Kabanata 25

4.3K 89 33
                                    

Bianca's POV

Naglalaro ang mga bata samantalang ako ay tahimik na naka upo sa sala.
Pinagmamasdan ko lamang ang aking anak habang nakikipag laro kay Miley, ayokong magawi ang aking tingin kay Bernard. Randam ko naman kasi na kanina pa naka tingin itong lalaking 'to.

"Masaya ka ba talaga sa Anthon na 'yun?" tanong niya.

Agad naman akong napatingin sa kaniya.
Masaya naman ako sa buhay ko ngayon noong hindi pa nagparamdam 'tong buwisit na 'to.

"o-oo naman." Sagot ko at nag-iwas na kaagad ng tingin.

Bigla namang may nag doorbell sa labas ng bahay niya. Tumayo ito at lumabas.

"Si Bianca at ang anak ko? Susunduin ko na sila."

Kilala ko ang boses na iyon. Kaya ako ay kaagad na kinuha ang aking bag at tumayo.
Walang lumabas na kahit ano sa bibig ni Bernard. Pinatuloy niya si AJ sa kaniyang bahay.

"Daddy!" si Sam naman ay dali-daling tumakbo papalapit kay AJ.

"uuwi na tayo." Maikling sabi ni Aj at hinawakan ang aking braso.

"Pero daddy. Mamaya na po." Sagot naman ni Sam.

"Sam, huwag ng makulit ok? Uuwi na tayo." – AJ.

"Eh daddy, why so early po? Diba you always go home late naman po? Bakit maaga po nag close 'yung restaurant niyo?" niratrat naman ng tanong ni Sam itong daddy niya.

"Ah, eh kasi ano. I want to be with you now. Gusto ko kasama ko kayo ngayon. Ok? Uuwi na tayo." Sabi ni AJ at kinarga na ang aking ama.

akmang lalakad na si AJ nang magsalita si Bernard.

"Bakit nga ba, Anthon? Hindi mo ka yata namasyal ngayon?" tanong niya.

"Saan naman ako mamamasyal?" balik tanong nito.

"Alam mo na." sagot ni Bernard at may ngiting aso sa kaniyang labi.

Tinitigan ko si AJ na matalim na naka tingin kay Bernard.
"Ano bang alam mo, Bernard? Bakit hindi mo kami derestuhin?" irita kong tanong.

"Kung ano-ano sinasabi mo. Gusto mo lang namang masolo ang asawa ko. Halika na, Bianca." Sabi ni AJ at hinatak na ako palabas ng bahay ni Bernard.

Hindi na ako naka imik pa hanggang sa pasakayin na niya kami ng sasakyan niya.
Habang siya ay tahimik na nagd-drive ay may tinawagan siya.

"Hello, Tom? Kunin mo ang sasakyan ng ma'am mo. I'll send you the address." Sabi nito at ibinaba na ang tawag.

"Uuwi naman kami. Bakit mo pa kami kailangan sunduin? Saka ano 'yung sinabi ni bernard?" usisa ko.

"Ayoko lang namang nagtatagal ka sa bahay ng lalaking iyon. Last na 'yun, at hindi ka na makikipag kita sa kaniya. At tungkol dun sa sinabi ng ugok na 'yun, wala 'yon. Sinisira niya lang tayo dahil obsess na obsess 'yun sa'yo." Litanya niya.

"Hindi naman ako nakikipag kita sa kaniya, si Miley ang pakay namin dun. Ano, niloloko mo ba ako? siguro may alam si Bernard kaya todo iwas ka sa kaniya." Sabi ko rito.

Bigla niyang inihinto ang sasakyan sa gilid ng kalsada na ikinagulat ko.

"WALA SABI! MAHIRAP BANG IPALIWANAG SA'YO NA AYOKONG NAGKAKASAMA KAYO DAHIL... ARRGH!" Sigaw ni AJ.

"d-daddy.." si Sam na yumakap sa aking braso.

"Aaargh!" si AJ na hinampas pa ang manibela.

"Ano bang nangyayari sa'yo?! Hindi ka naman dating ganiyan ah!"

Sinabunot niya ang kaniyang sarili at humarap sa akin.
"Bakit mo ba ako pinaghihinalaan?! Kita mo, nag-aaway pa tayo sa harap ni Sam!"

Napa irap naman ako sa kaniyang sinabi.
"Ako pa itong may kasalanan ngayon? Sorry kung gusto kong malaman kung anong ibig sabihin ni Bernard ha? Pasensya na kung masyado akong may pakealam sa'yo bilang asawa mo."

Ilang segudo siyang tumahimik na para bang pinapakalma ang kaniyang sarili.
"I'm sorry. Nagseselos lang ako bilang kasama mo 'yung gagong 'yun. May nakaraan kayo kaya ganito ako maka react. Natatakot ako na makuha niya kayo sa akin, at ni Sam." Sabi niya at hinaplos ang buhok ng aking anak.

"I'm sorry." Sabi niyang muli at humalik sa aking noo.

Pagdating namin sa bahay ay nakatulog kaagad si Sam.
pagkatapos kong magshower ay nadatnan ko si AJ na nakasandal sa headboard at naka harap sa kaniyang laptop. Nang mapansin niya akong papalapit ay isinarado niya ito.

"Tapos ka na pala. Matulog na tayo." Sabi niya at itinabi na ang kaniyang laptop.

Nakakapanibago talaga siya. Ayoko namang isipin na may iba siya kasi may tiwala ako sa kaniya. Pero bakit ganito siya? Pagod ba siya sa trabaho? May problema ba siya? Bakit hindi niya sabihin sa akin?

Sa kaka-over think ko, hindi tuloy ako makatulog samantalang si AJ ay napaka sarap na ng tulog. Biglang umilaw ang kaniyang cell mula sa kabilang mini drawer.
Tumayo ako at kinuha iyon.

Pagka-swipe ko ng screen nito ay bumungad ang pattern password nito. Kailan pa siya naglagay ng password sa cellphone niya?

"Bakit gising ka pa? Cell phone ko ba 'yan?" tanong niya.

Mukhang naalimpungatan siya. Kinakabahan ako. hindi ko alam kung bakit? Hindi ko alam kung bakit naiisip ko na niloloko niya ako.

"M-may nagtext ata. Kaso, may password." Sagot ko.

Nag 'tsk' naman siya at hinablot ang cellphone mula sa akin.
"Hindi mo dapat pinapakealaman ang cellphone ko." sabi niya at humiga ng muli.

Humiga na rin ako. sana hindi tama ang hinala ko.

--

Ilang weeks na ang nakalipas, mula noong huling pagkikita namin ni Bernard. Kahit na tawag niya'y hindi ko sinasagot. Nangako kasi ako sa sarili ko na hindi na ako makikipag kita sa Bernard na 'yun para maiwasang magselos si AJ.

"Mommy, sabi ni Miley pupunta ako sa house nila sa Saturday. It's her birthday po kasi. Punta tayo mommy. Please!" sabi ni Sam habang pinag dikit ang kaniyang dalawang palad nito.

"eh, anak. May lakad tayo ni daddy sa Saturday." Pagdadahilan ko.

"You're lying mommy. I heard daddy yesterday, may kausap siya sa phone. He will visit daw po dun sa house nung kausap niya."

"sino 'yung kausap niya?"

Nagkibit balikat naman siya sa akin. Saan siya pupunta? At, sino 'yung pupuntahan niya?
Sa gitna ng aking pagmumuni muni, itong anak ko ay umeksena.

"Mommy! Payag ka na po please!"

"Paalam muna tayo kay daddy ok?" sabi ko naman.

Tumango naman si Sam.
"What if, hindi po nipayag si daddy?"

"Wala tayong magagawa kapag hindi pumayag si daddy."

Nag make face naman siya.
"Hindi na po kita bati nun."

Nagulat naman ako sa sinagot niya. nagiging loko-loko itong anak ko. baka pag lumaki 'to hindi ko lang pinagbigyan sasabihin na sa akin 'hindi na kita mommy.' Naku! Huwag naman sana.

"basta, bahala na. sleep kana. May pasok ka pa tomorrow diba?" sabi ko at tinap ang kaniyang ulo.

--

I'm so sorry kung now lang nag update. Mwehehehez, sisihin niyo 'yung prof ko na wagas kung makapag bigay ng projects. letse siya! LOL ahhahaha hope you like it guys! MWAAAA

HannaEXO at Twitter :)

I don't seduce SEDUCERS (COMPLETE)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang