyempre ikaw ang kadate nun sa charity eventl next week. Malaki ang event na 'to at malaki ang maitutulong sa mga kompanya." 

"Hindi ako sinabihan ni Kodi. Siguro mamaya pa." sabi ko. Nagkibit naman ng balikat si Jenni. Sinamahan naman namin siya ni Mary. Hindi naman si Mary pupunta dahil sa hindi naman businessman ang jowa niya."

"Tumataba ka ata, Cha? Kakasya pa ba ang wedding gown mo niyan?" puna ni Mary. Nagsusukat si Jenni at kami lang naiwan dito.

"Siguro? May isang buwan pa naman at kalahati." sabi ko.

I am still not sure if I am pregnant. Mostly kasi kapag buntis ay may morning sickness, wala naman ako nararamdaman. Hindi naman ako nasusuka kapag gumising ako o ano.  O baka hindi lang talaga lahat ng buntis ay ganoon ang symptom? Ay ewan.

Pagdating ko sa condo ay  parang gusto kong gumapang at humiga na. Since last week ay gusto ko talaga matulog na lang. Inaantok ako at palaging pagod.

I took my phone when it rang.

"Hello Kodi?" sagot ko. Nakapikit ang mga mata ko.

"Babe, I will be there late. I need to finish something. Nakakain ka na ba?" he asked. Napangiti naman ako.

"We went for a late snacks earlier. Busog pa rin naman ako. Inaantok na nga ako eh." sabi ko.

"I'll just bring food when I  go home. Gigisingin na lang kita mamaya. Pahinga ka muna. I love you."

"I love you too. Ingat ka, Kodi."

Nakatulog nga ako after I heard Kodi's voice.

Kinabukasan, pagka gising ko ay nasa tabi ko na si Kodi na natutulog.

Sabi niya gigisingin niya ako. Tumayo naman ako at magluto na for our breakfast. May pagkain naman sa mesa na nakabalot pa. Maraming ulam. Ito siguro ang dinala niya kagabi?

Ininit ko na lang iyon para hindi sayang. 8am ng ginising ko si Kodi.

"Ba't hindi mo ako ginising?" tanong ko.

"You were in your deep sleep. Ayaw ko ng istorbohin ka." sabi niya.

Dumating daw siya 12 midnight. Hindi na lang rin daw siya nakakain kasi sobrang pagod rin siya. I want to help Kodi for his work too pero kasi lahat ay gamay niya na. May trabaho rin ako na akin at minsan siya pa ang tumutulong sa akin. Napag-usapan naming dalawa na kahit kasal na kami ay magta-trabaho pa rin ako sa kompanya niya. Hindi pwedeng hindi kasi kailan ko ring kumita. Hindi all the time ay aasa lang ako sa kanya.

"Can we go to the hospital?" he asked in the middle of our breakfast.

"Why? What happened to you?" I asked.

"Not me. You. I want to sure things, babe. Walang masama kung tingnan natin." I get him. May parte rin sa akin na na excite kaya mabilis rin ako nagligpit at gumayak.

Habang na sa sasakyan kami ni Kodi ay naalala ko ang sinabi ni Jenni sa akin tungkol sa charity event.

"Kodi, may charity event daw kayo next week?" tanong ko. Tiningnan niya naman ako at tipid siyang ngumiti.

"O-Oo... Saan mo nalaman?"

"Kay Jenni. Naghahanap ng dress kasi eh. Nagpasama sa amin ni Mary kahapon."

"Isasama siya ni Leo?" tanong niya. Tumango ako. Ayaw ko namang itanong kung isasama niya ako. Okay naman kung isasama niya ako okay namang wag na. Baka kasi am O-OP rin naman ako kapag doon ako eh.

Iniba ko na lang ulit ang tanong ko kay Kodi. Not a big deal for me.

Parang gusto kong tumambling ng sinabihan ako na buntis na ako for almost 4 wks. I saw how shocked Kodi was. Another dream for you, Kodi.

I can't help but cry because of happiness. After 7 years, nagbunga  na rin ang pagmamahalan namin na dalawa ni Kodi. We will have our little angel too!

Tinanong ko naman ang doctor about my pregnancy. May mga vitamins siyang binigay sa akin at binigyan niya ako ng mga dapat kong iwasan at isa na dun ang stress.

"Kaeleb and Kaeden will get jealous." sabi ko. Tumawa naman si Kodi at tumango.

Merong isang araw nga na nagkasama kaming kumain ng dinner sa kanila ni Karissa. Gusto ni Kaeden sumama kay Kodi sa condo at doon matulog pero ayaw ni Kodi. Ayun umiyak.

Sobrang lapit kasi talaga ni Kodi sa mga pamangkin niya. Sa pagkakatanda ko naman ay hindi siya ganoon sa mga bata noon eh. He wants a peaceful life at naiingayan siya sa mga bata noon. Kaya nga hindi nagba-bar noon kasi maingay daw doon eh. Meron rin palang nagbago kay Kodi sa dalawang taon na lumipas.

Kodi cooked for our dinner. Nakatayo ako sa bukana ng kusina at tinitingnan siyang nakatalikod sa pwesto ko at nagluluto. Napangiti naman ako at naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko. Hindi na ako makapaghintay makita si Kodi sa araw ng kasal namin, hindi na ako makapaghintay na magiging pamilya niya kami.

I walked towards him and hugged him from behind so tight.

"Thank you for everything, Kodi." sabi ko.

He chuckled. "I should be the one thanking you, babe."  kinalas naman ni Kodi ang pagyakap ko sa kanya at hinarap niya ako. Pinunasan niya naman ang luha sa mga mata ko. He kissed me on my forehead.

"You always making my dream come true. Can I tell you my another dream?" tumawa naman ako at napatango na lang rin.

"I already have the company and have a child all because of you..." panimula niya. "As you can see, that's the least to greatest babe. Least lang iyong kompanya, pangalawa ang maka anak sa'yo... And the greatest dream is..." sa bawat pagsabi ni Kodi ng mga salitang iyon ay malakas na tumitibok ang puso ko. Excitement. Happiness.

"To change your Francisco to Farrell... As soon as possible..." I nodded how many times and my tears  rolled from my eyes again.

Of course Kodi. I will give you that dream because that is my dream too! Kung pwede lang bukas maikasal sa'yo ay gagawin ko!

7 years had passed and I am still deeply in love with this man. I am not asking for more.

'Til InfinityWhere stories live. Discover now