At para makaalis siya sa nakaraan ang dapat niya talagang makausap ang mga taong involve sa kinasusuungan niya. Sana nga lang ay madaling gawin ang bagay na iyon. Kung sana madaling gawin ay baka wala na siyang pagsisisi na nararamdaman at hindi na nalulugmok sa kalungkutan  katulad ngayon. Sana magkaroon na siya ng closure sa mga ito.


MULA SA kanyang ginagawa nalipat ang atensyon ni Hyde sa ingay ng mga ka-opisina niya. Nanatili siya sa kanyang pwesto habang nakikinig sa pinag-uusapan ng mga ito.

"Excited na ako sa binyag ng anak ni Kristel, tiyak ko na bongga iyon. Mukhang pinaghandaan ng mag-asawa ang binyag."

"Excited na rin ako. Siyempre, unang anak nilang mag-asawa 'yon. Tiyak na pagagastusan talaga. Biruin mo sa isang resort pa talaga ang reception. Lahat pa tayo invited."

"Iba na talaga kapag bigatin ang asawa. Napaghandaan talaga. Pero maliban doon may mas bongga akong tsismis."

"Anong tsismis naman?"

Na-curious si Hyde sa pinag-uusapan ng mga ito. Kapag tsismis talaga walang magpapatalo kay Lisa at Judy. Idagdag pa na wala ang superior nila kaya malaya ang mga ito sa pagtsi-tsismisan. Ang dalawa lang ang babae sa department nila dahil nag-leave si Kristel na siyang pinag-uusapan ng mga ito.

"Ang sabi sa akin ni Kristel nang tumawag ako. May gwapo daw na bisita ang asawa niya. Hindi lang isa kundi dalawa. Mga batchmate yata ng asawa."

"Talaga? Ano naman ang pangalan?"

"Hindi ko pa alam. Hayaan mo kapag nakausap ko ulit si Kristel sa cellphone kakausapin ko."

"Bongga 'yon kung ganoon nga, Lisa."

"Talagang bongga."

"Sa tingin mo sasama kaya sa 'tin si Hyde?"

Napatuwid ng upo si Hyde nang bumaling sa kanya ang dalawa. Huling-huli siya ng nga ito na nakikinig sa pinag-uusapan ng mga ito.
"A-ano 'yon?"

"Kanina ka pa sa 'min nakikinig, ano?" Tanong ni Lisa. Tipong nasisiyahan ang  reaksyon nito.

"Hindi naman." Pagsisinungaling niya.

"Kahit kailan talaga aloof ka sa amin."

"Hindi naman."

"Sus, hindi raw," ani Judy.

"Sasama ka ba sa 'min?" Tanong ni Lisa sa kanya.

"Hindi ko pa alam."

"Hindi pwedeng hindi mo alam, Hyde. Alam ko na nakatanggap ka rin ng invitation galing kay Kristel. Saka isa ka rin sa mga ninong, hindi ba?"

Tama naman ang mga ito. Nakatanggap na rin siya ng imbitasyon mula kay Kristel. Kasabay iyon sa mga imbitasyon na natanggap na rin ng mga ka-opisina niya. Ninong din siya na hindi niya lubusang alam kung paano ba nangyari. Bihira naman siyang sumali sa usapan ng mga ito at sinisigurado niya na may distansya siya sa mga ito. Hindi siya malapit sa mga katrabaho sa paraan na parang magkakaibigan.

"Oo. Ninong nga ako." Pag-amin niya.

"Pero tatanggihan ko 'yon."

"Ano?!" Halos magkasabay na pasigaw na tanong ng mga ito.

Napangiwi siya. "Tatanggihan ko 'yon. Ayokong maging ninong. "

"Masama ang tumatanggi sa pagiging ninong." Sabi ni Lisa.

"Oo mga. Masama iyon." Pag-segunda naman ni Judy.

"Bakit naman masama?"

"Kasi tumatanggi ka sa ---"

String from the Heart Book TwoNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ