Kabanata 17

198 9 1
                                    

Kodi

"Ano nginingiti mo diyan?" tanong ni Fritz sa akin.

"Wala..." nakangiti kong sagot sa kanya.

His forehead creased. "Weirdo." tinawanan ko lang siya.

Palibhasa hindi pa nakikita ang babaeng mamahalin. Palibhasa hindi pa nakaramdam ng sobrang bilis ng tibok ng puso. Palibhasa tinatago ang nararamdaman. Tss.

"Napapansin ko lang... Ba't mo ba palagi sinusundan ng tingin ang babaeng 'yan?" tanong ni Krish sa akin isang araw ng na sa cafeteria kami.

"Sino?" baling ko pero binalik ko rin ang titig ko kay Charis na lumalakad at naghahanap ng mauupuan sa cafeteria kasama ang kaibigan niya.

Mahaba ang buhok niya, maputi, maganda ang hubog ng katawan, matangos ang ilong, natural na pinkish ang labi at pisngi niya, matangkad, at may ibubuga.

"Iyan.. Ang waitress sa isang coffee shop." sabi nito.

She is so beautiful. 

"Ano bang pake mo?" tanong ko sa pinsan ko.

Naghiyawan naman sila.

"The studious Kodi Farrell is now sighting a girl? Wow. Unbelievable." sabi ni Cove.

"Shut up, womanizer."

"Aray! Ang sakit mo magsalita ah!" angal niya.

"Bakit? Hindi ba totoo?" tanong ko.

Ngumiwi lang siya. Binalik ko namang ang tingin ko sa lugar kung nasaan kanina si Charis pero hindi ko na 'to makita. Hinanap ko naman ito pero wala.

Malakas na batok naman ang nakuha ng mga pinsan ko sa akin.

"Now I can't find her!" naiinis kong sabi.

"They went out." sabi ni Zephyr sabay turo ng pinto ng caf.

Ganitong oras ko lang kasi siya nakikita sa cafeteria. Hindi ko naman siya nakikita oras oras sa University.

"Tara, samahan mo ulit ako sa coffee shop." aya ko kay Fritz. Halos MWF ay pumupunta ako ng coffee shop kung saan siya nagta-trabaho. I want to be friends with her. Siyempre, iyan lang muna. Step by step. Hinding hindi basta binibigla ang mga babae. Dahil ang mga babae ay nag co-conclude na hindi seryoso ang isang lalaki kapag basta basta ang mga galawan nito.

"Kapag ako ma palpitate sa kaka kape araw araw kasalan mo talaga, Kodi." hindi ko na lang sinagot si Fritz.

Pumunta nga kami doon at nandoon si Charis. Siya ang kumuha sa order namin.

"Dapat may suki card ka na dito." sabi ni Braeden ng isang araw ay pumanta ulit kami sa coffee shop.

"Bakit? Sa bawat motel ba na dinadala mo mga babae mo ay may suki card ka na?" tanong ko dito. 

"Gago!" tinawanan naman namin siya.

Braeden and my sister- Karissa are really enemies. I know it's because of Brennan- his twin brother and Karissa's crush. Hindi kasi si Braeden ang tipo ng lalaki na sobrang seryoso. Sa aming magkakaibigan marami sila ang suplado, isa na riyan ang kapatid kong si Zephyr. Kaya click na click silang dalawa ni Braeden. They love breaking the rules, that's why my father will really not give the company to Zephyr when the time comes. Wala namang pakialam si Zephyr doon. He wants to stand on his own feet.

Charis and I became close. Kapag nadadaanan ko siya at ngumingiti ako sa kanya. Minsan naman ay chinachat ko na siya. Kaya ng naging close kami ay hindi ko na sinasama mga kaibigan at pinsan ko pumunta sa coffee shop. Sisirain lang nila ang diskarte ko. Hanggang sa umabot na niligawan ko na siya.

'Til InfinityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon