Kabanata 40

3.3K 60 2
                                    


"Sino 'yun?" tanong niya sa akin.

"uh, ano... trabahador ko, si Tom." Sabi ko at tumitig sa aking plato na wala pang laman.

"ganun ba? Bakit daw?" usisa niya.

Hinilot ko ang aking sentido at pumikit ng ilang sandali.
"A-ano, kailangan daw ako sa restaurant..—"

"Ng ganitong oras?" putol niya.

Tumango naman ako.
"Sandali lang ako. May nangyari lang, promise... babawi ako sainyo bukas."

"You're not eatig with us po, daddy?" tanong ni Sam.

"Hindi e. Pero, bukas babawi na talaga ako. promise." Sabi ko at itinaas pa ang aking kanang kamay.
"But for now, I really have to go." Sabi ko at tumayo na sa upuan.

Pagdating ko roon ay pinindot ko na kaagad ang buzzer upang ako'y kaniyang pagbuksan na. Naiisip ko kung kumakain pa kaya sila kahit na wala ako? at ang nakakainis pa, kailangan kong magsinungaling para lang mapagtakpan ang kagaguhang nagawa ko.

"Ano nanaman ba?" irita kong tanong nang makapasok na ako sa loob ng kaniyang condo.

"Wala lang. Namiss lang kita." Sabi naman niya at umupo sa kaniyang sofa.

"Wala lang? 'yun na?" asar na asar kong tanong saka humarap sa kaniya.
"We are having a moment, wala ka naman palang kailangan umalis pa ako." pagpapatuloy ko.

"I'm sorry. I just missed you. Look, dalawang araw din 'yun bago tayo magkita ulit. Don't you miss me?" siya naman itong tayo niya at sumabit sa aking leeg.

"Stop it, Cesca! Hindi mo naiinitindihan. I'm trying my best para lang maging ok ang lahat. Maging ok kami at kayo as a friend."

Umirap naman siya sa akin at tinulak niya ako.
"ok lang naman sa akin kahit na hindi na kami maging ok. Basta tayo ok tayo." Sabi nito at nag-iwas ng tingin sa akin.

"Why are you so selfish?"

Pairap naman siyang tumingin sa akin.
"selfish na kung selfish. I love you, I really do. Tayo na lang, hayaan mo na si Bianca kay Bernard. Para pare-pareho na tayong maging masaya, THE END!"

"Enough with yur bullshits. Hindi ko hahayaang mangyari iyon. Bianca belongs to me. Sa akin lang."

"No. bianca belongs to Bernard. Kung hindi lang naman dahil sa mga sulsol ko eh hindi kayo ikakasal ni Bianca. But now, I want you so bad kaya sa akin ka na." sabi niya na parang gigil na gigil sa akin.

"What are you saying! Hindi ako sa'yo at kelan man, hindi ako magiging sa'yo. Kung puro ganito ka lang, aalis na ako." sabi ko at akmang lalabas na ng condo niya nang hilain niya ang aking kamay.

"No! you're not going anywhere! You're staying with me! Kung hindi, malalaman ni Bianca ang lahat." Banta niya sa akin.

"Go, no one stopping you. Hindi siya maniniwala sa'yo. Worst, maisipan pa niyang lumayo kami sa'yo."

"I'm fucking serious!" sigaw nito bago ko pa pihitin ang kaniyang door knob.

With that, I left.

Sabi ko na nga ba't walang patutunguhan itong pagpunta ko rito. Nasira lamang ang dapat perfect dinner naming tatlo.
Umuwi ako na maaga pa sa inaasahan ni Bianca.

Nadatnan ko siyang mulat na mulat pa ang mata at nakatitig sa kaniyang cell.
Kaya, minabuti kong agawin ang kaniyang atensyon.

"I'm home." Sabi ko rito at kaagad ng tumalon sa kama sa kaniyang tabi.

"Ang bilis mo yata?" sabi niya at isinilid niya ang kaniyang cell phone sa ilalim ng kaniyang unan.

"Oo, ok na ang lahat e. Naayos na ni Tom." Sabi ko at yumakap sa kaniya.

"Matulog na tayo? Maaga ka pa bukas." Sabi niya at nag-ayos na ng higa.

Lalo ko namang hinigpitan ang yakap ko sa kaniya.
"Hindi ako papasok ng maaga. Kaya, pwede tayong magpuyat ngayong gabi, hon." Mapanukso kong sabi sa kaniya.

Umayos ako ng higa upang mahalikan siya ng maayos. Tumugon naman siya sa aking matamis na halik kaya hinagkan ko ang kaniyang pisngi.
Dahil sa aking temptasyong nararamdaman ngayon, nagtungo ang aking halik sa kaniyang leeg.

Bigla naman niya akong tinulak ng walang dahilan.

"Why?" tanong ko.

Sa aking kutob, may bumabagabag sa kaniya base sa kaniyang mga mata.
Hinihintay ko parin siyang sumagot dahil kakaiba ang pinta ng kaniyang mukha.

"N-nothing. S-sumama lang ang pakiramdam ko. I feel very sleepy." Sabi niya.

Kinagat ko ang aking ibabang labi at hinila ang kumot. Tumango na lamang ako at hindi na umimik pa. Ilang sandali nang matulog na siya ay nagpasya akong magtungo sa aming veranda.

Wala lang, para magpahangin. Inilabas ko ang isang kahang sigarilyo at bumunot ng isa nito. Sinidihan ko iyon at nagsimula ng magpalabas ng usok mula sa aking bibig.

Alam kong ayaw ni Bianca nito. But I can't help it. Nagiging malamig na ang samahan namin ng asawa ko. Hindi na tulad ng dati. Ang inaalala ko, paano kami makakabuo ng sarili naming anak kung mismong siya ay ayaw makipag siping sa akin.

Ilang taon na kaming kasal pero walang nagbubunga sa aming nagawa. Sabi ng iba, faith lang daw sa poong may kapal. Naniwala ako doon, pero itong nangyayari sa amin ay hindi na tama. Ayoko namang isipin na nawawalan siya ng gana sa akin. Kung gayon, bakit? Hindi kaya dahil kay Bernard? Hindi kaya nagkikita sila ng palihim?

Nakakarma ba ako sa lagi kong pagsisinungaling sa asawa ko?

Bianca's POV

Ginising ako ng sikat ng araw na nagmumula sa bintana. Mahimbing paring natutulog si AJ, ngunit nakatalikod ito sa akin.
Narinig ko naman ang mahinang tutog mula sa kaniyang cell phone. Siguro'y may text message siya.

Tumayo ako at umupo sa gilid ng kama saka kinuha ko iyon sa ibabaw ng aming mini drawer. Sabi sa screen 'swipe to unlock' so, I did.
Ngunit, bumungad ang security pin. Dati ay hindi naman siya naglalagay ng ganito ah.

"Hmm, what are you doing?"

Gising na siya at hindi ko man lang nakita kung sino 'yung nagmensahe sa kaniya.
Iniabot ko naman sa kaniya ang kaniyang cell phone.

"May pin code ang phone mo. Kailan pa 'yan?" tanong ko.

"Ha? Matagal na 'to." sagot niya saka pa in-off ang kaniyang cell phone.

Hindi na lang ako umimik at tumayo na.
"Mag-agahan na tayo." Aya ko rito.

"Sa restau na lang."

Edi sa restau. Psh, never pa talaga kaming kumain ng buo at sabay dito sa bahay.
nakakainis! Buti pa si Bernard..—arggh! Stop it Bianca! >__< grr

Walang imikan sa kotse tanging si Sam lamang ang nag-iingay dahil kumakanta nanaman ito.
hanggang sa marating namin ang restaurant ni AJ. Iginaya niya kami sa dating table. And again, hindi nanaman kami nasamahan ni AJ kumain.

habang si Sam na lang ang kumakain ay lumapit sa amin si AJ.
"Masarap ba?" tanong niya sa amin.

"Opoooo." Sagot naman ni Sam.

Maya-maya'y isang trabahador naman ni AJ ang lumapit sa amin.
"Sir, nandito po si ma'am Francesca. Hanap po niya kayo."

Bakit nandito siya? Anong kailangan niya sa asawa ko? Bigla tuloy sumagi sa isip ko iyong sinabi ni Bernard.
Tumingin sa akin si AJ bago niya ito sinagot.

"S-sige, papuntahin mo rito."

Kaagad naman iyon tumalima. Malayo pa lang siya ay nakita ko na ang kaniyang ekspresyon. Tila, nagulat ito nang makita niya ako. Kaya, si ako naman ay nginitian siya.

"What are you doing here?" tanong niya sa akin    

I don't seduce SEDUCERS (COMPLETE)Where stories live. Discover now