chapter 5: it's my responsibility

ابدأ من البداية
                                    

Sobrang dikit ng katawan nila na halos maghalikan na din sila dahil sa pagkakakalapit ng mukha nila nakasabit ang kamay ng babae sa leeg ng lalake

Kahit na madilim maliwanag pa rin para sa akin ang mukha ng lalake

Nakaramdam ako ng kaba

Lumalakas ang kabog sa aking dibdib

At bumibilis ang tibok ng aking puso

Matagal na panahon na ang lumipas pero hindi pa rin nagbabago ang nararamdaman ng aking puso sa tuwing nakikita ko sya

Katulad pa rin ng dati ang nararamdaman kong sakit sa tuwing nakikita ko syang may kasamang ibang babae

Di ko namalayan na may tumulo ng luha sa aking mata kaya nung napatingin sya sa direksyon kung nasaan ako ay agad akong napatakbo may nabangga akong lalake at natapon na sa damit nya ang juice na hawak nya

“sorry” nakayuko kong sabi sa lalaking nabangga ko

“anong sorry tignan mo nga yung ginawa mo! Natapon sa damit ko yung juice tapos sasabihin mo sakin sorry?! Hindi mo ba nakikita na maraming tao dito tapos tatakbo takbo ka sa nagsisiksikang tao?!” galit na sabi nito sa akin

“sorry po hindi ko talaga sinasadya” hindi ko pa din sya tinignan dahil patuloy pa din sa pagtulo ang mga luha ko

“ah ganun hindi mo sinasadya eh kung sampalin kaya kita ngayon tapos sabihin kong di ko sinasadya anong gagawin mo?!! Tumingin ka nga sakin nakakabastos kana ah! You’re really pissing me off di ka man lang humarap sakin bakit nahihiya kaba?! Nahihiya ka siguro dahil panget ka no?! Haha panget ka na nga lampa ka pa!” itinulak nya ako ng medyo malakas dahilan para tumalsik ako hinihintay ko na matamaan akong tao pero dalawang kamay na humawak sa braso ko at inalalayan ako ang naramamdaman ko

“anong karapatan mo para itulak ang kapatid ko?! Kalalaki mong tao pumapatil ka sa babae dahil lang natapunan ka ng juice sa damit?! Tsk. Magkano ba yang damit mo huh babayaran ko ng Triple!” narinig kong sigaw ng isang pamilyar na boses

medyo humina ang tugtog kaya alam kong dinig na din ng ibang tao ang sigaw ni Zander

di parin ako tumunghay sa kanila pero alam kong si Zander ang lalaking nakahawak sa braso ko ang sumusoporta sa akin

“ang yabang mo din eh no! Babayaran mo ang damit ko? HUH! Sa palagay mo ba kaya mong tapatan ang presyo ng damit ko?” naghahamon na sabi ng lalakeng nabangga ko

“tsk. Kahit ang buhay mo kaya kong bilhin” mayabang na sagot ni Zander

“ang kapal din ng mukha mo ano bang pinagmamalaki mo huh?! Sino kaba?!!!”  sigaw ng lalake

Alam kong madami ng nanunuod sa amin dahil marami na akong naririnig na bulungan sa paligid

“sino ako? Di mo ko kilala? Kung ganun sige magpapakilala ako sayo ako lang naman si ZANDER LANE AYALA anak ni Rafael Zardo Ayala ang pinaka mayaman na negosyante na nagmamayari ng halos LAHAT ng malalaking kompanya sa buong pilipinas”

O_O

 Nagulat ako sa sinabi ni Zander

Buong pilipinas? Ganun ba talaga kayaman ang ama namin??

“at ang babaeng to na nakatapon ng juice sa damit mo na sinigawan at Tinulak mo ay ang nagiisang anak nyang anak na Babae si ZANIEL JUSTINE AYALA!”

sa pagkakataong ito ay napatunghay na ako kay Zander nakita kong galit nagalit ang kanyang mga mata na nakatingin sa dun sa lalake

lalong dumami ang mga bulungan ng mga tao ng ipakilala ako ni Zander sa kanilang lahat

napatingin ako sa lalakeng nabangga ko na kanina ay galit galit sa akin at napakatigas ngayo naman ay para na syang tinakasan ng dugo sa mukha dahil sa pagkaputla

“g-ga-ganun ba?? A-anak kayo ni M-Mr, Ayala? P-pasensya na s-so-sorry sa pag-t-tulak sa-y-yo miss ayala s-sorry..”

“ngayon alam mo na kung sino kami sa susunod alamin mo muna kung sino ang kinakalaban mo RUPERT DELA CRUZ kung ayaw mong pabagsakin ng kumpanya namin ang kumpanya nyo”

Pananakot ni Zander tumango naman ito ang muling nagsorry bago tuluyang umalis

Hawak pa din ako ni Zander haggang sa makarating kami sa isang stool ng bar

“ikaw ano bang problema mo bakit ka ba kasi tumatakbo ka hello alam mo namang nasa loob ka ng bar tapos tatakbo ka ? nakayuko kapa ano bang nagyare sayo?” hinawakan ni Zander ang baba ko at itinaas upang Mapaharap sa kanya

Nagulat sya nang Makita nyang may tumutulong luha sa mga mata ko

“bakit umiiyak ka? Nasaktan ka bas a pagtulak nya kanina? Tama na wag kana umiyak!” ntatrantang saad ni Zander dali dali nya ding pinunasan ang mga luha sa mata ko ng panyo nya

Hindi ako nagsasalita at nakatingin lang sa kanya

Hindi ako nasaktan sa pagtulak nung lalake sakin nasasaktan ako dahil sa nakita ko kanina

Hindi pa din mawala sa isip ko kung gaano sila kalapit sa isa’t isa 

“please stop crying” nakikita ko ang pagaalala sa kanyang mga mata

Hindi ko inaasahang sya ang darating para tulungan ako kanina at sya ang makakakita sa aking umiiyak

Compare dun sa dalawa si Zander ang hindi ko kaclose hindi ko alam kung bakit pero parang my thin wall sa pagitan naming dalawa

“thank you” yan lang nasabi ko habang patuloy pa din ang pagluha ko

“you don’t have to thank me I’m your brother and It is my responsibility to protect you”  diretso ang tingin nya sa mga mata ko nung sinabi nya yan “ano ba kasing nangyari bakit umiiyak ka?”

Ayokong sabihin sa kanya dahil hindi ko pa kaya hindi ko pa tanggap sa sarili ko ang katotohanan

“kung ayaw mong sabihin hindi kita pipilitin pero please naman wag ka ng umiyak siguradong magagalit si Zach at Zaikel kapag nakita ka nilang ganyan akalain pa nila ako nagpaiyak sayo”

“sorry” mahina kong sabi

“ano ka ba? Kanina thank you ngayon naman sorry pwede ba tama na yan wag kana umiyak naiinis ako gusto kong sapakin kung sino man yang dahilan ng pag iyak mo” sabi nya

Bakas sa mukha nya ang pagkainis nakakuoym na din ang mga kamao nya

Natutuwa ako sa nakikita ko sa kanya ngayon

Pakiramdam ko mayroon talaga akog kuya na ipagtatanggol ako kahit kanino

Hindi man kami ganun kaclose pero ramdam ko ang pagaalala nya sa akin

Thank you Zander, thank you KUYA ...

A/N : ang sweet ni Zander no? Parang gusto ko din tuloy magkaroon ng Half brother haha choS! Pero gusto ko talaga magkaroon ng kuya sino pwede amponin??

Sana po magustuhan nyo..

Sino kaya yung nakita ni Justine kaya umiyak sya?

Hmm..

Well ABANGAN :)

Kenjinah ^_^

finding Mi AMORحيث تعيش القصص. اكتشف الآن