Kabanata 5

5.5K 93 28
                                    

Anong ginagawa niya rito?

Bakit dito pa?

Bumilis ang tibok ng puso ko nang magtagpo ang aming mga mata.

Hinawakan ni AJ ang aking kamay ng sobrang higpit.

"Bianca?"

O God! Bakit parang big deal sa akin ang pagtawag niya ng aking pangalan?

It makes me shiver. Ano ba, parang kailan lang ay nakita ko siya pero hindi naman ako ganito na sobrang kinabahan.

Lumapit siya sa amin, nagulat ako nang nginitian niya ako.

Akala ko siya si Bitter Man e.

"Pare." Bati niya sa asawa ko.

Tinanguan naman siya ni AJ na sobrang seryoso ang mukha.

Bakit ba ako kinakabahan?! Sheez, kalma!

"Long time no see, Bianca." sabi naman ni Bernard na hindi parin nawawala ang kaniyang ngiti. "Kailan pa kayo bumalik ng Pilipinas?" tanong niya.

Nagawi ang tingin niya sa aking anak.

"Anak niyo?" dagdag pa niya.

"A year ago and yes, anak namin." Si AJ na ang sumagot.

Why am I so speechless?!

"Hello." Sabi niya sa aking anak at kinawayan niya pa ito.

Kagulat-gulat ang inasal ng aking anak. Palagi kasi na kapag may mga kaibigan kaming uma-approach kay Sam susungitan niya ito. Pero siya, linapitan niya ito at kinawayan pa.

Hindi kaya.... lukso ng dugo?

Aish! Erase! Erase!

"Hello po, friends kayo ng mommy and daddy ko?" Sam asked.

Tumango naman ito.

"Buti pa kayo nagka anak agad, ano?"

Para sa akin, kakaibang tanong iyon.

Parang may halong sakit ang kaniyang pagkakasabi.

"Tito i-don't-know, where do you live po? Nakatira ka lang po ba near sa house namin?" tanong ni Sam.

"My name is Bernard. Hindi ko alam kung malapit ba dahil hindi ko alam 'yung house niyo e. Saan ba?" tanong nito sa aking anak.

"Sam, anak uuwi na kayo ni mommy. Halika na." sabi ni AJ at hinila ang kamay nito.

"Ayoko pa po, daddy. I wanna play with him po, umalis kasi kaagad si tita Jas." Sabi nito at binawi ang kaniyang kamay.

Naiintindihan ko si AJ kung bakit niya ginagawa 'to. That's why I grab Sam's arm.

"Huwag ng makulit, Sam. Tara na, 'di ba magwawatch ka pa ng T.V? Maggagabi na din kasi oh." sabi ko at hinawakan pa ang kaniyang pisngi upang maitutok ito saaking mukha.

"Hon, umuwi ka ng maaga." Sabi ko at hinalikan si AJ sa pisngi.

Nagpout naman si Sam at nagpahila na lamang sa akin. Kahit na nahihirapan ako na magsalita ay pinilit kong magpaalam sa kaniya.

"Mauna na kami." Sabi ko at tinalikuran na siya.

"Mag-iingat kayo."

Iyon ang huling narinig ko mula kay Bernard.

Mula naman sa labas, kita ko sila sa clear window na nag-uusap ng aking asawa. I wonder kung anong pinag-uusapan nila.

"Mommy, why do we have to go home early? Ayaw ko po manood ng T.V. I wanna play with tito Bernard po, he looks nice" sabi ni sam.

I don't seduce SEDUCERS (COMPLETE)Where stories live. Discover now