"Yeah ako nga, buti nalang no at naka pasa tayo dito, grabe di parin ako maka paniwala." sabi ko sabay abot din ng kamay nya, nginitian ko lang sya, pero sya titig na titig, Ano? Masyado ba akong Dyosa sa paningin mo? Anuna?

"Anton yung kamay ko." sabi ko sa kanya na parang nahihiya na nag pabebe. Hihi

"ai sorry, ganda mo kasi" nahihiya nyang sabi, sabay himas sa braso nya. Kaya tumango lang ako sa kanya. Parang mannerism nya ata yun sa isip isip ko lang.

Nagsimula na kami sa mga pinagawa sa amin, pinakilala din kami sa mga tao na napupunta sa department namin na taga ibang department din, sa sobrang busy mag lulunch na pala kaya tinext ko si Maki para sabay kami. Pero nagyaya tong si Anton na sabay din daw kami kaya tinext ko nalang si Bes na sa cafeteria nalang kami mag kita.

Habang naglalakad kami ni Anton papuntang elevator, panay tingin ng mga tao na nakakasalubong namin sa likod, kaya napalingon ako at si Miss Bea pala ang nasa likuran namin na feeling ko kanina pa nakasunod, nag smile lang ako sa kanya at nag respond din sya ng napakatamis na ngiti na halos mawala na ang mata.

O.M.G! Weird feelings is back! Kaya dumiretso nalang ako sa paglalakad at binalewala nalang ang sparkling shimerring sa systema ko at nang maka pasok na kami sa elevator biglang nagsalita si Anton.

"Jho may lakad ka ba mamaya after office?" tanong nya, pero sasagot na sana ako ng biglang tumikhim ang katabi ko, si Miss Bea.

Kaya nilingon ko sya at nginitian, pero bakit nakakunot ang noo nya? Bad mood ba sya sa office nya kanina? Pero naka ngiti naman sya sa akin kanina ah.

"Ah wala naman, pero gusto ko lang sana magpahinga muna kasi syempre para hindi tayo mag mukhang haggard bukas. Hihi." sagot ko sa kanya at nag okay naman sya.

Nang nag "Ting" na ang elevator sinyales na nakarating na kami sa floor kung saan kami baba, tinignan ko si Miss Bea at ngayon ay nakangiti na, kanina kunot noo ngayon naman ngingiti mag isa. Tsk mukhang may something yata tong Boss namin ah, mahilig yata to sa Oishi Crispy Patata. Shhh atin atin lang ah. Hihi.

Una na syang lumabas ng elevator ng naka pamulsa, habit na talaga nya ang mag gaganyan pero ayos talaga ang pormahan ng Boss ko ang Cool lang. Magandang Babae pero lalaking pumorma, imagine what she looks right now, naka suot sya ng 3/4 Guess Collared Denim Blouse inserted in Levis Blacked Skinny Jeans at White Nike Air Force 1. See? From head to foot branded Bai, grabe walking commercial clothing lang ang peg. Well boss nga naman kaya afford lahat.

Nang makarating na kami sa cafeteria ng building hinanap ko agad si Maki, at ayon kumakaway na pala sya kasama sila Raffy at Therese sa table, kaya lumapit kami ni Anton sa kanila at umupo na rin, pinag order na ako ni Maki dahil alam naman nya ang mga gusto kong kainin.

"Ganda ng pormahan ni Magandang Gwapo noh?" bulong sakin ni Maki, well nasabi ko na pala sa kanya na si Miss Bea at si Ms. Hambog na kina iinisan ko last week sa coffee shop at nung nag grocery kami ay iisa. Kaya panay tukso nya sakin sa bahay nung nag kwento na ako na si Ms. Bea pa ang nag interview sa akin .

"Oo nga eh, branded lahat bes, Rich Kid. Walking clothing line yata si Boss. Hahah." sagot ko naman sa kanya at tumawa pa ng malakas ang bruha. Kaya napalingon ang mga ka officemate namin pati narin si Boss Bea na nasa VIP Lounge ng Cafeteria.

"sorry kinilig lang." sabay peace sign nya.

"anong nakakakilig don?" bulong ko sa kanya.

"rason ko nalang para makalusot to naman ang hina mo bes, mahinang klase ka ng variety ng palay, infairness lumingon si MG ha." pigil tawa nyang sabi.

"Gaga di ko kasi gets. Sinong MG? " taka kong tanong.

"stands for Magandang Gwapo." halos pa sigaw na naman nyang sabi, putek talaga tong taong to, kababaeng tao ang lakas ng boses. Kaya narinig ng mga ka table namin at nag tanong.

 Indirect Kissed - JhoBea (Completed) Where stories live. Discover now