Kabanata 14

185 6 0
                                    

Friday when Zephyr texted me Tito Jack wants to talk to me. Hindi ko maintindihan kung ano ang pag-uusapan namin ng daddy ni Kodi. Tapos sabi pa ni Zep ay wag ko daw sabihin kay Kodi na pinatawag ako ng daddy niya.

Me:

Bakit hindi dapat malaman ni Kodi?

Zephyr:

I don't know, Cha. Yan sabi ni Daddy eh. I am just following orders. Siguro tungkol sa kasal niyo o sa alis niya sa Dubai.

Hindi na lang ako nag reply. Nag-ayos naman ako. Tiningnan lang naman ako ni Kodi habang nag-aayos. Parang gusto niyang mag tanong kung saan ang lakad ko pero hindi niya ginagawa. Kahapon ng umuwi siya ay wala na ito sa mood. Si Karissa lang nagsabi sakin na nagkasagutan daw sila ng daddy niya tungkol sa Dubai. Nakita ko rin ang plane ticket niya sa kwarto kagabi.

"May pupuntahan lang ako. Uuwi ako before dinner." kusa ko na lang sinabi dahil hindi maalis ang titig niya sa akin.

"Hahatid kita?" alok niya.

"Wag na. Mag ayos ka na lang ng mga gamit na dadalhin mo sa Sunday." cold kong sabi.

Kinuha ko naman ang sandals ko at sinuot ito. Kodi is still watching me.

"Hindi na nga ako aalis." sabi niya. Hindi na ako sumagot.

Hinatid niya ako pababa ng condo kahit sabi ko wag na. He kissed me on my lips bago ako pinapasok sa taxi. He closed the door for me too. I bit my lip. God! I miss him so much! Kahit andiyan siya palagi sa tabi ko ay namimiss ko siya. Every night kapag natutulog, kahit nakatalaikod ako sa kanya ay nakayakap siya sa akin. Siguro sa ilang araw rin ang nagdaan unti unti ring nawawala ang bigat sa puso ko.

Pagkadating ko sa bahay ng mga Farrell ay binati ako ng mga maids nila. Their house is so quiet especially ngayon na wala na si Karissa dito. May malaking bahay na sila ni Braeden.

"Dad's at his library." sabi ni Zephyr. Sinabayan niya naman ako paakyat sa library nila.

"Kamusta si Kuya doon? Hindi daw uuwi dito kapag hindi kayo okay eh. Hindi rin pumapasok sa trabaho." sabi niya.

"Nandoon lang siya sa condo."

"Ikaw? Okay na?" tanong ni Zephyr. I shook my head.

"I really don't get my brother... He wants to get the company... And now that you're fucking mad at him, he wants to let go of the company because he said it's hindrance for your relationship." sabay halakhak ni Zephyr. Napatingin naman ako sa kanya. Tumaas ang dalawang kilay nitong nakatingin sa akin.

"What?" he asked.

"Are you serious?" tanong ko. Ngumuso naman siya at napatango.

What the hell are you doing, Kodi? Ugh!

Binati ko naman ang daddy ni Kodi ng nakapasok ako.

"Get out, Zephyr." sabi nito kay Zep na nakaupo sa couch doon.

"What? Why? Can't I hear what will you say to my future sister-in-law? You know baka may kailangan akong sabihin kay Kuya Kodi." sabi nito.

"Get. Out." their father is really scary.

Wala na rin namang nagawa si Zephyr kung hindi ay lumabas na lang rin.

"Didiretsohin na kita, Charis. I don't like what's happening to your relationship now. Kodi's a mess right now." sabi nito.

Aminado naman ako doon. Alam kong naapektuhan kami pareho.

"Ba't kailangan umabot sa ganito? Alam mo ba ang binitawan ni Kodi?" tanong niya. Napatingin naman ako sa kanya.

"Cha, I am not against with your relationship with my son. Pero ang sa akin lang... Your problem shouldn't matter to his work. Hindi naman kayo ganyan noon? Ba't kailangan bitawan ni Kodi ang kompanya ngayon para sa'yo?" para akong na sa isang pelikula ngayon. Iyong parang pagbabantaan ng daddy ng bidang lalaki na layuan ito. I want to laugh for my own thoughts. Antagal na namin ni Kodi at ilang beses ko ng nakasama ang daddy niya. Hindi naman kami pinalayo sa isa't isa.

"Convince Kodi to go to Dubai." may awtoridad ang boses na sabi ni Tito Jack sa akin.

"I can't push Kodi if he don't want to, Tito. Wala akong laban sa desisyon ni Kodi." sabi ko. I flinched when he slammed his desk.

What?

"He turned down the Dubai offer! Ditched many meetings! Rejected businessmen' offers! Billions! We lost billions! Kodi lost billions! And you are no good to him!" hindi ko alam kung ano ang dapat kong isagot.

Kodi lost billions? Is he serious? Kodi is a good businessman! Hindi siya basta basta tatalikod sa company nila! I saw his passion for their company. Alam kong gustong gusto niya ito.

"And I am giving you an offer too, Charis Blaire Francisco..." from that moment sobrang kaba na ang naramdaman ko. Yung parang alam ko kung saan na papunta ito.

May auntie worked for the Farrell at sila ang rason bakit nakapag-aral ako sa isang malaking unibersidad... kung saan ko nakilala si Kodi.

"I will give the company to Kodi immediately...... If you stay away from him. If you cut your relationship with him." my jaw dropped.

For almost five fucking years na naging kami ni Kodi ni minsan ay hindi ako nakarinig ng ganito!

"We both know how Kodi wants the company. We both know how he loves that company. If you leave him and push him go to Dubai, babalik siya dito na nasa pangalan na niya ang kompanya." naiisip ko ang saya sa mukha ni Kodi kapag mangyari ang ka isa-isang pangarap niya. Their company.

We can't pull each other right? Hindi pwedeng hindrance kami sa isa't isa. Alam namin pareho iyon. Pinunasan ko naman ang luha na tumulo sa mga mata ko.

I am torn between following my heart and doing the right thing for Kodi. I am not selfish. Hindi acceptable ang pagiging selfish sa relasyon namin ni Kodi. From the very start alam namin pareho na dapat ay sinusuportahan namin ang isa't isa.

"W-Why? Ba't ganito?" napapaos kong tanong.

"Because Kodi will still reject more if you are here! You are a hindrance for his success!" was I a hindrance?

"Here...." napatingin ako sa nilapag niya sa mesa.

Plane ticket.

"That flight will be on Sunday night.... California... All are set there. You have an apartment and this...." ay may binigay siya ulit na envelope.

"There's a cheque inside." he added. Hindi ko na mapigilan ang luha sa mga mata ko.

Hindi ko iiwan si Kodi para sa pera na to. I am not that. Hinding hindi mabibili ang pagmamahal ko sa kanya. But his dream is at stake.

"You're being evil." hindi ko alam kung saan ako nakuha ang lakas ko para pagsalitaan ng ganoon ang daddy niya.

"Five hundred thousand and I will add another one kapag nakarating ka na sa California. Mabubuhay ka naman siguro for 2 years ng isang milyon, diba?" napatayo ako sa sinabi niya.

"Hindi ko tatanggapin----"

"Oh... So makakaya mong tingnan si Kodi sa mga mata na ikaw ang dahilan kung bakit hindi niya makuha ang pinapangarap niyang kompanya? Take it or leave it, Charis Francisco." sabi nito at inayos ang coat na suot niya.

"I am not being evil. I am just doing what right for my son. And you are not right for him." he said and left me there dumbfounded.

Napatingin ako sa plane ticket at cheque sa harap ko.

For Kodi's dream. This is for Kodi. I can't pull him down. He worked hard for that company too and he deserves it. 

Napahagulhol ako ng iyak doon. This is the hardest decision I ever encountered.

'Til InfinityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon