"Para 'yon lang grabe ang kasungitan mo kaya ka hindi nakakahanap ng girlfriend, eh."
Hindi ito nagsalita bagkus ay tiningnan lang siya ng masama saka tumalikod. Napailing na lamang siya.
PAGKALABAS ni Hyde sa kanyang kwarto ay agad siyang dumiretso sa sala, naabutan niya si Drake na nakaupo sa pang-isahang upuan na nandodoon. Nang makita siya nito ay agad itong ngumiti saka tumayo. Ang totoo hindi inaasahan ni Hyde na pupuntahan siya ni Drake sa kanyang bahay ng ganito kaaga.
"Napadalaw ka? Anong atin?" Agad niyang tanong ng makalapit siya rito.
"Labas tayo." Tila nahihiyang sabi nito.
Napangiti siya. "Ng ganito ka-aga? Ano bang meron, Drake?"
Napakamot ito sa sentido. "Well, I'm sorry muna kung pumunta ako dito sa inyo ng ganito ka-aga. Ang totoo gusto lang talaga kita makasama ngayon araw bago tayo magpunta sa binyag ng anak ni Kristel bukas."
"Ganoon ba," nasabi na lang niya. "Talagang sinadya mo na magpunta dito ng hindi ko nalalaman para hindi ako maka-hindi, hindi ba?"
Again, Drake scratch his forehead. Halatang huli na niya ang alibi nito. Nahihiyang napangiti na lamang ito. "Yeah. Oo na. Tama ka na d'un."
"Hay naku! Makulit ka rin naman talaga, ano? Sinabi ko naman sa 'yo na hindi ak--"
"Alam ko na 'yon, Hyde. Ngayon lang pagbigyan mo na ako."
"Ano pa nga ba ang magagawa ko? 'Di ba wala naman."
Ngumiti lang ito.
Nagpaalam siya kay Drake na magbibihis at maliligo muna. Hindi rin naman siya nagtagal sa pag-aayos ng kanyang sarili. Mabilisan ang ginawa niyang pagligo dahil ayaw niyang paghintayin ng mahabang oras si Drake. Nang matapos siya ay agad na rin siyang bumalik sa sala.
"Tara alis na tayo." Yaya niya kay Drake na nakatingin sa kanya.
"Ang bilis mo naman," puna nito. "But it was nice."
"Ayaw kong paghintayin ka ng matagal," rason niya.
"You really are considerate." Sabi nito.
Ngumiti lang siya. Magkaagapay silang lumabas ng bahay at tinungo ang sakayan ng jeep.
DAMANG-DAMA ni Hyde ang mabining simoy ng hangin habang naglalakad siya. Nasa unahan niya ang isang tao na hindi niya makita ang mukha ngunit ang bulto ng katawan nito at ang likuran ay pamilyar na pamilyar sa kanya. Mabagal ang paglalakad nito na waring hinihintay talaga siya upang magkasabay sila sa paglalakad. Seeing his back brings him so much familiarity. Parang gusto niyang maiyak kahit na hindi niya nakikita ang mukha nito. Ang mahalaga ay nasa harapan niya ito at parang nangangako na hindi siya iiwan kahit gaano man siya kabagal makalapit dito.
Mula sa paglalakad ng mabagal tumakbo siya palapit sa lalaki at buong pwersa na niyakap ito mula sa likuran. Halata na nagulat ito sa ginawa niya. Muntikan na rin itong mawalan ng balanse sa ginawa niya. Isinubsob niya ang mukha sa likuran nito saka umiyak nang umiyak.
"Natutuwa ako na nandito ka na ulit," sabi niya sa pagitan ng pag-iyak.
Hindi nagsalita ang lalaki. Naramdaman niya ang kamay nito sa kamay niya. Hinakawan iyon saka marahan na inalis mula sa pagkakalupot sa baywang nito. Nagpadala siya sa agos kahit na ayaw niyang lumayo sa lalaki. Humarap ito sa kanya. He was smiling. Mas lumala ang pag-iyak niya ng makita ang mukha nito.
"Hyde," he said then cupped his face.
"Nandito ka. Matagal kitang hinintay."
"Hinding-hindi na ako lalayo sa 'yo, Hyde. Hinding-hindi na tayo magkakalayo." May katiyakan na sabi nito.
Sa sobrang kagalakan niyakap niya itong muli na buong puso naman nitong sinuklian. "Aasahan ko 'yan. Aasahan ko 'yan."
"Sa tingin n'yo hahayaan ko na magsama kayong dalawa? Hindi ako papayag na maging masaya kayo pagkatapos ng ginawa n'yo sa 'kin na dalawa."
Lumayo sila sa pagyayakapan na dalawa ng marinig ang boses na iyon. Pareho silang bumaling sa lalaki. Muli isang pamilyar na mukha ang nasa harapan niya. May galit sa mata habang nakatingin sa kanilang dalawa partikular na sa kanya.
"How can you be so happy when I'm alone and being miserable, Hyde? Ganyan ka na ba katigas? Ganyan ka ba talaga? Wala ka bang konsensya?"
YOU ARE READING
String from the Heart Book Two
RomanceLimang taon na ang nakakalipas ngunit nanatili sa nakaraan ang puso't isip ni Hyde. His mind was still from the unclosured past from the two men in his life. Ang puso niya ay puno pa rin ng pagkakonsensya sa nagawa niya kay Devin at sa sitwasyon ni...
Chapter Six
Start from the beginning
