TEASER

2.1K 62 2
                                    

PINILING MANAHIMIK ni Hyde habang magkasama sila ni Jake. Pinagsasawa niya ang sarili na titigan ang mukha nito. Gusto niyang manatili sa kanyang isip ang hitsura nito na nakangiti habang nakatingin sa kanya. Ngiti na may bahid ng pagsuyo at pagmamahal na para sa kanya. Wala sa plano niya ang sumama rito. Sa katunayan bago siya rito sumama ay nag-argumento pa sila. Hindi siya dapat pang mapalapit dito ngunit iba naman ang sinisigaw ng puso niya.

Kinakabahan na lumayo siya rito nang lumapit ito sa kanya. "B-bakit?"


"Mahal na mahal kita, Hyde."

Natigilan siya. Para siyang napako sa kinatatayuan. Bakit ganoon? Bakit ba iba ang nararamdaman niya? Para siyang ewan. May malaking epekto sa kanyang pagkatao ang sinabi nito. Parang gusto niyang sumagot ng 'mahal din kita' ngunit hindi pwede dahil masasaktan niya si Devin. Ngunit malaki ang espasyo na dulot ng sinabi nito.

"Mahal kita, Hyde. Mahal na mahal." Anito saka siya kinabig at niyakap ng mahigpit...

Lumayo siya kay Jake nang marinig ang pamilyar na boses ng isang lalaki sa kanilang likuran. Tiningnan niya iyon. Only to be silence by the cold stare of the man, no other than, Devin. Makikita sa mukha nito ang hindi inaasahan na senaryo sa pagitan nila ni Jake.

"Ilang  ulit mo ba akong sasaktan, Hyde? Ilan bang ulit." Tanong nito sa nahihirapang tinig. Kasunod ay ang pagtulo ng luha sa mata nito na kanina pa pinipigilan. Biglang sumalakay ang mga pinong kurot ng konsensiya sa kanyang dibdib. Palagi na lang siyang may nasasaktan. Tama si Devin, paulit-ulit niya itong nasasaktan. At si Jake naman ay ganundin. Siya ang magulo. Siya ang dahilan kaya ganito kagulo ang sitwasyon nilang tatlo.

"I'm sorry, Devin... Jake," aniya saka tumakbo palayo sa mga ito.

Ilang sandali ay nasilaw siya ng liwanag ng ilaw na nagmula sa paparating na sasakyan.

*****

Vote and comment are greatly appreciated guys, gals. Sana po ay huwag n'yo akong pagkaitan. Hehehe
:))

String from the Heart Book TwoWhere stories live. Discover now