Damang-dama niya ang galit nito kahit na tingin lamang ang binibigay sa kanya. Nang pisilin nito ang palad niya kanina parang sinasabi nito na hindi pa rin nito nakakalimutan ang mga nangyari mula sa nakaraan.
Hindi niya alam kung paano ba niya ibabangon ang sarili kapag si Devin ang sangkot sa pag-uusap. Tila lahat ng bagay ay napakabigat kapag ito na ang involve pero hindi naman niya magawang masisi ito. Tama lang naman na sumbatan siya nito at ipakita nito kung gaano ito kagalit sa mga ginawa niya noon pero...
Napahikbi siya.
Lahat ng bagay mula nang makita niya ulit ang dalawa ay nagbigay sa kanya ng sari-saring emosyon. He was full of hope and happiness. It was never ending with Jake. Mga positibong bagay na masyadong salungat kay Devin. Nasasaktan siya, oo, pero ang kagustuhan niya na makahingi ng tawad kay Devin na alam niyang mahirap gawin ay mas lalong sumidhi. Iiyak siya ngayon ngunit sa mga susunod na araw ay hindi na. He will do everything for Devin's forgiveness but not in this moment.
Si Jake ang importante sa ngayon. Hindi niya pipigilan ang sarili para makasama si Jake muli at maipadama rito ang nararamdaman niya. Sobrang kaligayahan ang nadarama niya kapag si Jake ang kasama niya. He will never deprived his self from being happy again. He will never let this moment just run by and pass again.
Pinunasan niya ang luha sa kanyang pisngi saka ngumiti. Saying to his self that he is okay. Nagpasya siya na maglakad-lakad at hanapin muli si Jake. His Jake. His haven.
WALANG BALAK si Jake na bumalik sa kanyang cottage room ng maghiwalay sila ni Hyde pagkatapos nilang mag-almusal sa restaurant. Naglakad-lakad siya at pinuno ang mata ng mga tanawin na naaabot ng kanyang paningin. Kung wala sanang gagawin si Hyde mas gusto niya na magsama pa sila at i-enjoy ang araw na magkasama pero hindi naman pwede iyon.
Napabuntung-hininga na lang siya. At least being away with him he has the assurance that they will spend time with each other after doing seperate things. Namulsa siya habang naglalakad-lakad. Ang suot niyang polo na hindi nakabutones ay sumasabay sa pag-ihip ng hangin. Hindi siya makadama ng lamig kahit na manipis na kulay pulang sando ang panloob niya.
Naramdaman niya ang pag-vibrate ng cellphone na nasa bulsa niya. Kinuha niya iyon at tiningnan ang caller. Ang daddy niya iyon. Ayaw niya sanang sagutin iyon ngunit ilang araw na rin mula na ginugulo siya nito at parating tumatawag. Sinagot na niya iyon.
"Yes, Dad?"
"Nasaan ka ngayon?" Bungad nitong tanong. "Why are you not answering my calls, Jake?"
"I was busy," patamad niyang sagot.
"Busy? Ano naman ang pinagkakaabalahan mo? Me and your mother was worried to you. Akala namin kung napaano ka na."
"I already talking to you, Dad. I'm a grown-up man to be worried about. 'Wag kayo masyadong mag-alala na baka mag-bulakbol ako dahil hindi ko 'yon gagawin."
"You should not to because as you said you are already a grown-up man," anito. "But you can't stop us from being worried, Jake."
"I know right. Kaya naman inabala niyo pa si Devin para hanapin ako dahil sa pag-aalala niyo."
Saglit itong natahimik sa kabilang linya. "Hindi ko maiwasan iyon. Siya lang naman ang kapamilya natin na nandyan sa Pilipinas."
"Alam ko pero sana hindi niyo na inabala ang lalaking iyon." Sagot niya. Pinipigilan niya ang sarili na iparinig dito ang matindi niyang disgusto sa aksyon nito.
"Kailan ba kayo magkakasundo na dalawa?" Tanong nito.
"Magkasundo naman kami."
"Ako pa ba ang lolokohin mo, Jake? Hindi ako naging ama mo para sa wala. The two of you are civil with each other but tension was always around."
VOCÊ ESTÁ LENDO
String from the Heart Book Two
RomanceLimang taon na ang nakakalipas ngunit nanatili sa nakaraan ang puso't isip ni Hyde. His mind was still from the unclosured past from the two men in his life. Ang puso niya ay puno pa rin ng pagkakonsensya sa nagawa niya kay Devin at sa sitwasyon ni...
Chapter Eleven
Começar do início
