PART 1

75.6K 837 32
                                    

JHOANA  POV

Saturday afternoon at exactly 1:45pm natapos rin ako sa pag aayos ng gamit ko dito sa apartment na nakuha ko na ni recommend ng friend ko, umaga palang kasi dumating na ako dito. eh wala naman na akong gagawin kaya mas lalo akong na bored lalo nat hindi ko pa masyadong kabisado ang lugar na to at mga tao.

Naisipan ko din na magpapalamig muna ako sa Mall, sayang naman kung dito pa ako sa bahay, wala pa nga akong trabaho laki na ng bill ko sa kuryente.

Actually nyan sa Monday pa kasi ang interview ko sa company na inapplyan ko kaya sulitin ko muna ang free time ko.

Ahm kasama ko rin pala sa pag apply ang bestfriend ko na si Maki, pareho kasi kami ng course, pareho din kami ng gusto na company kaya isa lang ang masasabi ko mag Bestfriends nga kami. Hihih.

After isang oras na nagpaka ka dyosa sa harap ng salamin, natapos din ako at pumara na ng taxi papunta sa lugar kung saan ako lang ang dyosa. Chaar. Syempre sa mall. After 30 mins nakarating na ako.

Naglibotlibot lang ako hanggang sa mapagod ang mala dyosa kong legs, naisipan kong mag SB para mawala ang stress ko ng beri layt.

"Good Afternoon Miss, whats your order?"
Sabi ng kuya na may braces sabay ngiti ng bongga, taruuuuy. . .

"Ahmm One Hot Latte please, ah yung large one. Thank you" sabi ko.

"okay miss, name po?"

"Ah Jhoana"

"okay miss jhoana, antayin nyo nalang po sa waiting counter." sabi ni kuya

Bago pa ako makapagsalita may biglang sumingit. .

"Hi Ian isang Hot Latte sakin, large one please. Thank you." kaya lumingon ako sa taong sumingit at sa hindi ko inaasahan. . Paksheeet. . Magandang Gwapo na ang sarap ng pormahan. Tsss. Erase erase that.

"Got it Isabel." sabi ni kuyang may braces na Ian daw ang name. Kaya naglakad nalang ako papunta kong saan ang waiting counter.

"Hot Latte for Jhoana" tawag ni ate, kaya kinuha ko na agad yun , inamoy at ininom . . Ahhhh. Coffeeee is life. Biglang nag ring ang phone ko kaya inilapag ko muna doon ang coffee ko kung saan ko kinuha para hanapin ang phone ko na kanina pa nag riring sa loob ng bag ko. Si Maki pala ang tumawag, kaya sinagot ko na ito agad.

OTP :

"Hello?"

"J. L . A . M! ang tagal ha, kanina pa kaya ako tumatawag, masyado busy ha, itapon mo kaya yang cellphone mo?" alam ko naiinis natong kumag na to pag tinawag na ako sa Initials ng pangalan ko. Hihi

"Relax ito naman, hindi ko kasi narinig andito kasi ako sa mall, nagpalamig ako at bumili ako ng coffee. Speaking of coffee, wait la---." hindi ko na natuloy ang sasabihin ko kay Maki dahil nagulat at literal na lumaki ang mata ko sa nakita ko na biglang dinampot ang kape ko ni Chinita Girl at ininom, ano yon? INDIRECT KISS WITH A STRANGER?. akala ko ba nag order sya, bat naki inom sya sa kape ko. Oh my gaaaaas.

"Hey! Kape ko yan." sabi ko sa kanya

Nagtaka naman sya at tinignan ang pangalan sa cup ng coffee, at ikinalaki ng mata nya na nakalagay ay JHOANA.

"Shocks! Sorry miss. Akala ko akin na yun e, di ko kasi napansin ang name mo atsaka naka headphones kasi ako kaya di ko narinig kung sa akin na ba yon." apologetic face nyang sabi, at dahil cute naman sya. Forgiven na.

"Okey lang, next time matuto kang tumingin sa mga bagay na naka paligid sayo." sabi ko ng mahinahon.

"God! Ngayon lang ako napagsabihan for my entire life, palitan ko nalang miss." mataray nyang sabi. Abaaaaa. Maka asta akala mo kung sinong Boss.

 Indirect Kissed - JhoBea (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon