"Basta masama." Pagputol ni Lisa sa sasabihin sana ni Judy.
"Pag-iisipan ko pa."
"Huwag mo ng pag-isipan pa. Oras na rin natin iyon para mag-bonding. Kapag nagba-bar tayo hindi ka sumasama. Pagkakataon na namin iyon para mas makilala ka. Ang tagal mo na dito pero wala man lang tayong bonding moments."
Hindi siya nakaimik. Bigla siyang napaisip. Siguro blessing in disguise na rin ang binyag ng anak ni Kristel. Pagkakataon nga naman niya para buksan ang sarili sa pagbabago at mga posibilidad sa kanyang buhay. Pagkakataon para ilayo ang sarili sa mundo kung saan niya sinanay ang sarili, sa pag-iisa at kalungkutan.
"Ano na, Hyde?" Untag sa kanya ni Judy.
"Kailan nga ba 'yon?"
"Hindi mo binasa 'yung invitation?" Napapalatak ni wika ni Lisa.
Nakangiwing tumango siya. "Hindi pa."
"Grabe siya, oh." Sabi ni Lisa.
"Grabe talaga." Segunda ni Judy.
"Busy kaya tayo nitong mga nakaraan na araw." Depensa niya sa sarili.
"'Wag ka nang magpaliwanag. Hindi namin 'yan kailangan. Sumama ka na lang sa 'min. Huwag ka ng pabebe."
"Sige. Sasama na ako." Aniya para sa ikatatahimik na rin ng mundo niya.
Napahiyaw sa galak ang dalawa. Nginitian niya ang mga ito.
"NABALITAAN KO na sasama ka sa binyag ng anak ni Kristel. Hindi ka magsisisi sa pagsama. Tinitiyak ko sa 'yo na masaya 'yon."
Isang tipid na ngiti ang ibinigay ni Hyde kay Drake. Si Drake ang katrabaho niya na halos kasabayan niya sa pagsisimula sa YKZ Construction. Halos hindi rin nalalayo amg edad nito sa kanya. Mas matanda ito sa kanya ng dalawang taon. Noong nakaraang buwan ang kaarawan nito. Niyaya nga siya nito na pumunta sa bahay nito para uminom ngunit tinanggihan niya ang imbitasyon.
"Oo. Sasama ako. Kinulit ako nina Lisa at Judy na sumama. Sinabi pa ng dalawa na masama raw ang tumatanggi sa pagni-ninong."
"Kung hindi ka pala napilit ng dalawa at natakot wala ka talagang balak na magpunta?" Nakataas ang kaliwang kilay na tanong nito.
"Wala nga."
"Ilang offer at invitation na ba ang tinanggihan mo mula sa amin? Nakakatampo naman ang ginagawa mo."
"Hindi naman kasi ako sanay sa mga ganoon na bagay. Pasensya na."
"Hindi ako tumatanggap ng pasensya, Hyde. Kung gusto mong makabawi sa bawat pagtanggi mo sa akin... err... sa amin pala, dapat may gawin ka."
"Ano naman?" Kunot ang noong tanong niya.
"Sa akin ka sumabay sa araw ng pagpunta natin doon."
"'Di ba may service tayo?"
"Crowded na sa service van natin. Sa kotse ko maluwang pa kaya sa akin ka sumabay."
"Ayo--"
"Hep!" Putol nito sa sasabihin niya.
"Bawal ang tumanggi. Kailangan mong bumawi sa ak-- amin, remember?"
"Hindi naman ako nagsabi na babawi ako, ah. Nagtanong lang ako."
Umiling-iling ito. "'Wag ka nang tumanggi. Basta sa akin ka sasabay."
Natitigilan na iniwanan siya nito. Sinundan na lamang niya ng tingin ang papalayong pigura ni Drake. Hindi talaga siya nito pinayagan na makaganti. Talagang tinalikuran na lang siya basta. Napailing-iling na lamang siya. Wala na siyang magagawa kundi ang umayon sa kagustuhan ni Drake.
NATAON NA long weekend at isabay pa ang one week leave ni Hyde sa trabaho. Mahaba-habang bakasyon ang gugugulin ni Hyde. Ang tatlong araw niya ay ilalagi niya sa beach resort kasama ang mga katrabaho niya sa binyag ng anak ni Kristel. Ang isang linggo naman ay sa kanilang probinsya. Doon siya magliliwaliw habang nasa bakasyon siya. Dalawang araw pa bago ang mga kaganapan na iyon. Bago pa siya pumayag na pumunta sa binyag ng anak ni Kristel na-file na niya ang one week leave na muntikan pang maging one month. Nang mag-file kasi siya ay sinabi ng head niya na matagal na nitong hinihintay na mag-leave siya sa trabaho. Hindi naman niya masisisi ito dahil mula nang magsimula siya sa trabaho niya ay hindi siya nag-leave man lang. Mabuti na lang at napigilan niya ang head nila na gawin iyong one month.
Naisip ni Hyde na pagkakataon na niya iyon sa pagninilay-nilay at sa mga gagawin na desisyon sa kanyang buhay. Gusto rin niya na sa kabila ng nadarama niyang kalungkutan ay magkaroon siya ng pagkakataon para magsaya kung pwede ngang mangyari iyon.
Abala siya sa pag-aayos ng mga dadalhin niya. Isa-isa niyang nirorolyo ang mga damit at ilan niyang short nang marinig ang mahinang katok sa pintuan ng apartment niya. Pansamantala niyang iniwanan ang ginagawa para buksan ang pintuan. Nagtungo siya sa harap niyon at binuksan. Tumambad sa kanya ang kakambal niya.
"Ang aga mo namang dumating," aniya. Niluwagan niya ang pagkakabukas sa pintuan para makapasok ito.
"Mas mabuti na 'yong maaga. Kailan ba ang alis mo?"
"Sa susunod na bukas pa."
"Matagal pa pala."
"Bakit kasi ang bilis mong pumunta dito?"
"For the change of environment."
"Talaga lang, ah." Aniya. "Excited ka ba tumira pansamantala dito sa apartment ko o may tinatakbuhan ka?"
"Aalis na lang ako ulit kung ganoon."
Akmang aalis na ito nang pigilan niya.
"Hindi ka na mabiro. Sige. Hindi na ako mag-uusisa."
"Good. Kaya magkasundo tayo, eh. Kung mag-uusisa ka pa aalis ako ulit dito."
Napailing na lang siya. "Masisisi mo ba ako kung nabibilisan ako sa pagpunta mo dito. Kapag humihingi naman kasi ako ng pabor sa 'yo ang tagal mong pumayag." Paliwanag niya. "Reluctant ka kaya palagi."
"Sige. Aamin ako. Minsan ka lang naman kasi aalis dito sa bahay mo. Siyempre talagang aagahan ko ang pagpunta dito. Baka bawiin mo pa, eh."
"Wala ng bawian na mangyayari. Nakalimutan mo na yata na approved na ang leave ko."
"Wala na ngang bawian pero pwede naman magbago ang isip mo na umalis.
"Hindi na 'yon mangyayari kasi may pananagutan na ako sa mga kasamahan ko."
Ngumiti ito. "Nice! Talagang masosolo ko na ang apartment mo. Magpakasaya ka doon. Sana naman tuluyan ka ng makapag-move on."
"Alam mo naman na malabong mangyari 'yon."
"Yeah right. Talagang malabo dahil 'yong ang pinili mo."
"Pero pwede naman ako magsaya sakit na may lungkot na dala pa rin sa akin ang nakaraan, hindi ba?"
"Oo naman! Kaya pagkakataon mo na 'yan."
Ngumiti lang siya.
"Maiba ako, Hyde. Kung sakali na makita mo isa sa kanila, ano ang gagawin mo?"
"Sa akin na lang 'yon."
Pumalatak ito. "Yeah. Sa 'yo na lang 'yon. Sana nam--"
"Maraming sana." Putol niya sa sasabihin nito. "Pero hanggang ngayon malaking sana pa rin ang mga 'yon. Minsan naiisip ko na siguro kaya hindi nangyayari ang mga bagay ayon sa kagustuhan ko dahil may tamang panahon para sa mga 'yon."
"Tama na nga 'to. Nagda-drama ka na naman." Nakasimangot na sabi nito.
"Saan ba ako pwedeng matulog?"
"Malamang sa higaan ko. Magkatabi tayo."
"Wala naman akong choice."
"Wala talaga."
BẠN ĐANG ĐỌC
String from the Heart Book Two
Lãng mạnLimang taon na ang nakakalipas ngunit nanatili sa nakaraan ang puso't isip ni Hyde. His mind was still from the unclosured past from the two men in his life. Ang puso niya ay puno pa rin ng pagkakonsensya sa nagawa niya kay Devin at sa sitwasyon ni...
Chapter Two
Bắt đầu từ đầu
