Kabanata 41

3.5K 73 31
                                    

@sebastianjakenathan @usrnmfia hehehe medyo matagal tagal na yung kay sebastian jake chuchuchu ~tas yung kay bebe usrnmfia kahit joke lang yun, eto na.
Alam niyo namang mahal na mahal ko kayo hihihi ♥ I dedicate this chapter to you guys ☺ saranghaeeeee ~

"What are you doing here?" tanong niya sa akin

Nagulat naman ako sa kaniyang bungad kaya naman hindi ako nakaimik. Wow, wala ba akong karapatan na pumunta rito sa restaurant ng asawa KO? at kung maka 'what are you doing here' siya sa akin ay parang nakakagulat ang presensya ko rito.

"Hi tita ninang!" bati naman ni Sam sa kaniya.

"Uh, a-ano. She's here to get her lunch." Singit ni AJ.

"Hanggang ngayon pala ay sinusupplyan mo parin siya ng lunch?" tanong ko.

"Unfortunately, nandito ako para sabihin na..—"

"Oh! Ayan na pala e. Thank you Tom, bilis mo talagang kumilos."
Dahil sa biglang pagsasalita ni AJ ay nainterupt si Cesca.

"Tara cesca, pili ka ng drinks mo dun." Si AJ naman ay hinatak niya ito papunta sa counter.

Habang sila ay nandoon, hindi ko parin inaalis ang aking tingin sa kanilang dalawa. AJ is acting weird. Ayokong magmaling akala at ayoko rin na pag-isipan ng masama ang kaibigan ko.

Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa lumabas sila ng restaurant.
Medyo may katagalan bago bumalik si AJ sa aming lamesa.

"Uh, concern ako sa kaibigan mo dahil sa kalagayan niya ngayon. Hindi mo ba alam kung anong nangyari sa—"

"Alam ko." putol ko rito.
"Masyado ka namang concern sa kaniya." Dagdag ko pa.

"Aish, syempre parang kaibigan ko na rin siya ano ba." Sabi naman niya at nagkamot ng ulo.
"Haay, nagseselos ka ba?"

Kaya naman agad akong sumagot sa kaniyang sinabi.
"Hindi no."

Tumawa naman siya at ginulo ang aking buhok. Psh!
Basta basta! Kakaiba na ang nararamdaman ko. Lalo na't parang nadikit na sa utak ko 'yung mga pinagsasabi ni Bernard sa akin.

"Basta kapag nalaman ko na niloloko mo ako, humanda ka sa akin." Banta ko sa kaniya.
Hmp! Di ako nagbibiro 'no!

"A-ano ba, Bianca. Hindi ko naman magagawa sa'yo 'yun." Sabi niya at inakbayan pa ako.
PSSSSSSSSSSSSSSHHH!

"Mommy, daddy! I want more pasta pa po!" si Sam na iniabot ang kaniyang bowl sa kaniyang daddy.

"Ok, pasta for Sam coming up."

Habang hinihintay ko namang kumain si Sam ay biglang ring naman ng aking phone.
Hindi ko na kailangang tingnan kung sino iyon dahil isa lang naman ang tumatawag sa akin ng walang dahilan =__=

"ano?" bungad ko rito.

"Galit ka?"

Alangan namang sabihin ko sa kaniya iyong tungkol sa naramdaman ko kanina sa kanilang dalawa ni AJ at Cesca.

"Wala, busy ako."

With that I hung it up. Psh, wala namang patutunguhan ang usapan namin. Worst, mangulit lang 'yun na makipag kita sa akin.
Assuming ko ba? Eh sa 'yun ang nafefeel ko e.

Pagkatapos ng aming agahan, nag-aya na si Sam na umuwi na. Naging busy na rin kasi si AJ kaya hindi na niya kami naentertain.

Pag-uwi namin sa bahay ay inasikaso ko ang mga halaman sa harapan ng aming bahay. Matagal tagal na rin bago ko ito na asikaso.

"Neighbor! Long time no see!"

Sino pa ba? Edi si Excel. Ang tagal din bago ko siya nakita.
Lumabas siya sa kaniyang gate at sinalubong ako ng may ngiti sa labi.

"Oh, hi. Long time no see din. Kamusta?" Sabi ko naman at nginitian siya.

"Heto, ok lang in love na." sabi niya.

Sa pinta ng kaniyang mukha e halatang in love nga siya. Tila, walang kapantay ang mga ngiti niya.

"Talaga? Mabuti naman at nahanap mo na ang babaeng para sa'yo. Congrats!" bati ko naman sa kaniya.

"Salamat. Kaso, may problema e."

Pinatay ko ang hose na aking hawak at tumingin sa kaniya.
"Ano naman? May lovelife ka na nga may problema pa?"

"Hindi niya kasi alam."

Nagpamewang naman ako sa kaniyang harapan.
"Aba, edi saabihin mo. Bahala ka, baka may maka-una pa sa'yo."

"Unfortunately..." tigil niya. Kaya napataas ang dalawa kong kilay.
"Meron na ngang nauna. At hindi siya babae"

Napa 'tsk tsk tsk' na lang ako. wala ng chance 'to kung may nauna na. saka, bakit tomboy slash tibo pa kasi ang nagustuhan ng sira ulo.
Unless, hindi din alam nung gusto nung taong gusto nito na gusto siya ng gusto niya. Lol ang gulo basta, ako na lang ang nakakaintindi nun.

"Sino ba 'yang gusto mo? Kung ok lang sa'yo pero, kung hindi ok lang din na huwag mo na lang sabihin. I respect your privacy..—"

"Si Bernard. I'm a gay, Bianca." Putol niya sa akin.

Hindi ko naman napigilan ang tawa ko.
"HAHAHAHAHA! Ikaw talaga, ang aga-aga mong magJoke. Huwag ako, Excel ha." Sabi ko at pinulot ng muli ang hose upang ipagpatuloy ang aking pagdidilig.

"Hindi ako nagbibiro, ano ba."

Sa tono ng kaniyang boses ay nabigla ako. Shet! Bading na bading :O

"S-seryoso ka?"

Tumango siya at tinaasan ako ng kilay.
Mygaaaaaaaaaaaaad

"Ang gwapo mo, gago ka. Bakit ka magbabakla? Nako, kung power trip 'to tumigil ka na ah. Baka basain pa kita diyan." Banta ko.

"Hindi sabi ako nagbibiro! Kahit ba buhusan mo ako malamig na tubig now e, ganito talaga ako." sabi niya at inirapan pa ako.

Hindi muna ako umimik ng ilang segundo.

"Gusto mo sampalin kita nang malaman mo na gising ka? O kaya naman ikaw ang basain ko diyan? Ano ba! Seryoso nga kasi ako!"

Sawakas nahanap ko na ang aking dila.
"Ok fine! Naniniwala na ako! But, how did it happen?!"

"I don't know. Basta nakaramdam ako ng special sa kaniya. Ohmy girl! Hindi ba't nakaka-in love naman talaga siya? I really wish I was you." Sabi niya at hinampas pa ako sa braso.

"Me? Bakit naman ako?"

"Manhid ka talaga. You are so insensitive! Kapag may meetings kami ni Bernard lagi ka niyang kinukwento sa akin. At huwag mo ng ikaila pa, siya ang kasama mo noong wala ka ditiy. Hmm! Aminin!"

Chismosa rin pala 'tong bakla na 'to e. at si Bernard naman napaka kiss and tell niya. psh!

"Ewan ko sa'yo. Papasok na ako, kung ano-ano chinichismis mo sa akin." Sabi ko.

Bago pa ako pumasok ng bahay ay binugahan ko siya ng tubig na nanggagaling sa aking hose. Wehehehe

"That's what you call basang bakla!" pang-asar ko naman.

"Shhh! Anno ba! Marinig ka pa ng kapitbahay ah! Nakakahiya." Sabi niya at nagpout pa.

Humagikgik naman ako at tuluyan ng pumasok sa bahay.
Alam kaya ni Bernard 'yun? Duh, syempre hindi. Panigurado, lalayuan niya si Excel.

I don't seduce SEDUCERS (COMPLETE)Where stories live. Discover now