"Okay. Aaminin ko na hindi ko talaga gusto ang half-brother ko."
"But the two of you are more that that before knowing the truth."
"'Wag na nating balikan ang nakaraan, Dad. Past is past, okay."
"Okay let's not talk about the past. Now, can you tell me the reason why you came back there?"
"You already know the reason," tipid niyang sagot.
Hindi man niya sinasabi sa mga ito ang dahilan alam ni Jake na alam na ng mga ito ang rason. Kung gusto ng Daddy niya ang klaripikasyon ukol doon ay hindi niya ibibigay. Bahala na ang mga ito na isipin ang dahilan. Katulad nga ng sabi niya alam naman na nito ang dahilan.
"It was Hyde." May katiyakan na sabi nito.
Hindi siya sumagot.
"Alam ko na mula pa sa umpisa ang dahilan ng pagbalik mo dyan, Jake. Alam mo na hindi ako nakikialam sa kung anong bagay na ginagawa mo pero sa ginawa mong ito ay makikialam ako. Alam mo na si Hyde ang dahilan kung bakit kayo nagkaroon ng sex video. Siya ang dahilan kung bakit naging usap-usapan kayo sa lugar natin."
"It's not his fault, Dad." Mariin niyang tanggi. "Don't forget that both of us were victims. Wala kaming kinalaman ni Hyde na habang ginagawa namin ang ganoon ay may nakatutok pala sa amin na camera at vinideo kami."
"Pero siya pa rin ang puno't dulo ng lahat." Giit nito.
"And if that was the case then I don't care. Tumagal ng ilang taon bago kami nagkita at hindi ko na palalampasin ang pagkakataon na muli siyang makasama at maipadama ko sa kanya ang pagmamahal ko. I suffered enough already. And you know that I will do everything just for him. Kung anuman ang mangyari ngayon, hinding-hindi ko siya iiwanan at papabayaan, Dad."
Bumuntung-hininga ito. "You are stubborn."
"Alam ko."
"Kung wala tayong pera at koneksyon baka hanggang ngayon ay nagkalat pa rin ang sex video niyong dalawa. Kung hindi ko iyon nagawan ng paraan ay baka nakalugmok pa rin kayo."
"At nagpapasalamat ako sa inyo dahil doon."
Totoong thankful si Jake sa mga magulang niya sa paggawa ng paraan ng mga ito para huwag nang kumalat pa ang sex video nilang dalawa ni Hyde. Ang totoo habang ginagawa ng mga ito iyon ay nakaratay pa rin siya sa ospital at walang malay. He just found out about the sex video after a week. Sinabi ng mga ito iyon sa kanya ng medyo maka-recover siya. Aaminin din ni Jake na hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa kanya kung paano sila nagkaroon ng sex video ngunit alam niya kung sino ang nasa likuran niyon. Vix and Chloe. Ang dalawang tao na hanggang ngayon ay hindi niya alam kung saan ng lupalop ng bansa o kung sa ibang bansa ba. Of course Jake also knew that everything happened was planned. Sinabi niya iyon sa mga magulang at agad na gumawa ng mga aksyon ang mga ito pero malabo ang naging paghahanap nila. Wala na rin ang pamilya ni Vix at si Chloe na itinakwil ng pamilya ay hindi alam ng mga ito kung saan na nagtungo.
Also after learning the truth about the sex video he was worried to Hyde. Alalang-alala siya rito kung paano ba nito hinarap ang pagsubok sa pagkalat ng sex video nila at kung sino ba ang katuwang at tumulong dito para malampasan iyon.
Right at this moment, ayaw na niyang balikan pa ang madilim na bahagi ng kanilang pagkataon at mag-focus na lamang sa ngayon at posibleng mangyari sa hinaharap na silang dalawa ang magkasama.
"Ramdam ko naman kung gaano ka ka-thankful sa nagawa namin sa 'yo," anang Daddy niya. "But please, Jake, mag-ingat ka dyan. You know that I'm not mad to Hyde. Sa maiksing pag-uusap namin noon alam ko na mabuting bata siya. I also know that both of you were victims of that video."
"Thanks, Dad." He said smiling. "Send my love and regards to Mom. Tell her that I love her. I love the both of you."
"Take care."
"Yeah I will."
Nang matapos ang tawag ay agad na ibinulsa ni Jake ang cellphone niya. Muli siyang naglakad-lakad. Napahinto siya ng makita ang kasalubong niya. Napahinto rin ito. Makikita ang galit sa mukha nito habang nakatingin sa kanya. Nagtama ang kanilang paningin. Sinalubong niya ang galit nitong tingin. Nagtagisan sila ng tingin at siya ang unang nagbawi. Naglakad ito papunta sa kanya at huminto sa gilid niya.
"'Wag kang masyadong kampante, Jake. Anytime I can get Hyde back," anito sa nagbabantang tinig. "Ingatan mo siya."
Naikuyom niya ng mariin ang kamao niya. Agad na umakyat ang galit sa kanya ngunit nagpigil siya na masuntok ito. Devin was different. Alam niya na ang galit na nadarama nito ay pwedeng magdulot ng gulo.
"Handa ako, Devin. Hinding-hindi mapapasayo si Hyde. Akin lang siya."
"Then let see." Sabi nito saka siya nilampasan.
YOU ARE READING
String from the Heart Book Two
RomanceLimang taon na ang nakakalipas ngunit nanatili sa nakaraan ang puso't isip ni Hyde. His mind was still from the unclosured past from the two men in his life. Ang puso niya ay puno pa rin ng pagkakonsensya sa nagawa niya kay Devin at sa sitwasyon ni...
Chapter Eleven
Start from the beginning
