Kabanata 5

199 7 0
                                    

Kodi and I watched movies at condo. Nabitin kasi kami sa pinanuod namin.

We are sitting on our favorite couch. Binuksan niya ang kurtina at umaagaw ang city lights. Sobrang ganda talaga dito! Ayaw na ayaw ko talagang umalis dito kahit maikasal kami ni Kodi. Gusto kong dito na lang hanggang sa tumanda kami. Gusto ko makita ng mga anak namin kung bakit ito ang favorite spot namin ng daddy nila.

I yawned. I looked at the wall clock. 2:30am.

"Let's sleep..." sabi ko at siniksik ang ulo ko sa kanya.

"Hmmm... Taposin ko muna 'to." sabi niya. Tiningnan ko naman siya at nakatutok ang mga mata niya sa TV. I pouted.

"Babe..." tawag niya.

"Yes?"

"Kapag isasama ako ni daddy sa Dubai, okay lang sa'yo?" tanong niya pero ang mga mata ay na sa TV pa rin. Hiniga ko lang ang ulo sa balikat niya.

"Oo naman... Bakit hindi? Trabaho naman 'yan." sabi ko. 

"Kahit ilang buwan?" hindi ako kaagad nakasagot. Hindi ko kaya yan!

Hindi naman si Kodi nagtatanong sa akin minsan kung pwede siya pumunta dito o saan man yan. Pinapaalam niya yes pero yung tatanongin ako na kung okay lang sa akin? Hindi niya yan ginagawa. We respect each other's decisions and job. 

"Sabi kasi ni daddy mas madali ang trabaho kapag sumama ako doon sa kanya. Kasi kapag dito ako mas maraming gagawin." he caressed my hair. Hindi pa rin ako sumagot.

"But if you don't want, I can stay. Wala namang problema iyon." nawala ang antok ko. Umayos naman ako sa pag-upo at tumingin rin sa TV.

"We know from the very start Kodi... We can't stop each other if it's one of the priorities, right? Ilang buwan ba?" tanong ko.

"Wag na... Dito na ako." he said and smiled. Lumambot ang puso ko pero siyempre nakaka-guilty pa rin naman. Hindi naman kasi pwede na dahil ayaw ko ay hindi siya pupunta. Para iyon sa kompanya nila. Kailangan niyang pumunta.

"Kodi..." tawag ko.

"Let's sleep. My baby is so sleepy." he said and stood up. Tiningnan ko lang siya, tumili naman ako ng binuhat niya ako.

"Kodi, put me down!" sabi ko. He chuckled.

"Hindi ko talaga maintindihan, Charis... Bakit ang adik adik ko pagdating sa'yo..." I smiled and felt the butterflies in my stomach.

My goodness. I can't let this man go! I want to keep him until my last breath.

Monday to Friday night were the nights I am missing Kodi so much. Yung kaka monday pa lang ay gusto mo na maging Saturday ulit. Yung parang college students na gustong gusto na weekend na. Iyon ang nararamdaman ko palagi.

Wednesday night when Mary visited me on the condo. May mga dala ito para makapag luto kaming dalawa.

"Kinukulit ka pa rin ba ng katrabaho mo?" natatawang tanong ko habang hinahanda ang mga plato sa mesa.

"Wag natin sirain ang gabi, Cha. Please lang." tumawa naman ako.

"Hindi mo ba nami-miss magka boyfriend? I mean, girl, ilang taon ka ng single." sabi ko. 

"Siyempre na mi-miss ko noh. Pero ayaw ko lang mag commit ulit sa isang relasyon dahil nami-miss ko ito..." sabi niya. "At ayaw kong mag boyfriend dahil lonely ako." she added and gestured quote and unquote while saying lonely.

"May point ka naman... Pero nagiging bato ka na kasi." sabi ko. She just shrugged.

"Ganyan talaga kapag sobrang nasaktan noon Charis... Magiging bato ka talaga." sabi niya. Bigla ko namang naisip kung paano mag break kami ni Kodi? Magiging bato rin ba ako sa huli? Ayaw ko ng ganoon. Sobrang mahal ko si Kodi at alam ko na lalambot at lalambot talaga ako sa kanya. We promised so many things at marami na kaming natupad. 

"Ganyan na ba ka stable ang relasyon niyo ni Kodi at walang problema? Ba't problema ng relasyon ko iniintindi mo?" natatawang sabi niya. Tumawa na rin ako.

Ilang beses kong narinig sa mga kaibigan ko na nakakainggit raw ang relasyon namin ni Kodi. Hindi naman sa pinagmamayabang ko ang relasyon naming dalawa- pero kasi kapag matured kayo pareho mag isip maganda talaga ang takbo nito. Kaya maraming taong nag bo-boyfriend/girlfriend sa edad na mga 23 and above kasi andiyan ang mga matured na relationship. But Kodi and I started when we were 20.

Sa gitna ng kainan at kwentohan namin ni Mary ay tumawag si Kodi. Sinagot ko naman iyon.

"Pauwi ka na?" tanong ko.

"Yes. You're enjoying now there?" tiningnan ko naman ang labas ng bintana. Nami-miss ko na talaga siya!

"Oo naman... Tagal ng weekend." malungkot kong sabi. He tsked on the other line kaya natawa ako. Ayaw na ayaw niya kasi na iniisip ko ang oras pero kasi minsan hindi talaga maiiwasan iyan.

When I say matured relationship- diyan pumapasok ang pagiging understanding niyo dapat sa isa't isa. Hindi pwedeng spoiler kayo pareho at possessive talaga. Minsan kasi unhealthy ang mga ganyang relasyon kaya hindi tumatagal.

"Call you later when I arrive. I love you, Cha."

"I love you too, Kodi."

Masasabi ko talagang healthy ang relasyon ko kay Kodi. Sa 4 years naming magkasama, hindi kami nag break ni cool off ay hindi nangyari. Kapag nag-aaway kami kailangan may isa sa amin na ibaba ang pride. Masarap sa pakiramdam na araw araw hindi mabigat ang pakiramdam. Our relationship is our safe haven, hindi pwedeng isa rin ito sa nagbibigay problema sa amin. We fix problem together, we don't want causing problem to each other.

Halos takbohin ko ang building kung saan ako nagtatrabaho ng nakita ko si Kodi sa labas nito! Saturday night! The best night of my life!

"Slowly...." he said and chuckled. Hindi ako umalis sa pagyakap sa kanya. Sobrang na miss ko talaga siya. Hinalikan niya naman ako sa noo. I smiled at him and he did too.

"You missed me so much." he said.

I nodded. "And you missed me too... So much..." he made a face kaya natawa ako.

"In denial ka talaga. Halata namang miss na miss mo ako eh." pangungulit ko.

"Kausap kita araw araw. Parang andiyan ka na rin. Paano kita mami-miss?" tumigil naman ako sa paglakad at hinarap siya. Binuksan niya naman ang pinto ng sasakyan niya pero hindi pa ako pumasok.

"Ansabi mo?" tanong ko.

"Di kita na miss." ulit pa nito.

Lumapit naman ako sa kanya. Yung isang galaw na lang mahahalikan ko na siya. Nilapit niya naman ang mukha niya para halikan ako pero mabilis akong umiwas.

"Sabi mo hindi mo ako na miss? Ba't hahalik ka?" natatawang sabi ko at pumasok sa sasakyan niya. Hindi niya sinara ito pero lumapit siya sa gilid ko.

"You..." sabi niya. Binelatan ko naman siya.

"I forgot... My girlfriend is intelligent and wise. Tsk." I giggled and pulled him kaya pumasok ang ulo't katawan niya sa sasakyan. I kissed him.

Damn, Kodi Farrell. Mahal na mahal na mahal na mahal talaga kita.

'Til InfinityWhere stories live. Discover now