Kabanata 19

193 7 0
                                    

Halos hindi ko maintindihan kung bakit hindi ako tinatanggap sa trabaho! They said I am banned! Fuck it! Bakit naman kaya?!

"This is the 5th industrial company I went. You see my resume. And I am still not accepted?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Hi-Hindi ka nga kasi pwede..." nakayukong sabi ng HR nila.

Malakas kong hinampas ang mesa niya.

"YOU KNOW WHAT! IT'S THE COMPANY'S LOST!" hindi ko alam na ito pala ang bubungad sa akin pagdating ko ng Pilipinas.

Saan ako magta-trabaho ngayon?! At Jenni's husband's company? Yes, that was my last choice. Hindi pwedeng hindi ako magtrabaho kasi hindi naman ako obligasyon ni Mary.

"Seriously, Leo?" parang tumataas ang altapresyon ko sa nangyayari ngayon.

"Look Cha. I am sorry. I want to accept you in my company but I just can't." sabi ni Leo. Tiningnan ko naman si Jenni para sana makahingi ng tulong pero umiwas ito ng tingin.

"So ano mangyayari sakin ngayon? Magiging katulong na lang? Damn it! I didn't study for four years, worked hard, just to be a maid!" this is so damn frustrating!

Napahilot naman si Leo sa sentido niya. Pareho sila ni Jenni. Yung parang may sasabihin na pinipigilan lang.

"Okay, Cha. Listen.... If you want to get a job, apply on Kodi's company."

"What?" hindi nga ako matanggap sa ibang kompanya doon pa kaya sa kanya?! Sobrang laki nga ng atraso ko sa kanya tapos doon ako magta-trabaho?! Sobrang kapal naman ng mukha ko kapag mangyari yan.

"Look Charis, you and Kodi had past. Kahit papano ay may pinagsamahan rin naman kayo---"

"Yun na nga. May past kami. Iniwan ko siya. Sa tingin mo ganoon kadali iyon? Matatanggap niya ako?"

"Kodi moved on... Okay? Wala na iyon sa kanya."

Yeah right. Ang salitang iyan ang ayaw ko marinig talaga. Ayaw kong isipin na naka move on na si Kodi sa akin kasi ako hindi ko magawa. Kahit pagusad ng kaonti ay walang nangyari.

Tiningnan ko naman ang malaking kompanya sa harap ko. Tama si Leo, Charis. Wala ng pakialam si Kodi sa nangyari sa inyo noon. He moved on, sabi ni Leo. 

"Charis?" napatingin naman ako sa tumawag sa akin.

"Cove...." he walked towards me.

"It's been a long time." he said. I tried to smile.

"Y-Yeah... 2 years rin...." sabi ko. Tumango naman ito.

"Papasok ka? Wala si Kodi ngayon dito, may business trip siya." sabi niya. Napangiwi naman ako.

"Actually, ikalawang rason lang si Kodi kung bakit ako pumunta dito. Because the main reason is the work. I am banned in the other company and I don't know why." sabi ko. Cove was shocked.

"R-Really?" I nodded.

"Asshole, Kodi." bulong nito na narinig ko. I acted like I didn't hear it. Ayaw ko munang magtanong about Kodi. Kasi kapag mangyari iyon at may malaman ako, for sure, sobrang masasaktan na naman ako.

Hindi ko alam pero mabilis ako natanggap sa kompanya ng mga Farrell.

They are asking me if I am ready to see Kodi... Well, yes I am. I am ready to face his  rage. I am ready to endure to take him back.

Habang na sa biyahe ako papunta sa trabaho ko- first day. Ay napadaan ang sasakyan sa isang simbahan kung saan ay may kasalan na nagaganap sa loob. I bit my lower lip. Simula ng umalis ako ng Pilipinas ay ayaw ko ng makakita ng mga taong kinakasal. Noon kasi, andiyan ako sa pwesto na yan. We almost made it but shit happened.

How many nights did I dream about getting married to Kodi? Sobrang dami na. Kapag magigising ako ay naiiyak na lang ako.

"Ate Cha?" I stopped when a familiar voice called me.

"Karissa...." I called.

"You... You came back." mahinang sabi niya. I smiled and nodded at her.

Makikita ko na rin ba si Kodi ngayon? Ano kaya ang dapat kong gawin? Tell him that I am very sorry for leaving him? I don't know.

"Ma'am Charis Francisco. Pinapatawag po kayo ni Sir Kodi sa itaas." salubong ng isang secretary sa akin. Tumango naman ako sa kanya.

"Sabay tayo..." aya ni Karissa.

Hindi ko alam kung may tampo o galit siya sa akin. I left her brother, and I know how Karissa loves her brother. Ayaw niyang may sasaktan sa mga kapatid niya. Kahit noon ay ayaw na ayaw niyang maghiwalay kami ni Kodi. Para sa kanya noon ay relationship goals kami ni Kodi but now Kodi and I are nothing. Wala na. Tapos na.

"Kamusta, Ate?" tanong niya habang naghihintay kami sa elevator.

"Okay lang... Kakarating ko lang next week... Ikaw? Kayo ni Braeden?" tanong ko.

She smiled. "We're a happy family now... Blessed to have a twins and a little princess." sabi niya. I smiled. I am happy for her. Very very happy for her.

"Nakakatawa ngang isipin... Halos noon ay kami yung walang boyfriend at girlfriend, and Kuya Kodi has a stable one. Ngayon, halos lahat sa amin ay kasal na... Tapos siya..." umiwas naman ako ng tingin sa kanya.

Kung hindi ako umalis, siguro may anak na rin kami ni Kodi. Masayang pamilya na rin kami. Charis Farrell na rin ako. But I don't regret my decision. I did it for Kodi. He is worth it.

My body stiffened when I saw him. After 2 years. I saw him again.

His expression is so cold. Walang bakas na tuwa sa mukha niya. Halos nanghina ako ng magkaharap kaming dalawa. Hindi ko ma explain kung ano ang nararamdaman ko.

"Kuya..." sabi ni Karissa at humalik sa pisngi ng Kuya niya.

"Andito ka? Saan si Braeden? Ang mga anak niyo?" tanong ni Kodi dito.

I am still standing in front of him. He is standing on his place too. Napako ang titig ko sa nakapatong sa mesa niya.

Kodi Ashur Farrell

Chief Executive Officer

Kung may nagbago kay Kodi, mas naging well-built ang katawan niya. Ano kaya sa pakiramdam kapag yakap yakap niyan ako ngayon? Fuck Charis. Don't cry in front of him. Mas lalo ka lang masasaktan kapag malaman mong walang pakialam yan sa'yo. 

He is ten times handsome and hotter now.

"Braeden, of course work. And the twins have their class, and Brianna is in the house." tumango naman si Kodi sa kapatid niya. Iniwas ko naman ang titig ko ng tumingin si Kodi sa akin.

Hindi ko magawang tingnan siya. Hindi ko kayang tingnan siya. Parang ang layo layo na niya sa akin ngayon.

"I need to interview my new employee, Kar. May kailangan ka ba ngayon?" 

"Wala naman. May kinuha lang ako kanina sa Marketing Department. Aalis na ako, magagalit si Braeden nito dahil umalis lang ako at hindi nagpaalam." sabi ni Karissa at humalik sa pisngi ng Kuya niya ulit.

And Kodi's response made my tears fell. In front of him. I cried. At ang masakit pa doon ay hindi na siya ang Kodi na pupunas ng luha ko kapag umiiyak. 

"Of course Karissa, magagalit talaga iyon. Sino kayang tao ang hindi magagalit kapag iniwan ng walang paalam?" that was Kodi's response.

I wiped my tears and he saw it. Karissa saw it too. 

"E-Excuse me... B-Babalik lang ako." paalam ko at dali daling lumabas doon.

Sobrang nasasaktan ang puso ko. Sobrang nanghihina ang katawan ko. I closed my eyes and breathe deeper.

"You deserve this, Cha." bulong ko sa sarili ko.

Natagalan pa ako dahil walang tigil ang iyak ko! Nakakainis! Bakit ganito nangyari? Bakit kahit nasasaktan ako ngayon ng bonggang bongga ay may parte pa rin sa puso ko na kailangan ayusin ang sa amin ni Kodi?

Masochist? Well, be it.



'Til InfinityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon