''Bakit kuya?''





''S'ya ang ipapadala ko sa Korea.'' Pag katapos n'ya sabihin 'yon ay umalis s'ya sa harap ko tinawagan ko naman si Lory para alamin kung nasaan s'ya. Nang malaman ko kung nasaan s'ya ay sinundan ko ang kuya ko sa kwarto n'ya at nadatnan ko s'yang may hawak na pang babaeng notebook pero agad din tinago ng Makita ako.




''Makikipag kita ako kay Lory ako ng kakausap sa kanya.''



''Ako na Thea. Just stay here.'' Bilin ng kuya ko pero mabilis ko s'yang pinigilan.





''Ako na kuya mas mabilis na mapapa-payag ko si Lory tatawagan na lang kita mamaya. Hindi ba may pasok kapa ngayon?'' wala ng nagawa ang kuya ko at pumayag na s'ya kaya naman bumalik ako sa kwarto ko para mag suot ng casual na damit at nag maneho papunta sa isang coffee shop kung nasaan si Lory.




Pag kalabas ko sa kotse ay naapatingin ako sa dalawang taong papalakad papunta sa coffee shop. Walang iba kundi si Jason may kasama s'yang babaeng naka kapit sa balikat ni Jason at kung hindi ako nagkakamali nakita ko na ang babaeng 'yon kung saan.





Naramdaman ko ang pag kirot ng puso ko at pag sikip ng dibdib ko. Habang pinag mamasdan ko na masaya silang mag kausap at ang ngiti ng babae kay Jason kahit na sino makakita sa kanila maiisip agad na may relasyon sila.



Nag init ang mag kabilang gilid ng mata ko. Hindi ko man lang magawang igalaw ang paa ko na parang nasemento sa kinatatayuan ko. At ang mas napaghina lalo saakin ay ng biglang mag tagpo ang mata namin ni Jason gulat ng unang rumehistro sa mukha n'ya haggang sa pumasok na sila ng babaeng kasama n'ya sa loob ng shop.





Para naman automatic na gumalaw ang paa ko papunta sa coffee shop agad ko naman nilapitan si Lory. Nahuli ko pang sinusulayapan si Jason at ang kasaman n'ya babae. ''Lory.'' Mabuti na lang at hindi halata ang pag hihina sa boses ko ng tawagin ko si Lory.





Nakuha ko naman agad ang atensyon ni Lory at tinanong saakin kung ano ang dahilan ng pag tawag ko agad ko naman sinabi ang dahilan pero madalas na mapatigil ako dahil napapasulyap ako kay Jason at sa babaeng kasama n'ya at doon ko lang naalala na ang babaeng kasama n'ya ay madalas na kasama ng kuya ko.





TBS : 7 ( Jason Montage )Where stories live. Discover now