Kaya sinimulan na ang interview at tinawag na ang 1. Hanggang sa nag transition na ito sa mga ininterview until 7. At nung ako na susunod, biglang lumabas si Ms. Ella at nagsalita.

"Ahm sa number 8 po na iinterviewhin, ah pumasok na sa loob at si Sir na ang bahala ang mag explain sayo." sabi nya sa akin.

Kaya tumayo na ako sa kinauupuan ko at pumunta na sa opisina, pero bago ako pumasok ginawa ko ang supersticious belief na turo ng lola ko, na sipain ang pinto pag may interview o haharap sa kilalang tao para hindi kabahan. Hehe. Masunurin ako kaya ginawa ko.

Pagpasok ko nakita ko ang isang mataba na lalaki na tinitignan ang resume ko. Kaya lumapit ako sa may table nya, siguro napansin nya ako kasi nag angat siya ng tingin sa akin.

"So you must be the 8th person to be interviewed today. . Ahh Jhoana Louisse Maraguinot.? Tanong nya sakin na naka smile.

"Ah yes sir." sagot ko sa kanya.

"Have a sit Jhoana" sabi nya kaya umupo na rin ako sa harap nya, ganyan kasi dapat pag may interview let the interviewer offer you to have a sit para may manners and etiquette ka.

"Ahm actually Jhoana, hindi talaga ako ang mag iinterview sa inyo today, My sister is the one should be conducting this, but unfortunately na late sya ng gising, kasi she is having a surprise visit sa mga supermarkets namin kahapon, kaya tinawagan nya ako at as her older brother pinagbigyan ko na. Besides close ko naman yung baby sis ko na yon eh." naka smile na paliwanag nya. Naisip isip ko bakit kailangan ng paliwanag, sobrang special ko naman . Hihi

"Okay lang po sir, sino po mag iinterview sakin ngayon?" tanong ko sa kanya at nag smile din.

"Ahm actually nasa lobby na daw sya, paakyat na sya, kaya antayin mo nalang sya dito. I have to go, I still have my other meetings pa eh." paalam nya at tumango nalang ako sa kanya.

Kaya nag antay ako ng ilang minutes, habang naka upo ako, nilibot ko ang paningin ko sa buong office, may mamahaling sofa at sa mga white walls may mga framed photography at paintings, sa bandang dulo may table cabinet na may mga pictures frames din, ang ganda lang talaga, isali mo pa na tanaw mo ang ibang kalapit na building. Akmang tatayo sana ako para tumingin doon sa mga frames kaso may magbukas ng pinto.

"Sorry Im very la--."tinignan ko ang nagsalita at pati ako nagulat din sa pagpasok nya.

"IKAW?!" sabay naming sabi at nagkatitigan pa. Shemay na walay malay!

Hindi ko inaasahan na magkikita kami ULIT for the 3rd time. Kaya ang ginawa ko ako na ang umiwas at umayos na ng upo dahil interview to mga Bai, kailangan ko tong trabahong to. Sana man lang spirit of Good Manners and Right Conduct at spirit of Patience magpwersa kayo at sapian nyo ako kahit ngayon lang. Puhleasse

Kaya naglakad na sya papunta sa table nya at umupo na.

"Ahm Good Morning, sorry im late."
nagsalita sya habang tininignan ang resume ko, na ngumingiti pa. Ta mo baliw talaga to.

"Good Morning din PO." diniin ko talaga ang po, gusto ko na sanang irapan to, kaso ang trabaho bai, ang trabaho anuna. . Patience Jhoana . Patience is a Virtue sa oras nato.

"So Introduce yourself to me." sabi nya na nakangiti pa kita lahat ng ngipin at with her famous wink.

Kung hindi lang talaga to para sa kabuhayan ko, kanina ko pa nahampas to eh, umandar na naman ang pagka Human electric fan, masyadong mahangin. Kaya wala akong magawa at inintroduce ko ang sarili ko.

"Im Jhoana Louisse Maraguinot, 23 years old from Lipa City, Batangas but currently living here in Manila for this future job." nakangiti kong sabi sa kanya, kaya medyo confident na din ako dahil hindi naman ito ang una naming pag uusap, at ito pa yata ang unang matinong pag uusap. I guess

"So do you have any experience?" tanong nito sakin, nacurious ako sa tanong nya, kaya kumunot ang noo ko.

"Actually maam its my first. . . Ahmm Job if ever I get hire for this." ano ba kasing experience hinahanap nya, anjan naman kasi sa resume

"I mean Like you know." sinasabi ko na nga ba, at iba talaga ang meaning ng tanong ng bwesit na to eh . Kaya sinamaan ko nalang sya ng tingin. Tumawa pa sya. Nakakagago lang .

"Joke lang Jhoana, masyado ka kasing seryoso, nahalata ko na maiinit talaga ang dugo mo sakin eh." sabi nya. Aba nagpapa konsensya pa sya. Tss.

"Hindi naman sa ganon Maam, its just that ang panget lang ng una nating pagkikita, kaya naiinis ako at hindi ko rin alam kung bakit ako nagkakaganito." paliwanag ko sakanya. Wait wait. Interview pa ba to? Oo tropang kwentuhan lang?

Tumayo naman sya at lumipat sa isang upuan na tapat lang din sa akin.

"Okay about that, Im so sorry okay? Di ko talaga sinasadya yun, di ko lang talaga napansin yung name mo that time." explain nya sa side nya.

"Okay na po yun, kalimutan nalang natin yun maam." sabi ko sa kanya na naka smile.

"Dont call me Maam, dahil nagka usap naman na tayo sa labas not in a good start nga lang, kaya I'll introduce my name to you too, Hi Im ISABEL BEATRIZ PARAS DE LEON, Bea nalang itawag mo sakin, so friends?" sabay lahad sa kamay nya para maki pag hand shake. Tinangap ko naman yun.

"interview pa po ba to?" natatawang tanong ko.

"dont worry I think I dont need na, kasi impressed na ako sa resume and credentials mo." sabi nya sa akin, nakalipat na pala sa sya sa upuan nya.

"Okay po" sabi ko

"Hey we are friends na diba? Dont call me Maam or Miss Bea if tayo lang Bea nalang." sabi nya na naka smile pa habang naka tingin sa beautiful eyes ko, ayan na naman yung weird feeling na sinasabi ko. Kaya nag Okay nalang ako sa kanya, medyo humaba yata ang usapan at Boom! Tapos na interview kuno sakin.

"Tatawagan nalang kayo ni ella, okay?" last nyang sabi bago ako lumabas ng office, kaya tinangoan ko nalang sya.

Nang makalabas na ako ng office, sinalubong ako ni ella at sinabihan

"Grabe, sa lahat ng ininterview ni Bea ikaw pa lang ang unang pinakamatagal na lumabas mula sa office nya." kwento nya pa kaya ngumiti nalang ako sa kanya.

"kasi sa mga nahahandle ko pag si Bea ang nag interview? Walang 10 minutes lumalabas na ang aplicanti, pero kaw ineng, almost 2 hours kayo sa loob." dagdag nya pa. So ganon kami katagal nag usap/interview, kaya napatingin ako sa relo at almost 12 noon na pala .

"Bakit Bea ang tawag mo sa kanya at hindi Maam?" tanong ko lang. Feeling close eh.

"Actually barkada ko sya, kaya kilala ko na yan, kaya pagmay mali yan, batukan agad para matauhan, Alam mo feeling ko gusto kang kausap nyang si Beatriz kasi antagal nyo eh." natatawa nyang sabi .

"hindi naman siguro." pabebe kong sagot, syempre na feel ko din naman na yon.

After namin lahat ay sinabihan ulit kami na tatawagan lang daw kung nakapasa kami.

Kaya hapon na nang matapos ang lahat kaya bumaba na kami at nagpaalam na sa mga nakasama namin sa interview, may nakilala nadin kami ni Maki na sila Anton, Raffy at Therese sana makapasa kami lahat .

This is a looooong but great day.
.
.
.
.
.
.
.
.








.
.
Yasss! I survived sa part na to.

Salamat readers

HAOLA!

 Indirect Kissed - JhoBea (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon