Napapikit siya nang mariin huwag lang maalala ang nakaraan. Eksakto naman na nagsalita ulit si Theo sa kabilang linya. Sa lalim ng kanyang iniisip hindi niya napansin na may kausap pa pala siya.

"Sasama ka na?" Untag nito.

"Do I have a choice? Malamang wala na. Ipaalam mo na lang ako kay Tito Timothy."

Tumawa si Theo. "That's good. Huwag kang mag-alala, mag-e-enjoy ka naman sa pupuntahan natin."

"Oo na. Sige na." Napipilitan niyang pagsang-ayon.

Pinutol na niya ang tawag. Bumalik siya sa pagkakupo sa swivel chair. Tinanggal niya ang suot na eyeglass saka tumingala habang hinihilot ang pagitan ng kanyang mg mata. Nagmulat siya at tila napako ang kanyang paningin sa kulay abo na kisame ng kanyang opisina. Parang tukso na muling bumalik sa nakaraan ang daloy ng isip niya.

Wala sa sarili. Lutang ang isip. Tila isang dahon na nahulog sa tubig at tinangay ng agos sa hanggang kung saan. Walang pakialam kung saan dalhin ng agos basta nakasunod lang siya. Kung saan man siya nito dalhin.

Iyon ang mga eksaktong salita na pwedeng ilarawan ni Devin sa kanyang nararamdaman habang sakay siya ng ambulansya na magdadala sa taong nakahiga sa stretcher, walang iba kundi si Hyde. Hindi niya alam kung ano ang ekskatong nangyari. Hanggang ngayon ay malabo sa kanya ang lahat. Hindi niya alam kung paano at bakit sila nahantong sa ganitong sitwasyon. Hindi niya maiwasan ang magtanong. Kasalanan niya ba ang nangyari? Siya ba ang dahilan ng lahat? Dahil ba sa paghabol sa kanya ni Hyde kaya sila nahantong sa ganitong bagay? Hindi niya maiwasan na sisihin ang sarili sa nangyari. Dalawang tao ang dinala sa ospital dahil sa kanya. Ang isa ay nasa malubhang kalagayan. Si Jake ang nabunggo ng kotse. Nauna na ang ambulansya na maghahatid dito sa ospital. Hindi man niya nakita kung ano ang kondisyon nito ngunit alam niya na malubha iyon.

Nang dumating sila sa ospital sumabay lang siya sa agos ng mga staff doon. Nang makita niya ang kalagayan ni Jake ay hindi niya maiwasan ang manlumo. Puno ng dugo ang damit nito na dumaloy mula sa ulo nito. Walang malay at hindi pantay ang paghinga. Lalapitan sana niya ito ng pigilan siya ng isang nurse. Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa itabing ng nurse ang kurtina. Kasunod naman niyon ang stretcher ni Hyde. Wala rin itong malay.

Nanghihina siyang napaupo sa upuan na nandodoon. Hindi alam kung ano ang gagawin. Napatitig siya sa puting dingding. Hindi niya magawang makapag-isip ng matino. Napapitlag siya nang maramdaman ang vibration ng cellphone niya na nasa loob ng bulsa. Kinuha niya iyon. Tiningnan kung sino ang tumatawag. Si Theo iyon.

"He-hello."

"Devin, okay ka lang? Takang-tanong nito.

"Hi-hindi."

"Bakit? Ano ba ang nangyari? Bakit wala ka sa sarili? Saan ka ba ngayon? Ano ba ang problema?" Sunod-sunod na tanong nito.

"May nangyari kay Hyde... pati kay Jake."

"Ano?"

"May nangyari kay Hyde at Jake, Theo." Tumulo ang luha sa kanyang pisngi. Ang takot, pagkabalisa at pag-aalala ay tuluyan nang dumaloy sa kanyang kamalayan. Napaiyak siya.

"Devin..."

"Kasalanan ko ang lahat. Ako ang dahilan kung bakit nangyari 'to. Kung hindi dahil sa akin wala sana kami sa ganitong sitwasyon. Ako ang dahi--"

"Ano ba ang sinasabi mo, Devin? Bakit mo sinisisi ang sarili mo? Nasaan ka ba? Sabihin mo sa 'kin ang eksaktong lugar kung nasaan ka."

Sinabi niya kung nasaan siya sa pagitan ng pag-iyak.

String from the Heart Book TwoWhere stories live. Discover now